Chapter 35 (Real one)

199 27 9
                                    

Chapter 35






Sobrang haba ng daanan. Hindi ko alam kung saan ang hangganan.

Ganito din ang daan kanina noong pumasok kami. Kung ganon ganito pala ka layo ang na abot namin.

"We must hurry. Mag uumaga na." Sambit ni James habang mabilis na tumatakbo.

Bigla akong naka rinig ng malakas na pag bagsak. Napalingon ako sa likuran ko kung saan nanggaling ang pag bagsak.

"Crystal!" Sigaw ni Mylene.

Nakita ko na naka handusay si Crystal. Hingal na hingal ito.

Agad ko itong nilapitan. "Are you okay?" Usisa ko.

"I'm getting tired." Hingal na sambit nito.

She looks really exhausted. Malamang ay dahil iyon sa pag gamit ni Crescent sa katawan nya.

"Buhatin na kita." Sambit ko. Nang papalapit na ako ay biglang hinawakan ni Darlyn ang braso ko.

Napatingin ako dito. Naka kunot ang noo nito.

Napangisi na lamang si James at nilapitan si Crystal. "I'll do it." Aniya.

Isinakay nya sa likuran nya si Crystal. "Is that your girlfriend?" Natatawang bulong ni James at bumalik ulit sa pag takbo.

Sumunod na ang iba sa kanya. Naiwan kami ni Darlyn na hanggang ngayon ay naka titig parin saakin at naka kunot ang noo.

Napahinga nalang ito ng malalim at ilang saglit pa ay sumunod na ito.





Lahat kami ay natuwa nang makita ang sa gate na nasa harap namin ang liwanag na nanggagaling sa buwan.

"I-is that t-the outside world?" Nanghihinang tanong ni Crescent.

"It is." Naka ngiting tugon ni James.

Hindi na kami nag sayang ng oras. Nauna si Darlyn sa paglabas na sinundan ko naman.

Medyo excited na ako makita ang iba pa naming mga kasama.

Kumusta na kaya sila. Malamang ay kompleto na sila doon at naghihintay saamin. Medyo natagalan kami sa loob malamang ay naiinip na ang mga iyon.

Nagulat ako nang ma bunggo ko si Darlyn. "Sorry." Sambit ko.

Nag taka ako dahil hindi manlang ito umimik. Nanatili itong naka tingin sa unahan.

Napansin ko ang reaksyon nito. Gulat na gulat ito at nanginginig.

Napansin ko din ang mga kasama namin sa likod na natigilan.

Napasigaw si Crystal sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Anong nangyayare?" Nagtatakang tanong ko.

"I-It's... Edward."

Nasindak ako sa sinabi nya at napatingin sa unahan.

Nanlambot ang tuhod ko at nanginig nang makita ang isang pamilyar na lalaki na duguan.

Nasa harap ito ng tarangkahan habang naghihingalo.

Ang katawan nito ay nababalot ng manipis na bagay na kung titignan ng mabuti ay parang sinulid.

"E-edward?" Nanginginig ang boses na sambit ko.

"C-captain!" Nanghihina nitong sambit. Kitang kita sa mga mata nito na nahihirapan sya.

Napansin ko ang isang batang babae na nasa likod ni Edward. Naka konekta ang sinulid sa nga kamay nito.

Lumuluha ang bata na tila ba napipilitan lang na gawin ang ginagawa nya. Pareho ang soot nito sa soot ni Crescent.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon