Chapter 11:
Chapter 11:
"Let's begin the battle!"
Nabalot ng malakas na hiyawan ang boong field.
Lahat ng tao ay sabig sa magaganpap na labanan dahil once year lamang ito idinadaos ng school.
I think they're just seeking new apprentices in freshmen kaya nila to ginagawa every year. Pero syempre hindi lang freshmen ang pwedeng sumali, pati na din ang ibang years.
Sobrang excited ako dahil gusto ko makita kung anong magaganap. Malamang ay sobrang maaamaze na naman ako sa mga makikita ko ngayon.
Akalain mo nga naman, dati halos hindi ako naniwala ki Troy sa mga sinasabi nya. Ngayon naniniwala na ako, araw araw akong nakakakita ng mga magic sa bawat sulok ng paaralan.
Everyone is dreaming to be part of a familia, even me. Alam kong madami pa akong hindi alam pero gustong gusto ko maging part ng mga familias para na din madami pa akong matutunan about sa mundo na to.
Pero yun nga lang, hindi ako pwede dahil wala akong magic, napapaniwala na din ako ni Troy na may possibility na magkaroon ako ng magic pero hindi na ako umaasa don dahil sa tingin ko ay wala naman talaga akong magic.
Nag simula ang labanan sa pagitan ng dalawang estudyanteng kabilang sa senior year.
Unang laban palang ay agad ako napabilib. Pareho sila na nag ibang anyo.
Ang isa sa kanila ay humaba ang mga balahibo at nag mistulang warewolf.
Tumagkad din ito at lumapad ang katawan. Nagkaroon ng matatalas na mga ngipin, matatalas na kuko, at naging kulay pula ang mga mata.
Ang pangalawa nag palit ng anyo, naging isang tigre ito na may nag aapoy na mga balat.
"Woah! That was a rare beast type magic. I've never seen something like that before."
Narinig kong usapan ng mga katabi namin.
Kaagad silang nag salpukan na nagkaroon ng malakas na impact.
Lahat kami ay namangha ng masaksihan iyon. Madaming tao ang nag sigawan dahil sa tuwa.
Lumipas ang tatlompong minuto ay pinatigil na sila ng mga namamagitang mga knights ng Maiyah empire.
Matapos noon ay umani sila ng malalakas na palakpakan na kanila namang ikinatuwa.
"Wow!" Tanging salitang lumabas sa bibig ko. Sobrang na amaze ako. May ganon din palang uri ng magic.
Mabilis na lumipas ang oras hanggang sa naka rating na sa ika sampong laban.
Lahat ng naging laban ay walang ni isa ang nagtamo ng matinding galos.
Siguro ay dahil sa sobrang seryoso ng labanan at lahat ay nakapag handa para dito.
Ibat ibang magic ang nakikita during battles. Ang iba ay familiar dahil napapanood ko na iyon sa mga fantasy movies kagaya na lamang ng mga elemetal magics, mga nag papalit ng anyo, mga nakakapag palutang ng bagay, mga gumagawa ng clones ng sarili nila. Pero ang iba ay strange at hindi ko ma clarify kung ano ang mga kakayahan nila.
Tinawag na ang susunod na maglalaban. This is the eleventh match. Hapon na ngayon, halos maghapon ang naging laban.
They've announced na hanggang fifteenth match na lamang ang kakayanin ng time.
Kinabukasan na ipapatuloy ang iba pang natitira. Kinabukasan din muling mag titipon tipon ang mga sunali sa tryouts para malaman sa mismong head master kung sino ang mga napili ng bawat familia para maging bagong apprentice nila.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...