CHAPTER 30

4 1 0
                                        

Pinilit kong ihiwalay ang lungkot ko sa graduation day ni kuya. Alam kong subrang saya nya ngayon pati na sina mama at papa kaya hindi ko pwedeng sirain yon.

Kakatapos lang nang kanilang graduation at nandito na kami ngayon sa bahay, nandito rin ang iba naming kamag-anak at ang mga pinsan ko. Naghanda kasi ng party sina papa para kay kuya Iuhence. Gusto ko na sanang bumalik na ng Maynila pero lahat sila pinigilan ako. Wala na kong nagawa. Tinext ko nalang si Alvis.

"Alvis, kmusta na si Ace? bukas pa ako makakabalik dyan, ayaw kasi nila akong payagan umalis ngayon." pagkatapos senend ko na sa kanya. Nagreply naman agad si Alvis

"Hindi parin sya nagigising, pero may good news Rhian. Nagreresponse na ang katawan ni Ace. Kanina nga gumalaw na ang mga daliri nya." reply ni Alvis. Napapikit ako dahil sa tuwa. Sana magtuloy tuloy na, sana tuluyan nang makarecover si Ace.

"Insan, gusto mo ng beer?" biglang tanong sakin ng pinsan kong si Mhel.

"Ikaw talaga, Mhel, B.I ka talaga. Alam mo namang hindi umiinom yang si Maxine eh." saway ni Charie

"Asos! hindi na tayo mga teenager uy! Isa pa, once a year na nga lang tayu magkita-kita eh. Mag enjoy naman tayu!" sabi ni Mhel. Lumapit naman sakin si Gebe at inakbayan ako

"Tama si Mhel, paminsan-minsan lang naman tu eh. Kalimutan mo muna yang sakit sa puso mo."

"May sakit ka sa puso, Maxine? bakit hindi mo sinabi samin kaagad." seryusong tanong ni Ariel. Pagkatapos sabay kaming tumawa

"Tangek! masyado kang seryuso, badi! masyado ka kasing tutok sa girlfriend mo kaya nahuhuli kana sa ibang bagay at sa balita." sabi ni Angel. Tumawa lang ako tapos kumuha ako ng beer.

"Kamusta na pala ang kapatid ni Alvis, insan?" biglang tanong ni Rhea. Naisip ko tuloy si Ace. Sana pagbalik ko bukas gising na sya. Sana tuluyan na syang makarecover.

"Ano ba yan, pwede bang wag muna nating pag usapan yang mga malulungkot na bagay? minsan-minsan na nga lang tayong nagbobonding eh. Dapat masaya lang." sabi ni Vhanie

"Tama! wag muna tayong mag isip ng mga malulungkot na bagay kasi napakamahal na ng kilo ng kamatis ngayon tapos wala pang bunga ang bayabas dahil inubos ng baka ang laman ng mani." sabat ni Ben. Sabay sabay naman kaming nagtawanan.

"kaya pala wala nang bunga ang mangga dahil inubos ng kambing ang gatas ng kalabaw!" segunda naman ni Jobert. Nagtawanan naman kami lahat.

"Kahit kailan talaga mga buang jud mo!!" sabi ko habang tumatawa.

"Ganyan lang dapat, insan. Kahit may problema, wag paring kalimutang ngumite at tumawa, tandaan mo, laughter is the best vitamins." sabi ni Fatima. Sabay naman kaming natawa sa sinabi niya

"laughter is the best medicine, hindi vitamins!" natatawang saad ni Honey.

"tsss, pwede na rin yon! basta may best." sagot ni Fatima. Nagtawanan nalang kami.

Kahit papano nakaramdam ako ng saya ngayon. Minsan lang kami magkita ng mga pinsan ko pero solid parin kami.



Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Tiningnan ko ang oras, 5AM na. Dali dali akong naligo at nag ayos pagkatapos bumaba na ako naabutan ko sina papa at kuya Richard at kuya Russel na nagkakape.
Ang aga talaga magising ng mga lalaking to. Parang walang hang over ah.

"Oh good morning, Maxine. Halika ipagtitimpla kita ng kape." sabi ni papa

"Pa, gatas nalang po ang timplahin nnyu. Gatas na iniinom nyan don sa bahay eh." sabat ni kuya Richard

"Kuya! hindi na ako bata, okay? mis ko nang magkape. Wag ka nalang umangal." sabi ko kay kuya Richard. Tumawa lang si papa pagkatapos pinagtimpla na ako ng kape. Napansin ko si kuya Russel, tahimik lang sya at parang ang lalim ng iniisip.

"Kuya? okay ka lang?" tanong ko sa kanya, ngumite lang sya ng bahagya tapos tumango

"bilisan mong magkape, mahuhuli na tayo sa flight natin." sabi nya

"Babalik ka rin ng Maynila ngayon?" tanong ko saka tumango lang sya.

"Maxine, bantayan mo yang kuya mo, habang wala kami don, broken hearted yan baka magpakalunod na naman yan sa alak." sabi ni kuya Richard

"No worries kuya." sabi ko.
Pagkatapos nagpaalam na kami ni kuya Russel, saka umalis na. Nagpaiwan muna sina kuya Richard at ate Grace at ang mga bata sa probinsya, magbabakasyon daw muna sila.

Pagdating namin, dumiritso na agad si kuya sa condo niya, ako naman papunta na ng hospital.
Pagdating ko nakasalubong ko si tito Arnaldo.

"Maxine, nakabalik kana pala."

"Opo, galing pa po akong airport, dumiritso na ako dito."

"Ganon ba, sige uuwi muna ako sa bahay. Nandon si Alvis sa loob, kayo na munang bahala kay Ace ha." sabi niya, tumango naman ako. Saka pumasok na

"Rhian."

"Alvis, kmusta sya?"

"ganon pa rin. hindi parin sya nagigising pero sabi nang doctor unti unti nang nagreresponse ang katawan niya." sabi ni Alvis. Nilapitan ko si Ace saka hinagod ang buhok niya

"lalabas na muna ako." sabi ni Alvis, tumango naman ako.

Umupo ako saka hinawakan ko ang kamay niya.
"Nakabalik na ako, Ace. gumising ka na please." sambit ko
"gumising kana, sa susunod na araw graduation nyu na. gagraduate ka na Ace. magiging engineer kana." sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. Hinalikan ko ang kamay niya.
Nakaramdam ako ng pagod.

Hindi ko mapigilan ang luha ko habang naglalakad ako papunta sa altar. Subrang saya ko lang talaga kasi sa wakas ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko ngayon.

Bigla akong napatigil nang hindi ko makita ang groom ko. Lumingon lingon ako sa paligid pero wala sya. Nasaan ang groom ko? Napatingin ako sa altar nang bigla nagsalita ang pari.

"We are gathered here, In the name of the Father, of the Son, and of the Holy Spirit, Amen."

"H-hindi!" sambit ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. He is supposed to be my groom! bakit sya ang officiating Priest?!

"Ace!"

"Rhian!" nagising ako dahil sa boses ni Alvis. Hindi ako nagsalita, sa halip tiningnan ko si Ace. Hindi parin sya nagigising. nagbuntong hininga nalang ako

"Rhian, okay ka lang?" tanong ni Alvis. Tumango lang ako saka nagtanong

"Alvis, sa tingin mo ba, magpapari din si Ace gaya mo?" nakita kong natigilan si Alvis sa tanong ko.

"bakit mo naman naisip yan?"

"nanaginip kasi ako. Pari na daw si Ace."

"Hindi ko alam. Hindi natin alam kung anong plano ng Dios para kay Ace. Pero Rhian, kung sakali bang pumasok din si Ace sa Seminaryo, papayag ka ba?"

"Hindi ko alam." sagot ko saka yumuko. tinapik naman ni Alvis ang balikat ko

"Wag mo nalang isipin yon. Panaginip lang yon." sabi niya

Hindi ko talaga alam kung makakaya ko pang pati si Ace magpapari din.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon