Chapter 7

620 70 1
                                    

Chapter 7:

Mas naging maganda ang pagsasamahan namin ni Troy mula nang gabing iyon.

Masaya ako dahil ngayon ay nagkaroon ako ng mas matandang kapatid na dati ko pang hinahangad.

Ganon na nga, mas matanda si Troy saakin ng isang taon. I'm 17 years old while he is already 18 years old.

I guess hindi naman ganon kasama ang kapalaran saakin. Kahit naging magulo ng kaunti ang buhay ko nitong nakaraan ay masaya naman ako ngayon dahil nagkaroon ako ng mga taong masasandalan kapag kailangan ko.

Ngayon ko lang naranasan magkaroon ng malaking pamilya. Isa itong malaking blessing para saakin.

"Hi Tito. I miss you so much, masyadong mahaba na ang panahong hindi tayo nagkasama. Malungkot ako dahil don, but for now I'm fine here in this world.

Noong una ay namomroblema ako dahil wala akong alam sa kung anong pinasok ko. Hindi mo naikwento saakin na may ganito palang lugar na nag e'exist. Medyo natagalan bago ako naniwala na hindi ako nananaginip.

Pero ngayon, sa tingin ko eh medyo nagiging okay na din ang lahat. May na kilala akong bagong mga kaibigan na tinuturing ako bilang isa sa pamilya nila, kaya kahit papano dahil sakanila ay nagiging masaya naman ako.

How about you Tito? How are you? Don't worry I'll be back as soon as I can. Bibigyan kita ng maayos na libing. Don't worry about me, I'm just fine here. Always remember that I love you so much."

Napalingon ako sa kumalabit saakin. "Hey Nicolo are you done?" Tanong ni Troy.

"Uh.. yeah, I'm done." Ngiting sagot ko.

Agad kong itinupi ang papel at sinulat ang address ng papadalhan ko ng sulat.

"Para kanino to?" Tanong niya nang inabot ko ang sulat sakanya.

Piit akong ngumiti. "Para sa Tito Shargo ko."

Napansin nya na medyo malungkot ang pagkasabi ko. "I'm sorry." Aniya.

Naikwento ko sakanya ang dahilan ng pag punta ko dito, pati narin ang tungkol ki Tito pero di ko sinabi sakanya ang ikinamatay ni Tito.

"It's okay." Ngiting sagot ko. "How about you? Para kanino yan?" Usisa ko.

"For Verna." Abot tenga ang ngiti nya nang sinagot niya ang tanong ko.

"Hmmm... Who's Verna?" Medyo pa asar na sambit ko.

"Nah... Just a friend of mine. The only friend that I have way back then." Aniya.

Nagmadali kaming pumunta sa labas ng dorm para ihulog sa drop box ang sulat.

Every month they giving us the opportunity to send letters to our family, friends, and love ones. Dito man sa Magic world o sa mortal world.

Hindi ko akalain na isang buwan na pala ako dito. But until now wala parin akong idea kung pano ako tinanggap ng Orb dahil hanggang ngayon di ko parin alam kung may magic ako o wala.

I told Troy na di ko alam kung may magic ako. He explained "The Orb can sense the strength of a person's mana. You are in the second block, it means you have a strong power inside you. You'll find out, just wait for it." Aniya.

Medyo 50/50 ako sa sinabi nya. Hindi ako masyadong naniniwala dahil pakiramdam ko wala talaga akong magic.

Maghihintay nalang siguro ako hanggang sa nalaman ko kung anong magic ang meron ako. Wala ding idea kung anong posibleng magkaroon ako, pero sa tingin ko ay katulad sa Tito ko dahil sabi ni Troy nakukuha daw ang magic sa mga kamaganak.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon