Chapter 9

529 53 2
                                    

Chaoter 9:

Nagkaroon kami ng kasunduan ni Yrvana.

Kailangan niyang manatili dito ng sampong araw para tuluyang gumaling ang sugat niya.

Kapalit noon ay tutulungan ko siyang makarating sa mortal world para hanapin si Mylene Hermes.

Pumayag siya sa kasunduan kaya kailangan niyang manatili dito. Sasamahan ko siya sa station para marating ang border dahil malapit doon ang lugar kung saan naka tira si Mylene Hermes.

Hindi ko alam kung bakit ko ginagawa ang mga bagay na ito pero pakiramdam ko ay hindi ko siya kayang pabayaan.

Para bang may kung anong bumubulong sa tenga ko na tulungan siya at gabayan.

Weird right?



Naging maganda ang unang araw ng pananatili niya.

Boong akala ko ay tatakasan niya kami pero sabi niya nasa kwarto lang siya natulog maghapon.

Sa tingin ko ay nag sabi naman siya ng totoo dahil hindi naman ako kinakausap ni Sir Christopher kapag nagkikita kami o nagkakasalubong sa pasilyo.

Kagaya nung una ay hindi parin magkasundo sila Troy at Yrvana. Lagi silang nag kokontrahan sa maliliit na bagay na parang maliliit na bata.

Medyo iniiwasan niya din makipag usap saamin at ang laging rason niya ay "Wala akong tiwala kahit kanino. Kung hindi lang kita mapapakinabangan hindi ako mag dadalawang isip na tumakas."


Mabilis na lumipas ang dalawang araw. Noong una medyo hindi ako sanay na may kasamang babae.

Sa ngayon ay si Yrvana muna ang natutulog sa higaan ko, at ako naman ay sa lapag.

Madami namang bedsheets dito kaya ayos lang at isa pa ay sanay naman ay ako dahil ganto din ako nung nasa mortal world pa ako.

Medyo nagka sundo kami, pero hindi gaano dahil medyo masungit ito.

Isang bagay na nagustuhan ko sakanya ay matakaw siya. Nakakatuwa lang dahil hindi ako magaling mag luto pero madami siyang nakakain.

Aminado si Troy na hindi nya gusto ang luto ko kaya bumibili siya ng pagkain sa cafeteria.

For me okay lang naman dahil kahit ako ay hindi gusto ang sarili kong luto. Minsan sobrang alat, minsan matabang, minsan mapait.

Pero pag dating ki Yrvana ay madalas nauubos niya ang luto ko. Ewan ko pero siguro sadyang matakaw lang talaga siya.

Isa pa sa nagustuhan ko ay marunong siyang mag linis ng bahay.

Sa totoo lang makalat talaga kami ni Troy dito. Madalas naglilinis kami kapag naiirita na kami sa sobrang dami ng kalat.

Madalas ang kalat namin ay papel. I hate math because I'm not good at it. Kaya madami ang nasasayang na papael dahil sa scratch.

Piro ever since noong dumating siya dito ay palagi nang malinis kapag umuuwi kami galing sa school.

Pero simula nang nandtio siya ay may bukol na din kami palagi dahil binabato niya kami ng dust pan kagaya nalang nitong nakaraang araw, galit na galit ito dahil ang dami na naman daw niyang lilinisin.

Nakakamangha dahil kahit na prinsesa siya ay marunong siyang mag ligpit ng kalat at mag linis.

At isa pa, she likes to organize everything. Lahat ng mga gamit dito ay nasa ayos.

Si Jannah ay nandito din everyday para ma monitor niya si Yrvana. For me she will become a good doctor someday, dahil kahit na kakaunti ang kaalaman niya sa healing magic ay marunong siya sa mga herbal na gamot.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon