Chapter 41

157 9 4
                                    

Chapter 41:

(Office Hall: Room of assembly)

Bella's POV

Tatlong araw na ang nakakalipas matapos ang pangyayare.

Ngayon ay nagsisimula nang gumawa ng aksyon ang mga heads patungkol sa nangyare ki Darlyn.

Ngayon ko lang nalaman na matagal na palang nawawala si Darlyn.

Na matagal na palang nag panggap na Darlyn ang babaeng iyon.

She is familiar. I saw her few times when I'm with Darlyn. Sa pagkaka tanda ko isa sya sa tatlong guards ni Yrvana, ang naka babatang kapatid ni Darlyn.

Hindi ko maintindihan kung paano nya nagawa sa Empire nila ang kataksilan na iyon.

Panigurado ay alam na ng Mifeo Empire ang patungkol dito. Ngunit ipinag paubaya nila ang pag ligtas kay Darlyn sa kamay ni Dione.

Ayaw parin nila sirain ang kapayapaan na napagkasunduan ng Light valley at Agies.

"The Headmaster is here." Sambit ng guard na naka tayo sa pinto ng Room of assembly.

Ipinatawag lahat ng heads, 12 Supremes at mga Captains para pag usapan ang hakbang upang mapayapang maibalik si Darlyn.

At dahil wala ang Captain namin ay ako ang tumayong representative ng Familia.

Ang limang matatandang lalaki na naka upo malapit sa upuan ni Dione ay ang tinatawag na Heads of the Empire and Golden sanctuary.

Sila ang limang namumuno sa boong school at sila din ang katuwang ni Dione sa pamamahala ng boong Maiyah Empire.

Ang una ay si Zandro McGill. Siya ang kanang kamay ni Dione at siya din ang pinaka pinagkakatiwalaang tao ni Dione. Siya ang pumapalit ki Dione sa pamamahala ng Empire at ng school kapag wala si Dione.

Sina Gilbert Lee at si Kairo Aldridge ang tumutulong sa mga mamamayan ng Maiyah sa pamamagitan ng pakikinig sa kanilang mga hinaing. Silang dalawa ang gumagawa ng mga batas upang ipatupad ni Dione na makabubuti para sa boong Empire.

At ang huling dalawang member ng Heads ay sina Douglas Zenon at Nicolas Impunity. Silang dalawa ang namamahala sa pwersang militar ng boong Empire. Sila ang responsable sa siguridad ng mga mamamayan maging ng mga estudyante ng Golden sanctuary. Sila din ang nagtatag ng 12 supremes at ng mga Familias ng Golden sanctuary.

Silang lima ang pinaka pinagkakatiwalaang tao ni Dione. Sila ang Heads.

Lahat kami ay napatayo nang dumating si Dione. Kagaya ng laging nakikita ng lahat, naka soot ito ng mask at ang makikita mo lamang sakanya ay ang kanyang mata.

Naka soot ito ng suit na panigurado ay gawa sa mamahaling tela.

Lahat kami ay magkaka harap sa isang pahabang lamesa.

Nandito na ang lahat, ang mga Heads, ang mga Supremes at ang mga Captains.

Umupo si Dione sa pinaka dulo ng table. Kitang kita sya ng lahat.

"As we expected, nakarating na ang balita sa Mifeo Empire. Lahat ng mga leaders ng Light valley ay ikinabahala ito." Panimula ni Dione.

"Dahil kilala namin ang Emperor ng Mifeo Empire. He is reckless, we know at anytime he would declare a war against the Dark society, para lang maibalik ang anak niyang si Darlyn."

"I tried to stop him from doing it. At kagaya ng inaasahan ko ay saakin napunta ang paninisi mula sakanya. Well I deserve it..." Magsasalita pa sana sya pero tumayo sina Douglas at Nicolas.

Dragon Blood: The Golden SanctuaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon