Chapter 4:
Nagising ako dahil sa paulit ulit at malakas na pag katok sa pinto.
Nag madali akong buksan ang pinto kahit na kakabangon ko pa lang at Wala pa akong hilamos.
Pag bukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang isang matandang lalaki. Naka soot ito ng reading glasses at suit na sinusoot ng isang butler.
Kulay puti na ang buhok nito, mapayat at hindi gaanong matangkad.
Ang isa pang na pansin ko ay wala itong braso, nagulat ako nang mapansin ko iyon. Literal na wala itong braso at kamay.
"Paul nicolo Ramirez and Troy Lavender?" Tanong niya.
Napa tango ako ng tatlong beses.
"Hello. My name is Christopher Hendrickson, one of the butlers here." Masayang pagpapakilala niya.
"I-it was nice to meet you sir." Ngiting sambit ko at inilahad ang kamay ko.
Napabagsak ang balikat nito at nawala ang ngiti sa labi nito. Limang minuto niyang tinitigan ang kamay ko.
"Oh, uhhh, I'm sorry. S-sorry." Nakalimutan ko na wala pala itong kamay. Ibinaba ko ang kamay ko at humingi ng paumanhin.
"It was nice to meet you..."
"Nicolo. I-I'm Paul nicolo Ramirez." Pagpapakilala ko.
"It was nice to meet you... Nicolo." Pilit itong ngumiti. "Nandito ako para ihatid ang uniforms nyo." Lumutang papalapit ang mga piraso ng tela na maayos na naka tupi.
"New students right?" Napatango ako. "Your class starts today, I bring five pairs for you and five pairs for your room mate." Aniya.
"Thank you sir Christopher." Naka ngiting sambit ko.
"My pleasure." Nag bow ito. May lumutang na arrow na hugis papel at tumigil ito sa harap nya. "Pag may kailangan kayo hanapin nyo lang ako sa pinaka huling kwarto sa floor na ito." Naka turo ang arrow sa dereksyon na tinutukoy nya. "Good luck to both of you." Nag lakad na ito papalayo.
Kaagad akong nag handa para sa unang araw ko sa school na to.
May halong kaba at takot dahil hindi ako sanay na makakita ng mga lumulutang na tao, mga taong nag mamanipula ng apoy, mga taong nakakapag palutang ng mga bagay at iba pa.
For me it's all weird but I think normal lang sakanila to.
Ako nga ata ang weird dahil lahat sila may magic at ako lang ang wala.
Ngayon ko palang nakita ng harap harapan ang mga gantong bagay. Yung tipong dati ay nasa imagination ko lang, ngayon nangyayare na sa reality ko.
Before I really have no idea about this place. As in wala talaga. But thanks to Troy, dahil sakanya ay may kaunting alam na ako about sa Golden sanctuary.
Ngayon ay nasa isang lugar kami na kung tawagin ay Blue garden. Parte pa ito ng Golden sanctuary, ito ang boundary ng school at ng Maiyah forest.
Isa itong malawak na lupain na ang tanging makikita mo lang ay ang kulay asul na mga bulaklak na kung tawagin nila ay cristalyn rose. Ganon na nga, isa itong mala gubat ng bulaklak at sa sobrang bango ng hangin ay gugustuhin mong palaging nandito. Hindi ko alam kung bakit ganon Ang tawag sa bulaklak.
"I'm getting tired." Reklamo ng babaeng blonde ang buhok na kasama namin.
"It's okay. Malapit na tayo." Sagot ni Sir Christopher sakanya.
Napahinga nalang ng malalim ang babae.
Pag labas namin kanina sa dorm ay sinalubong kami ni sir Christopher kasama ang labing isa pang mga estudyante na kasama namin kahapon.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...