Chapter 5:
Sa mahimbing na pagtulog ko ay na gising ako nang marinig ko ang isang boses na bumulong sa tenga ko.
I can feel his warn breath through my ears. "Son, wake up. They need you."Paulit ulit nitong sinasabi saakin.
Napamulat ako ng mata ko. Katahimikan ang sumalubong saakin.
Ang tanging bagay na maririnig mula dito ay ang huni ng mga ibon at ang pag hampas ng hangin sa mga dahon.
Iginala ko ang mga mata ko sa paligid.
Naka higa ako sa kulay puti at malambot na kama.
Kulay puti ang kabooan ng silid, walang ibang makikita dito kundi ang hinihigaan ko at ang table sa gilid na may naka patong na mga prutas.
Pinipilit kong alalahanin kung pano ako napunta dito pero hindi ko talaga alam kung paano.
Napa upo ako at tinignan ang ibon na dumapo sa bintana.Biglang bumukas ang pinto. Mula dito ay pumasok ang isang babae na naka soot ng color sky blue na damit.
Naka soot din ito ng mask at may dala itong pagkain. "Good morning sir."
"Good morning." Sagot ko.
Tinanggal niya ang mask nya at ngumiti ito saakin. Nag lakad ito papalapit sa table at doon niya inilagay ang pagkain.
"Please eat your breakfast sir, pwede na po kayong bumalik sa dorm nyo mamaya."
Kinuha ko ang soup na nasa table at kinain ito. Naka ramdam ako ng gutom kanina nang makita ko ang soup.
Di ko alam kung ilang araw na akong naka higa dito at walang malay. Di ko maiwasang mag tanon.
"Uhm... Miss!?" Tinawag ko siya nang papalabas na siya.
Napalingon ito. "Yes?" Usisa nya.
"Ilang araw na po ako dito? And h-how do I get here?" Tanong ko.
"Kahapon ka pa lang naman dito. Nawalan ka ng malay habang nasa blue garden ka kasama ang ibang pang estudyante." Aniya.
Saka ko na alala ang nangyare. Kahapon pa pala ako nawalan ng malay.
"May naka lagay na isang insekto sa binti mo. Naka paloob ito sa balat mo. Sinisipsip nito ang dugo mo ganon din ang mana na dumadaloy sa katawan mo kaya ka nawalan ng malay."
"Hindi ito normal dahil ang ordinaryong insekto ay hindi kayang kumuha ng mana sa isang tao. But don't worry, you are safe now. Natanggal na namin iyon." Dagdag niya.
"I see. Thank you miss--" naputol ang sasabihin ko nang mag salita siya.
"My name is Kaitlyn Wegan, call me Nurse Kait." Naka ngiti niyang sabi.
Napaka amo ng mukha nya kapag naka ngiti. Parang may hawig siya ki Valerie. Pareho din silang di katangkaran.
Back then, I'm always asking Tito Shargo about myself, hindi ko alam kung sino ako, hindi ko din maalala ang mukha ng mga magulang ko maging ang pangalan nila.
Ang tanging nakikita ko lang sa ala-ala ko ay ang malalabong mukha ng isang babae at lalaki na palaging nasa tabi ko kapag matutulog ako.
The lady always kissing my forehead. Pareho nila akong niyayakap tuwing natatakot ako sa kulog at kidlat.
One day I found my self hiding from someone. Hingal na hingal ako at tumatakbo ng mabilis papalayo sa boses na tumatawag saakin.
Hindi ko magawang lumingon dahil nakaramdam ako ng sobrang takot...
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...