Chapter 34:

179 24 0
                                    

Chapter 34:

(Special chapter for Charles Valentine, known as the father of Valentine's familia)



(3 days before the mission)


Charles' POV:


"Sir Charles, nakapag handa na po kami." Sambit ni Jordan na ngayon ay bitbit na ang bag nya na may lamang mga damit.

Kasama nya si Mark na siyang naka alalay sa pag lalakad ni Natalia.

Yes, she's doing good this past few days. Nakakapag lakad lakad na sya pero nanghihina parin ang tuhod.

Medyo masakit na din sa ulo dahil nag pupumilit itong sumama sa school.

Her reason is ayaw nyang maiwan dito. But I know her a lot. Kahit hindi na kaya ng katawan nya ay pipilitin nyang may gawin, kesa manatiling naka upo sa loob at walang ginagawa.

Wala akong nagawa dahil masyadong makulit ang batang ito.

Hindi lang sya ang nag bibigay sakit ng ulo ko kundi maging si Nicolo.

Speaking of Nicolo. Hindi pa gaanong magaling ang lapnos nya ngunit gusto nya nang sumabak ulit sa misyon.

Buti na lang at nandito si Darlyn. I'm sure that she can take care of him with the help of Jannah and Vanie.

I'm very sure na hindi nya papabayaan si Nicolo.

Medyo nagugustuhan ko ang chemistry ng tatlo. Jannah has a great healing magic. Si Vanie naman ay malakas at sanay na sa pag gamit ng magic nya. Nicolo, I saw him fighting before, he is not good enough dahil kaka manifest pa lang ng magic nya, he almost killed himself if it's not because of Natalia. But he has a strong magic. Nakikitaan ko sya ng malaking potential sa pagiging isang knight.

Sooner I will form them as a team just like the others here in our familia. I'm looking forward for their progress. Ang kailangan ko na lamang gawin ay iguide sila sa pag control ng magic specially Nicolo.

"Sir Charles." Nabigla ako ng makita ko si Elsa sa harapan ko.

Pinanliliitan ako nito ng mata na animo'y binabasa ang iniiisip ko.

"What are you doing?" Usisa ko sa kanya.

"Malalim ang iniiisip mo." Puna nya.

Napairap ako. "None of your business." Sambit ko at tumalikod.

Medyo weird naman ang isang to. Hilig nyang basahin ang iniisip ng tao sa pamamagitan ng pag tingin sa mata nito.

Kung iniisip nyong isa syang spirit ay nagkakamali kayo. Elsa is a beast. But she always wanted to become a spirit. And it all started when she became a member of my familia. Sa totoo lang kaya nya gustong maging spirit ay dahil kay Shun.

She admires Shun a lot. I know it's more deeper than just admiring.

Napalingon akong muli ki Elsa. "Nga pala, nakapag handa na ba ang lahat? We're late." Paalala ko.

Lumapit sakanya si Snow. Right now she is wearing white crop top sleeves and black slit pants. And as always she is wearing her black bucket hat.

Ngayon ay napaka perfect na ng katawan nya. Sakto lang ang pagka slim at may magandang shape.

Naalala ko noong unang beses syang napunta dito. Medyo mataba pa sya noon ay gusto nyang maging slim dahil madalas syang ma bully ng mga tao. Specially her classmates.

Kapareho ng lalaking ito na nag lalakad. Isa siya sa pinaka mahiyaing bata na nakilala ko. Connor Lafery. He is being bullied because of his appearance. He is a beast, I could tell that he is literally a beast.

Mahahaba at matatalim ang mga kuko, may mahahabang buhok at balahibo, may matatalim na pangil at nakakatakot na mga mata. Iyon ang dahilan kung bakit sya laging naka soot ng jacket, iyon din marahil ang dahilan kung bakit sya mailap sa tao noon.

Nag bago ang lahat ng iyon nang kinuha ko sya para maging member ng familia ko. Kasabay ng pagkaboo ng pagkatao nya ay naboo din ang kanyang pangarap na maging isang knight.

Ang mga apprentices ko ay hindi ko pinili dahil sa kanilang mga kakayahan at sa kung anong magic ang meron sila.

I choose them because of their stories and past. Tinutulungan ko silang makilala ang mga sarili nila at the same time ay tinutulungan ko din silang ma improve ang magic nila.

Dati ay gusto kong magkaroon ng kapatid pero hindi ko inaasahan na magkaroon ako ng mga anak na kasing dami nila.

Bago ako pumasok dito ay itinanim ko sa isipan ko ang sinabi ng Dad ko. "Ang tunay na guro ay hindi tinitignan ang kanyang estudyante bilang estudyante lamang, bagkos ay tinuturing nya itong mga anak na gagabayan nya sa pag abot ng kanilang mga pangarap."

"Sir." Naka ramdam ako ng kalabit mula sa likuran ko.

Pag lingon ko ay nakita ko si Bella na naka tayo sa likod ko.

"Are you okay?" Usisa nito.

"Bakit mo na itanong?" Tanong ko pabalik.

"Kanina ko pa po kayo tinatawag. May malalim po ba kayong iniisip?" Paliwanag nya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Ahh wala. Nevermind. By the way, asan na ang iba?" Tanong ko.

"Nakasakay na po. Kayo nalang ang inaantay." Napatingin ako sa mga apprentice ko na naka sakay na sa kotse.

"Mauna ka na susunod ako." Utos ko na sinunod naman niya.

Ang pangalan ng tahanan na ito ay mula sa pa pangalan ng mom ko. "Joy." Maaaring nawalan ako ng magulang, pero kapalit naman noon ay ang panibagong pamilya na nandito.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon