Chapter 37

157 25 4
                                    

Chapter 37:


It's Monday again. Kailangan na ulit naming bumalik sa school unlike sa ibang familia na every three days lang per week ang pasok.

Kasama namin sina Zoey, Jon at Crystal. Classmate ko nga pala si Zoey.

Napunta naman sa third block sina Jon at Crystal at ang kasama nila doon ay si Vanie.


"So, apat sa limang society ay may namumuno na Light Empress and Light Emperor. Each of them has a guardians called Dragon bloods." Madami pang sinabi ang teacher namin sa history pero para bang wala akong ganang makinig.

Malalim ang iniisip ko ngayon. It's the upcoming tournament.

I remember the last time I used my magic. Kinain ng apoy ang katawan ko at muntik ko na iyong ikapahamak.

Kinakabahan talaga ako. What if pag dating ng oras mangyare ulit yun. Baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo namin.

Bakit ba kasi rookies lang ang pwede sumali? Hay nako. Kinakabahan tuloy ako.

"Mr. Ramirez." Nabalik ako sa sarili ko nang marinig ang boses ng teacher ko.

Nagulat ako nang nasa harapan ko na pala ito.

"Are you listening?" Usisa nito saakin.

"Uhhm. Yes ma'am." Tugon ko.

"So we discussed that the society of Drylands has three Dragon bloods. Whom they represent?" Usisa ko.

Hindi ako agad nakasagot. Napaisip ako sa tanong ni ma'am.

Patay! Dapat pala nakinig ako. Hay nako talaga!

"Mr. Ramirez?" Naiinip na paguulit ni ma'am.

Ilang saglit pa ay may bigla akong narinig na pamilyar na boses. "Space, Time, and Gravity."

Napalingon ako sa paligid ko. Napansin ko na parang walang nag salita kaya nag taka ako.

Ilang saglit pa ay napalingon ako ki Zoey na nakaupo sa unahan. Nang magtama ang paningin namin ay nginitian ako nito.

Kung ganon sinabi nya iyon gamit ang isip ko. Nakakabilib talaga sya. Napakarami nyang kayang kawin compared sa ibang Spirits.

"I guess it's Time, Space and Gravity... Ma'am?" Nag dadalawang isip akong sabihin iyon dahil hindi naman talaga galing saakin ang mga iyon pero wala na akong pagpipilian. Ayoko din naman mapagalitan sa harap ng mga classmates namin.

"Very good." Pilit itong ngumiti nang sabihin iyon at nag lakad na palayo.

Ipinagpatuloy nya ang discussion.

Napahinga ako ng malalim. Luckily she's my classmate.




Mabilis na lumipas ang oras at ngayon ay break time na namin.

Magkasama kami ni Zoey na naglalakad sa hallway papunta sa cafeteria.

"Wala ka sa sarili kanina. Parang malalim ang iniisip mo." Sambit ni Zoey.

"Talaga?" Tanggi sana ako pero wala akong kawala. Iniligtas nya ako kanina kaya alam na alam nya.

"Oo. Tulala ka kanina kaya nilapitan ka ni ma'am." Tugon nya at nilingon ako.

"Thank you nga pala." Pagpapasalamat ko.

Ngiti ang naging sagot nito.


Di nag tagal at narating na namin ang cafeteria.

Napansin namin na nagtatakbuhan papasok ang mga estudyante.

"Ano kayang nangyayare?" Usisa ko.

Agad kaming pumasok. Napansin namin sa unahan ay may nagtitipon na mga estudyante.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon