Chapter 10:
Matapos ng paguusap namin nang umagang iyon ay hindi na kami nag usap ulit.
Hindi ko alam pero parang iniiwasan na niya ako.
Okay na din sana dahil hindi na nya ako sinusungitan kagaya nung una pero di na nya ako pinapansin.
Tuwing nagkakasalubong kami ng tingin ay umiiwas ito.
Pakiramdam ko ay hindi na siya komportable kaya nitong mga nakaraang araw ay palagi akong lumalabas.
Madalas umuuwi ako kapag mag gagabi na dahil maging ako ay naiilang na din.
But still I want to talk with her. Masarap din naman siyang kausap kahit na medyo masungit.
I want to know more about her, I want to make friends with her, but she's avoiding me.
Pero okay na din siguro dahil aalis din naman sya. My only job after this remaining days is to get her into the train station, and make sure that she will arrive in mortal world safe until she find Mylene Hermes.
Lunch break na ngayon at papunta na ako sa cafeteria para kumain.
Nag lalakad ako sa gitna ng open field at malapit na ako sa cafeteria.
Mainit ngayon at tirik na tirik ang araw.
Madami ding mga estudyante ang kagaya ko na nag lalakad papunta sa cafeteria.
May dalawang cafeteria dito sa school. Isa sa west side at isa sa east.
Mas malapit ang cafeteria sa east side kaya doon ako madalas kumakain, malapit din doon ang lower realm kung nasaan ang dormitory namin.
Minsan ay umuuwi din ako para kumustahin si Yrvana. Madalas ay tulog ito kapag dumadating ako ng tanghali, siguro ay dahil na din sa mga gamot na nilalagay sa sugat nya.
Ang pusa na naman na dala ko ang madalas niyang kasama. Niyayakap nya ito lagi.
Sa ngayon ay wala pang pangalan ang pusa. Palagi kong nakikita na kinakausap nya ang pusa na parang tao. Pero siguro na bo'bored lang siya. Sino ba naman ang hindi maiinip kapag maghapong naka kulong sa kwarto.
"Can I have three sandwiches please." Sambit ko.
"Here sir. Twelve copper coins sir." Aniya at inabot saakin ang tatlong sandwich.
One gold coin is equal to 500 silver coins, one silver coin is equal to 10 copper coins. Hindi ko alam kung sa Maiyah empire lang nagagamit ang mga gantong uri ng coins o sa boong magic world. Ganito ang ginagamit nila para makabili ng mga pangangailangan nila at iba pa.
Napakapa sa bulsa ko. Kumuha ako ng twelve coppers para bayaran ang pagkain na kinuha ko.
"Thank you." Inabot ko ang bayad at nag lakad na palabas ng cafeteria.
Ngayon ay balak kong pumunta sa dorm para ihatid ang mga binili ko ki Yrvana.
Tatlo ang binili ko dahil alam kong kulang sakanya ang isa, dalawa sakanya at syempre isa para sa pusa ko.
Maatakaw din kasi ang pusa na yun, parang tao ito kumain. Mas malakas pa ng kaunti saakin kung kumain, parang di napupuno ang tiyan.
Siguro ganon talaga ang mga pusa dito sa mgic world. May magic din siguro ang panunaw nila kaya ganon.
Pag dating ko sa room namin ay naabutan kong tulog si Yrvana sa higaan ko.
Naka sando lamang ito at maikli ang short na soot nya.
Naka tagilid ito. Nagmadali akong kumutan siya dahil di ako komportable na ganon. Hindi ako samay na makakita ng babae na ganon ang soot dahil lumaki ako na kami lang ng Tito ko at walang kasamang babae sa bahay.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...