Chapter 42:
Bella's POV:
Nang makabalik ako sa mansion ay agad kong tinipon ang mga kasama ko.
Maliban ki Nicolo.
I think it's better to not let him know. Hindi parin klarado saakin ang lahat.
At isa pa, hindi ko alam kung ano ang maaari niyang gawin sa mga kaganapan na ito. Baka makagulo lang kami sa plano ng Headmaster.
Ngayon ay napapalibutan na ng mga kawal ang boong mansion.
Lahat sila ay nag tataka sa nangyayare. And I'm here to tell them.
Hindi safe na sa living room kami mag uusap. Mas minabuti kong tipunin sila sa secret room.
Isa itong underground room na tanging kami lang ng Captain at ni Sir Charles ang nakaka alam.
Dito namin ginagawa ang mga sekretong pagpupulong.
"Dahil nandito ang lahat. Sa tingin ko pwede na tayong mag simula." Kinuha ko kaagad ang atensyon nila.
Kasalukuyan akong nasa harapan nilang lahat.
"Gusto kong sabihin sa lahat na ang nakasama nating Captain nitong nakaraan ay hindi ang Captain natin." Panimula ko na agad nilang ikinagulat.
"May isang tao na gumaya sa anyo at kapangyarihan niya. Siya ay alagad ng Dark society. At tama ang iniisip niyo, nasa panganib ang Captain natin ngayon." Dagdag ko.
"Alam na namin ang tungkol diyan." Napatingin ako sa isang sulok nang mag salita Shun.
Elsa, Snow, Shun and Connor. Sila ang mga senior students ng Familia namin.
At sila din ang madalas na nag uusap usap.
As I expected. Alam na ni Shun. Siya ang pinaka matalinong member ng familia.
"Kailan niya pa nalaman? Or should I say, kailan mo pa nalaman?" Usisa ni Edward.
"Bago pa maging member sina Nicole at Jannah." Sambit ni Shun.
Tinapunan ni Edward si Jannah ng nakakatakot na tingin na ikinasindak nito.
"Alam niyo na pala, bakit hindi niyo agad sinabi saamin?" Usisa ni Edward na kasalukuyang naka sandal sa pader.
Matalim ang tingin nito sa grupo ni Shun.
"Hindi namin gusto na ma alarma kayo." Tugon ni Shun.
"What if pinatay kami nung kung sino mang gumaya ki Captain. Is that what you want?" May diin na sambit ni Edward.
"No, hindi ko iyon intensyon. Sa katunayan, kami ang nag report sa heads kaya nalaman nila na hindi si Captain ang kasama natin." Sambit ni Shun.
"I don't care about your intentions. We've been on a mission with that impostor, you nearly killed us." Sambit ni Edward at akmang bubunutin ang espada niya.
Pero agad na pumagitna si Connor para protektahan si Shun.
Inilabas ni Connor ang kaniyang matatalim na kuko na naka kubli sa soot nitong cloak.
"Don't do it, magkakagulo tayo dito." Sambit ni Connor.
"Talaga ba? Sambit ni Justin at pinalutang nito ang mga bakanteng lamesa.
"Hey! Calm down! Hindi nakakatulong ang ginagawa niyo!" Sambit ni Natalia.
"Connor, Edward, Justin. Please." Pakiusap ko sakanila.
"Okay then, I'll leave." Sambit ni Edward.
"Where are you going? Nagpupulong tayo." Usisa ni Natalia.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...