Chapter 16

331 45 11
                                    

Chapter 16:


Chapter 16:

This is my first week on Joy. I've been here and doing nothing for a week. Ang tanging ginagawa ko lang ay gumising, mag almusal, humiga, mag tanghalian, humiga ulit, nag hapunan at matulog. Yun ang naging routine ko.

Nung una ay nalilito ako sa Joy. Akala ko pangalan ng isang apprentice ang Joy, pero nalaman ko na pangalan pala iyon ng mansion.

They named it Joy many years ago noong nabubuhay pa ang unang master ng familia na si Sir Simon Valentine, ang yumaong ama ni Sir Charles Valentine. Yun ang sabi nila saakin.

For one week, hindi ko parin nakikita si Jannah at ang isa pang bagong apprentice.

Siguro masyadong malawak lang ang mansion kaya hindi kami nagkaka tagpo.

Kapag kumakain ay kanya kanya kaming oras kung kailan namin gusto. Kaya kahit sa dinning room ay hindi kami nagkakasabay kumain.

Hindi ko pa din nakikita ang tatlo pang natitirang members at ang captain. Maging si Sir Charles ay wala parin dito.

Sabi nila tatlong araw daw ay darating na sila, pero hanggang ngayon ay wala parin sila. Siguro dahil mahirap ang misyon nila kaya ganon.

Madami akong gustong itanong ki Sir Charles, pero hanggang ngayon ay wala parin sya. Gusto kong mag tanong kung bakit hanggang ngayon ay hindi kami pumapasok sa school at nananatili lang dito sa mansion.

Medyo kinakabahan ako dahil baka nga naman bumagsak ako dahil one week akong hindi pumasok. Gustohin ko man ay wala akong magagawa dahil masyadong malayo ang mansion sa school at walang butler dito sa mansion na maghahatid saakin.

Ngayon ay kakagising ko lang at kasalukuyan akong naka higa sa kwarto ko.

Each of apprentices have their own rooms. Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng sarili kong kwarto.

Nang ihinatid ako ni Bella dito ay masyadong madumi dito. Madami ding sapot sa paligid na kagayang kagaya ng mga sapot na nasa labas. Makakapal ito na kasing kapal ng hinliliit. Medyo weird pero hindi ko na ito pinansin, baka ganon lang talaga at sapot ng gagamba dito sa magic world.

Bakante ang kwarto kaya madumi. Maghapon ko itong nilinis bago inayos ang mga gamit ko. Ngayon ay maayos na dito, malinis na.

I was laying on my bed when my attention caught by someone who's knocking on the door.

"Come in." Sambit ko.

Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaki.

"Hi, good morning." Nakangiting bati nito.

He is wearing an eye glasses. I first saw him on the living room noong dumating ako. If I'm not wrong. He is Shun Amon.

"Good morning." Bati ko. Naka hilata ako sa higaan kaya kaagad akong bumangon at umupo.

Hindi ko alam kung bakit sya nandito. But I hope he will give me something to do. Nabubulok na kasi ako dito dahil isang linggo na akong naka higa at walang magawa.

Pumasok ito at umupo sa maliit na upuan na gawa sa katawan ng kahoy na nilinis ko pa kahapon.

"Kamusta? Hindi ka ba nabobored dito?" Usisa niya.

Natawa ako sa tanong niya dahil yun yung nasa isip ko kanina.

"I'm okay, it was nice to be here. Pero medyo na bobored na din." I answered.

He smirked. "Ganyan din ako noong una. I was appointed to be an apprentice too, just like you." Aniya.

"By the way, Captain told us to train the three of you." Tukoy nya saaming mga bagong apprentice.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon