Chapter 17:
Bella's POV:
It's been thirty minutes since I've started the test. Lahat ay nandito na.
Ang ilan ay madudumi ang soot dahil na trap. Ang Ilan ay sugatan dahil sa mga monsters na naka ingkwentro nila sa daan.
Ang naka pasa sa test ay si Justin Beards. Siya ang naunang nakarating dito. Sumunod sakanya si Edward Sanders. Pareho silang nakaligtas sa traps at sa mga monsters di kagaya ng iba.
Lahat ay nandito na maliban kina Natalia at Nicolo.
Napahinga ako ng malalim. "Where are those two? I'll be sad if they are trapped too."
"We saw them. Bago kami mag hiwahiwalay ay magkasama silang dalawa." Tukoy ni Vanie kina Troy at Natalia.
"What kind of traps did you made?" Usisa ni Captain.
Yes, nandito na si Captain kasama ang tatlo pang apprentices na kakasabak pa lang sa misyon. Sa ngayon ay si Sir Charles nalang ang wala.
"Nets, holes and mud traps lang naman. Mga mahihinang klase lang din naman ng monsters ang nasa forest, kaya nila iyon talunin kahit hindi gamitan ng magics. Nakakapag taka lang at wala parin sila samantalang ang iba naman ay nandito na." Medyo naiinip na din ako sa kakahintay. Hindi naman ganon ka layo ang lugar na ito.
Almost 35 minutes na silang nasa loob ng gubat. Baka na ligaw lang sila.
"It's strange." Napatayo ang Captain sa inuupuan nya sa hindi ko alam na dahilan.
"Huh? What do you mean?" Usisa ko.
"Quick! Go to the Forrest and find them!" Nagulat ako nang tumakbo siya papasok ng gubat.
"Sino?" Hindi na nito sinagot ang tanong ko at sumoong na sa kakahoyan. "Hey! Captain, wait!"
Napalingon ako sa mga kasama ko. Halatang pagod na pagod ang mga ito.
"Hindi na namin kaya. Let her do what she want." Sambit ni Connor, ang isa sa tatlong apprentices na galing sa misyon.
"All we need to do is to wait for her." Sambit ni Snow na naka upo sa taas ng kahoy habang hawak hawak ang baril niya. Isa din sya sa tatlong naatasan.
Nicolo's POV:
Hindi ako maka hinga habang pinagmamasdan ko ang marka na nasa cloak ng lalaki.
Hindi dahil sa natatakot ako sakanya dahil galing sya sa Dark society. Hindi ako makahinga sa galit na nararamdaman ko.
At this moment, parang nag flashback sa isipan ko ang nangyare sa Tito ko noong gabing iyon.
Sila nga ba talaga ang nasa likod ng mga pangyayareng iyon?
"K-kayo ba ang may kagagawan kung bakit namatay ang Tito ko?" Usisa ko.
Sumilay ang isang nakakakilabot na ngiti sa labi nito. Kumawala ang nakakatakot na halakhak mula sakanya.
Ngayon ay alam ko na ang kasagutan sa mga tanong ko.
Kung ganon sila nga.
"Surprised?"
Kaagad kong binunot ang dagger na nasa tagiliran ko. "You bastard!"
Mabilis akong sumugod sa direksyon nya.
"Nicolo wag!" Narinig kong sumigaw si Natalia pero hindi ko iyon pinakinggan.
Kaagad ko itong sinunggaban ng dala kong dagger.
Habang winawasiwas ko iyon sakanya ay mabilis naman nya iyong naiiwasan.
Nakakamangha dahil kahit matanda na siya ay mabilis parin syang kumilos.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...