Chapter 18:
Everything seems normal. It's just like the normal day here in Joy.
It seems like everyone doesn't know what happened to us in the forest last week.
Yes, it's been a week since then. Ngayon ay nawawala na ang lapnos sa balat ko maging ang mga markang iniiwan nito ay naaalis na din.
Thanks to Jannah. Siya ang gumagamot saakin. Araw araw nya akong dinadalaw sa kwarto ko.
"Are you ready?" Usisa ni Jannah sakin nang makapasok ito sa kwarto ko.
Kaagad akong bumangon. "Yes, always." Sambit ko at sinimulan nya na ang pag gamot sa mga lapnos sa katawan ko.
Medyo masakit pala ang paraan ng pag gamot ni Jannah pero kaya ko namang tiisin.
Ngayon lang ulit kami nagkausap mula nang makarating kami dito.
Magka hiwalay ang rooms ng boys at rooms ng gilrs. Sa magka bilang parte ito ng mansyon kung kaya't hindi kami nagkita nitong mga nakaraang araw.
Medyo namimiss ko na si Troy. I'm sure na ganon din si Jannah. Medyo nanibago na nga ako dahil noon ay si Troy ang kasama nya kapag nakikita ko, ngayon ay si Vanie na.
"Alam mo. Simula nang matapos ang test, napansin ko na pareho kayo ni Natalia na nasa masamang lagay. Ano bang nangyare sainyo noong nasa forest kayo?" Usisa nya.
Bigla kong na alala ang sinabi noong matanda na nakaharap ko sa forest.
He said that after 14 days Natalia will die. Mamamatay sya sa lason kapag hindi iyon naagapan.
Nakaramdam ako ng kaba nang maalala ko iyon.
"Where is she?" Balisang tanong ko.
"Who? Natalia? She's at her room. Ako ang nag momonitor sakanya. She's not feeling well, ayaw nya mag salita kapag tinatanong ko siya. Pati ikaw ayaw mo din mag salita kapag tinatanong kita. Ano ba talagang nangyare sa forest?"
Nagtaka ako nang marinig ko ang sinabi nya. Kung ganon hindi talaga nila alam kung anong nangyare sa forest noong araw na iyon?
Kasalukuyan akong naka dungaw sa bintana ko. Pinagmamasdan ko ang kalangitan.
Maganda ang panahon ngayon. Maganda ang sikat ng araw.
Na alala ko noong bata pa ako. Sa ganitong panahon namin ni Tito Shargo nakahiligang mamingwit ng isda sa ilog malapit sa lupain namin.
Naiinis ako kapag wala akong mahuling isda.
Samantalang siya ay napakarami. Madalas ay nawawalan ako ng gana at pinanonood nalang siyang manghuli.
I miss him so much.
Before, he is telling me about the story of the greatest Dragon blood.
Dragon bloods are known as the greatest warriors of the world. Sila ang mga bayani na pumoprotekta sa mga tao laban sa kasamaan.
Before I told him that someday I become one of them. Na pangarap kong maging isang Dragon blood at maging bayani. Pero sabi nya ay kwento lamang ang lahat ng tungkol sa mga Dragon bloods.
Ang sabi nya ay hindi sila totoo at kwento lamang ang lahat ng iyon.
Nalungkot ako ng mga panahong iyon dahil napagtanto ko na kathang isip lamang sila, pero ginusto ko pa ding maging bayani kaya nangarap akong maging isang sundalo.
Sinoportahan nya ako sa kagustuhan kong iyon. Bata pa lamang ako ay tinuruan nya akong gumamit ng dagger sa pakikipag laban kaya kahit paano ay marunong akong gumamit noon.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...