Chapter 39

170 28 7
                                    

Chapter 39:



Natalia's POV:


"Malapit na ba tayo?" Usisa ko sakanilang dalawa.

"Yep. Ilang minuto nalang." Tugon ni Justin.

It's been an hour nang mag simula kaming mag lakad galing sa mansion.

"Sure ba kayo na nandito sya?" Usisa ko.

"This is the only na maaari nating makita sya bukod sa mansion." Sagot naman ni Peter.

We are looking for Edward. These two are his teammates, kilalang kilala nila si Edward kaya alam ko na sila lang ang makakatulong saakin.

Ngayon ay naglalakad kami sa madilim na gubat malapit sa mansion.

Mag mula kasi kahapon nang ma assign siya as training partner ni Luke ay hindi ito nag pakita sa mansion.

Humingi ako ng tulong kina Justin at Peter. Sabi nila sa pupuntahan naming lugar ko sya makikita dahil doon daw ito namamalagi kapag wala sa mansion.

Ilang saglit pa ay naka tanaw ako ng maliit na sinag ng liwanag.

"Malapit na tayo." Sambit ni Justin.

Natuwa ako dahil doon. I hope he's here.

Pag labas namin sa gubat ay agad kong nakita ang isang lalaki na naka upo malapit sa ilog.

"Bakit mo nga pala sya gusto kausapin?" Usisa ni Peter.

"For Nicolo. I want to help him and our familia." Tugon ko.

"I see." Napatango tango si Peter.

"Go ahead. Talk to him. Wish you good luck!" Sambit ni Justin at tinulak ako.

Aangal sana ako pero nag thumbs up sila ng sabay saakin.

Seriously? Akala ko sasamahan nila ako na kausapin si Edward? Nevermind, ang mahalaga sinamahan nila akong hanapin sya.

Wala akong nagawa kundi lapitan sya habang ang dalawa ay naiwan.

Papalapit palang ako nang mag salita ito.

"Why are you here?" Hindi ito lumingon.

Natigilan ako sa paglalakad. "Uhhm. Edward. I'm here to talk to you." Panimula ko.

Lumingon ito at tinitigan ako nito ng masama. "About the training?"

"Uhh, yeah." Napayuko ako dahil alam ko na ang sasabihin nito.

"I'm not interested." Sambit nito at tumayo.

Ilang saglit pa ay ginamit nito ang magic nya at lumubog sa sarili nyang anino at nawala.

Nilisan nya ang lugar at iniwan akong magisa.

Bakit ayaw nya? Ayaw nya ba tumulong sa mga co-apprentice nya?

Bakit ayaw nyang tumulong? Ito lang ang paraan para matulungan namin ang iba.

"Natalia!" Napalingon ako ki Justin nang tawagin nya ang pangalan ko.

Tumatakbo ito papalapit saakin habang si Peter naman ay walang ganang naglalakad.

"Sa tingin ko ayaw nya talaga. Hindi mo na sya mapipilit." Sambit ni Peter.

No. I know I can. I'll do everything to help this familia. Gagawa ako ng paraan.

"Aling lugar pa ang pinupuntahan nya?" Usisa ko.

"Natalia, siguro mas okay kung hintayin nalang natin sya sa mansion." Suhestyon ni Peter.

"Right. Kausapin mo sya kapag nasa mansion na sya." Pagsangayon ni Justin.





Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon