Chapter 28

178 30 0
                                    

Chapter 28:

Ngayon ay nag simula na kaming mag lakad. Sa pagkakataong ito ay kasama na namin si Chief.

Ngayon ay medyo nakikilala na namin sya dahil napaka palakaibigan nyang tao.

He's quite loud. But as what I've observed, he is so innocent. Para bang wala syang alam sa mga bagay bagay.

Ang pinanghahawakan nya lang ay ang mga pangaral at mga bilin na sinabi sakanya ng lima nyang kaibigan sa Celestial Tribe.

Noong una ay nag taka ako kung bakit tinaya nya ang buhay nya para lang makuha ang mga alahas na pag aari ng taong hindi nya kakilala. Ginawa nya iyon sa napaka babaw na dahilan.

Ngayon ay naiintindihan ko na sya. Masyado lang siguro syang inosente at sinusunod ang mga bilin ng mga kaibigan nya.

"Ilang araw ba kayo sa Celestial Tribe?" Tanong nya habang nag lalakad kami.

"Kapag natapos na ang pangangalakal namin ay aalis na din kami kaagad." Tugon ni Zoey.

Ngayon ay nasa daan kami papunta sa entrance ng Findeo. Mula sa kalsadang ito ay tanaw na tanaw na ang bukana ng kaharian.

Tanaw mula dito ang mga bahay at iba pang gusali.

"Kung ganon, sa bahay ko muna kayo pansamantalang tumuloy habang nandito kayo." He offered.

"Really?" Sambit ko. Lahat kami ay na tuwa nang sabihin nya iyon.

"Since all of you become my friends, everyone is welcome at my home." Aniya.

"That's great!" Masayang sambit ni Vanie at napatalon ito.

"Thank you so much Chief." Nakangiting pasasalamat ni Crystal.

"Don't celebrate. We are not herep for a vacation." Sambit ni Edward.

Nagbago ang mood ng dalawa matapos iyon sabihin ni Edward.

"Yeah we know that." Inis na sambit ni Vanie.

"Nicolo." Napalingon ako ki Jannah na nasa tabi ko.

"How's your wounds?" Usisa nya.

Napatingin ako sa braso kong naka benda parin. "It's fine now. Thanks to you." Nginitian ko ito bilang pasasalamat.

"My pleasure." Ngumiti sya pabalik.

Ginagamot nya ako gabi gabi kaya ngayon ay kaunti na lamang ang lapnos. Ang mga natira ay gumagaling na din.

Paunti unti nang bumabalik sa normal ang pakiramdam ko. Pero hindi ko maiwasang maka ramdam ng pagod.

I'm very tired. Sunod sunod ang mga misyon namin at tanging isang linggo lang ang pahinga namin.

For now I'm agree on what Edward said. We are not here for a vacation. Gusto ko na din matapos ang lahat ng ito para makapag pahinga na.

Madali lamang kaming nakapasok
Sa Findeo. Ang mga gwardya ay hindi gaanong mahigpit.

Ang tanging ginagawa lamang nila ay mag matyag sa paligid. Hindi ko inakalang ganito kami kadaling makakapasok.

Nang makarating kami ay sumakay kami sa isang cart na hinihila ng mga kabayo.

Sa tingin ko ay isa ito sa mga ginagamit nila para sa transportasyon.

Isa itong malaking cart na naka kabit sa apat na kabayo. Sa unahan ay ang upuan ng nag mamaneho.

Walang dingding ang cart ngunit mayroon itong bubong. Dalawang upuan lamang ang mayroon sa kada isang helera.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon