A/N: Let me introduce the four races of magic world and their classes.
Races: Classes
1. Wizard: Gladiator/Mage/Slayer
2. Non-wizard: Beast/Spirit/Minions
3. Summoner: Illusionist/Cloner/Summoners
4. Sorcerer: Witch/Dark mage/DeceiverChapter 19:
"Ramdam ko ang magic nila kahit ilang metro pa ang layo nila. Bakit ganon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Shun.
"Me too." Sangayon ni Vanie. "They have too much mana. Bakit ganon?" Halatang takot na takot si Vanie nang sabihin nya iyon.
"Did you feel it too?" Usisa ni Shun habang naka tingin saakin.
"H-hindi ko alam, I can't feel anything strange." Tugon ko.
"Me either. I can't feel anything." Sambit ni Jannah. "Who are they?"
"Base sa soot nilang cloak, mga knights sila na galing sa society ng Efroncala." Sambit ni Shun. "Anong gagawin nila dito?"
"What if parehas ang pakay natin sa kanila?" Napatingin si Shun ki Jannah.
"Let's go. Quick!" Biglang tumakbo si Shun palabas sa damuhan.
Mabilis kaming sumunod sakanya.
"Anong gagawin natin?" Usisa ko sakanya.
"Capture them." Sagot ni Shun.
"Right!" Pagsangayon nila Jannah at Vanie.
Muli kong sinubukang gamitin ang magic ko. Huminto ako sa pag takbo at kinuha ang dagger ko.
"Don't use your magic. Leave it to us Nicolo." Sambit ni Shun.
Na alala ko ang nangyare sa forest nitong nakaraang linggo. Malamang kapag ginamit ko ang magic ko ay mapipinsala akong muli.
Wala akong nagawa kundi ang sundin sya.
Agad na ginamit ni Vanie ang magic nya. Itinaas nya ang mga kamay nya. Hinuli nya ang tatlong naka cloak gamit ang lupa.
Napalibutan ng lupa ang mga katawan nito na dahilan para hindi makagalaw ang mga ito. "Got you!"
Mabilis kaming tumakbo papalapit sa tatlo.
Ngayon ay naka tayo kami sa harapan ng tatlong naka cloak.
Naka yuko ang mga ito na tila ba ayaw ipakita ang mga mukha nila.
"Anong ginagawa nyo dito?" Usisa ni Shun sa mga ito.
Nabalot ng katahimikan ang paligid. Walang nag salita na kahit na sino.
Hindi sumagot ang tatlo. Tahimik lamang silang naka yuko. Hindi din gumagalaw ang mga ito.
"Galing kayo sa Efroncala hindi ba? Anong kailangan nyo sa lugar na ito?" Ngayon ay mataas ang boses ni Shun, halatang umiinit na ang ulo nito.
"I'm asking you!" Agad na lumapit si shun sa tatlo at isa isa nitong inalis ang mga hoods ng cloak na soot nila.
Lahat kami ay na bigla nang alisin nya iyon.
"What the..." Hindi makapaniwalang sambit ni Vanie.
"Kahoy?" Nagtatakang sambit ni Jannah.
Maging ako ay na bigla. Mga sanga lamang ng kahoy ang nasa loob ng cloak.
Agad na binitiwan ni Vanie ang mga ito. Bumagsak ang mga ito sa lupa.
"Panong nangyare iyon?" Hindi makapaniwalang sambit ni Vanie.
BINABASA MO ANG
Dragon Blood: The Golden Sanctuary
FantasyMahika... Isang kahanga-hangang bagay na kung saan ang mga nakapaloob dito ay maganda, kamangha mangha at napaka hiwaga. maaaring may itinatago itong sekreto na kung minsan ay hindi kayang ipaliwanag ng ating mga mata. He is Paul Nicolo Reinhart. Is...