Chapter 8:
Yrvana's POV:
Mag isa ako sa isang kulay asul na silid nang nagising ako. Hindi gaanong malaki ang silid ngunit may sarili itong kusina at banyo.
May dalawang higaan sa magkabilang bahagi. May closet din sa tabi ng mga higaan.
Malapit sa bintana ay nandoon ang isang maliit na table na may dalawang upuan.
Pag sumilip ka sa bintana ay makikita mo ang ilang bahagi ng lake.
May pagkain na naka lagay sa ibabaw ng maliit na table at may gatas na naka patong mula doon.
Naramdaman ko ang pag kalam ng sikmura ko kaya sinubukan kong bumangon.
Na bigla ako nang makaramdam ako ng hapdi mula sa tagiliran ko. Napahawak ako mula dito saka ko na pansin ang benda na naka pulupot sa baywang ko.
"Tsk!" Nang makita ko ang benda ay na alala ko ang nangyare sa tagiliran ko. "It happened again." Sambit ko.
Dahan dahan akong bumangon at nag simula nang kumain. Isang araw na din akong hindi kumain bago ako maka rating sa Maiyah.
Tinikman ko ang mga pagkain. I think it's enough for me. Sa totoo lang napakarami nito pero kaya ko naman siguro tong ubusin dahil gutom na gutom na ako.
Nang maubos ko ang mga pagkain ay ininom ko ang gatas. Sobrang sarap nito. Sa totoo lang ngayon palang ako naka tikim ng gatas.
Natapos kong kumain na amoy ko ang sarili ko. "Hmm..." Ilang linggo na nga ulit akong hindi naliligo? Tingin ko mga tatlong linggo na din ata.
Nakita ko ang isang dress na kulay puti na nakapatong sa kabilang higaan.
Kinuha ko iyon at nakita ko na may kasama pala itong underwear. Napangiti bako nang makita ang dress. "Not bad."
Pumunta ako sa banyo at hinubad lahat ng soot ko. Humarap ako sa salamit at tinignan ang benda sa baywang ko.
Dahan dahan ko itong tinanggal. I'm leaving right now. Pupuntahan ko si Mylene Hermes.
Matapos mag bihis ay kaagad akong lumabas ng kwarto.
Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tinignan kung may tao sa labas.
Wala namang kung sino sa labas kaya umalis na ako. Habang nag lalakad sa corridor ay pinagmasdan ko ang paligid.
Parang alam ko ang lugar na to. Tingin ko nakapunta na ako dito.
Tanaw mula dito ang isang malaking katubigan. If I'm not wrong, that is the salted lake of Maiyah, it is known as Maiyah lake.
I think I'm in the Golden sanctuary. But who brought me here?
"Hmmm... I think onion rings is good for snacks." Narinig ko ang isang lalaki na nag sasalita.
Pag tingin ko sa harapan ay nakita ko ang isang matandang walang kamay na naka soot ng suit.
Nabigla ako nang makita ko siya. Shit!!! Kaagad akong tumakbo pabalik sa kwarto.
"Hey!" Narinig kong sigaw ng lalaki at nang tinignan ko ito ay nakita kong hinahabol na ako nito.
Nang marating ko ang pinto ay kaagad akong pumasok. Buti nalang at naiwan ko itong bukas, kung hindi baka naligaw ako.
Nilock ko ang pinto at sumandal doon. Hingal na hingal ako at malakas ang tibok ng puso ko.
Walang dapat makakita sakin lalo na kung tama nga na nasa Golden sanctuary ako dahil papauwiin nila ako saamin.
Nagulat ako nang may kumakatok sa pinto. "Hey!!! Girls are not allowed in this place! Open the door now!"
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...