CHAPTER 1

47 5 0
                                    

"Hoy ibalik mo yang ice cream ko!" sigaw ko sa kanya habang umiiyak, pero hindi nya binalik, lumingon lang sya sakin saka tumawa at sumigaw

"Salamat sa ice cream!"

"isusumbong kita sa mga kuya ko! ibalik mo ang ice cream ko!" sigaw ko habang umiiyak parin. Pagkatapos dahan-dahan syang lumapit sakin

"Ang pangit mong umiyak! oh ito ibabalik ko na para hindi ka na pumangit."

Bigla akong nagising dahil sa ingay. Si kuya talaga ang aga-aga nangbubulabog na naman! Akala mo may fiesta sa lakas ng music nya. hays! Naputol tuloy yong panaginip ko. Teka nga muna, panaginip ba talaga yon o alaala? Baka alaalang napanaginipan ko. Ays makababa na nga lang nagugutom na ako.

Pagdating ko sa sala, nakita ko si kuya naglalaro na naman ng ML. Nakita ko rin si mama na may kausap sa telepono, pero hindi nya yata ako napansin kaya lumapit ako sa kanya para mag good morning. Pero natigilan ako ng marinig ko yong sinabi niya sa kausap nya sa telepono.

"So, kailan ka uuwi dito, para masundo mo na si Maxine?" tanong ni mama sa kabilang linya. Magsasalita pa sana sya ng mapansin nyang nasa likoran nya na ako.

"good morning ma." bati ko sa kanya

"good morning Maxine. Kanina ka pa ba dyan?"

"Hindi naman po. kakababa ko lang po."

"Ganon ba, sige ihahanda ko lang ang breakfast mo." sabi ni mama saka umalis na

Nang makaalis si mama sa sala, agad akong tumabi ng upo kay kuya Iuhence sa mahabang sofa,

"bro.!"

"Hmm?" sagot ni kuya habang nakatuon lang ang atensyon sa cellphone nya.

"Sino yong kausap ni mama sa telepono nya?"

"iwan"

"narinig ko kasi yong pangalan ko."

"Oh?"

"tinatanong ni mama yong kausap niya kung kailan daw uuwi para masundo na ako."
"May alam ka ba tungkol don,bro?"

"wala"

"sa tingin mo,ano kayang plano nina mama?"

"iwan"

"uuwi ba rito si kuya Richard?"

"diko alam"

"Ano ba!!!" sa pagkakataong ito hinampas ko na sya!
"kausapin mo nga ako ng matino!"

"wait lang! wag kang magulo!!" patuloy parin sya sa paglalaro kahit hinahampas-hampas ko na sya ng unan.

"Maxineee! matatalo ako eh! ano ba!"

"Itigil mo muna kasi yan!!kuyaaaaa!!"

"mamaya na tayu mag usap! ano ba!!"
hindi pa rin sya natinag sa paglalaro kahit panay na ang hampas ko sa kanya.

"Maxxx!!! wag ka munang magulo!!!!"
this time napalakas na ang boses nya.
Ah!ganon ha! first time mo akong sinigawan!humanda ka sakin ngayon!

"Okay fine!!!mas mahalaga pa pala yang ML mo kesa sa sarili mong kapatid!!Kaya ka iniiwan ng mga naging jowa mo eh!!Hindi ka na sana magka jowa pa!!!!!" sigaw ko sa knya at padabog na umalis sa sala,pero ang tukmol parang wala lang narinig.Ah ganon ha! hmmm!humanda ka ngayon Rix Iuhence!

Bago ko isinagawa ang plano ko siniguro ko munang wala sina mama at papa sa kwarto nila. Pero alam kong nasa kusina pa si mama, at nang makita ko si papa sa veranda, lihim akong napangiti.
HA HA HA handa ka na ba Iuhence my dearest brother?!
Well,madali lang naman itong gagawin ko eh,no worries mabilis lang to!
Nang paakyat na ako ng hagdanan andon parin sya sa sofa,naglalaro.At panay pa ang Yes!Woooh! ng tukmol. Mukhang maganda laro natin ngayon ah.Tingnan natin kung masisiyahan ka pa mamaya.HAHAHA

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon