"Rhian,sorry pero kailangan ko ng mamili."
"Ako naman ang pipiliin mo,hindi ba?" pilit akong ngumingiti kahit ramdam ko na ang mga luha ko.
"Rhian, please be happy."
hinawakan nya ang mga kamay ko
"Oo,masaya ako. Masaya ako."
sabi ko habang pinupunasan ang pisngi kong basang basa na ng luha
"I'm sorry,Rhian.."
"No, wag kang mag sorry. hindi mo naman ako iiwan, hindi ba?"
"Please..you deserve someone better than me, Rhian. You deserve a guy who can love you unconditionally, yong lalaking kaya kang ipagmalaki sa buong mundo."Bigla akong nagising dahil sa ingay.
Umaga na pala.Maaga na namang nambubweset si Iuhence! Argggh! ayan na naman yung music nyang nakakabingi!Naramdaman kong malamig ang unan ko,basa na naman pala ang unan ko ng luha. Naalala ko ang panaginip ko.
Napanaginipan ko na naman sya.At halos lahat ng panaginip ko tungkol sa kanya ay umiiyak ako.
Bakit ba ang hilig maglaro ng tadhana!Bakit kung sino pa yong taong hindi pweding angkinin,siya pa yong taong mamahalin natin!ki aga aga nag e-emote na naman ako!
"knock knock! Maxine gising na!"
tawag sakin ni kuya Iuhence.Akala niya naman hindi ako nagising dahil sa ingay nya!naputol nga yong panaginip ko eh! haaays!"Good morning,Maxine."
bati sakin ni mama
"Good morning po,Ma."Pagkatapos kong magtimpla ng kape, pumunta ako sa paborito kong parte ng bahay, sa veranda. Mahilig ako sa kape,pagkagising ko, nagkakape ako agad at dito madalas tumambay sa veranda. Masarap kasi dito, Matatanaw mo yong garden ni mama na puno ng naggagandahang iba't ibang klaseng bulaklak. Masarap din ang simoy ng hangin. Medyo may kalamigan kasi ang klima dito sa probinsya. Simple lang ang buhay namin, pero masasabi ko din namang hindi kami mahirap. Hindi kami mahirap pero simple lang kami sa bahay, hindi masyadong sosyal, walang arte, walang katulong, ayaw kasi kumuha ni mama ng katulong dahil ano raw ba ang silbi namin kung kukuha pa kami ng katulong? edi magsesenyorita at sesenyoritohan nalang daw kami!ayaw ni mama ng ganon. Mga bata pa kami sinasanay na kami ni mama sa mga gawaing bahay pero yung magagaan lang din naman.
Anyway, kaya gusto kong palaging tumatambay dito sa veranda kasi nakakapag isip ako ng mabuti. Nakakapag emote ako. wala kasing isturbo, hindi maingay.
"Uyyy Max! ano na naman iyang iniisip mo?"
ay mali pala ako!speaking of isturbo slash maingay.. bat nandito tong tukmol na to,hindi naman sya madalas pumupunta rito pag umaga."ba't ka nandito?"
walang ganang tanong ko kay kuya, bago sumimsim ng kape"let me remind you,my dearest sister, hindi mo solo ang bahay, okay?"
"whatever." nag rolled eyes ako sa kanya, tsaka sumimsim ulit ng kape.
"Maxine." tawag sakin ni papa. Himala, anong meron? andito rin sina mama at papa sa veranda, eh dati ako lang palagi mag isa dito tuwing umaga ah.
"bakit po, pa?"
"may sasabihin lang kami ng mama mo." seryusong sabi ni papa
"Ano po iyon?" nagtatakang tanong ko saka sumimsim ng kape
"Sa katapusan ng buwan, uuwi rito ang kuya Richard nyu."
"talaga po? yes! makakasama ko na naman si kuya. namimiss ko na rin sya." masayang sambit ko
"pero dalawang araw lang sya rito anak, dahil may trabaho pa sya, susunduin ka lang nya." si mama naman ngayon ang nagsalita
"susunduin po?" nagtatakang tanong ko
"Kina Richard ka muna mag s-stay, Max. doon mo na tatapusin ang dalawang taon mo sa collegio.
"Po???" para akong binuhusan ng isang bucket ng ice dahil sa sinabi ni papa.
"Pa!""Napag usapan na namin yan ng mama mo at ng mga kuya mo."
Binalingan ko si kuya Iuhence na nakayuko lang at halatang nakokonsensya.
"Maxine, makinig ka nalang samin ng papa mo.Ito ang mas makakabuti sayo, anak." mahinahong sambit ni mama
"No,mama!ayoh ko po!hayaan nyo nalang po ako dito!Maganda naman po ang pinapasokan kong unibersidad ngayon ah." pagmamakaawa ko
"bakit?dahil malapit lang iyon sa pinapasukan ni Alvis?!" this time mabigat na ang tono ng pagsasalita ni papa
"Maxine! Ilang beses na kitang pinagsabihan!Ilang beses ko na KAYUNG pinagsabihan!pero ang titigas parin ng ulo ninyu!gayong alam nyu namang maling pag ibig ang pinaglalaban ninyu!""Pa, kailan pa po ba naging mali ang pag ibig?pa!wala naman po kaming ginagawang masama ah!" unti unti nang bumabagsak ang mga luha ko.
"Ano bang napapala mo sa pakikipagrelasyon sa isang seminarista? sakit sa puso! sekretong relasyon! Limited conversations! kuntento ka na ba sa ganon? Maxine, nilalayo kalang namin sa maling tao! Hindi si Alvis ang para sayo!"
"Mahal ko po si Alvis at mahal nya po ako! sapat na po yon para ipaglaban namin ang relasyon namin! bakit ba hindi nyo matanggap! papa, nagmamahalan po kami ni Alvis!" sabi ko habang umiiyak
"Oo nagmamahalan nga kayo! pero hanggang kailan? hanggang saan? Maxine! gumising ka nga! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang nakikipagrelasyon ka sa isang seminarista!"
"Wala po akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao! Hindi naman po kasalanan ang makipagrelasyon sa isang seminarista!"
"Hindi nga kasalanan! Pero mali! Maxine, mali! Alam mo yon, anak! pinalaki ka naming may takot sa Dios! malaki kana at alam mo na ang tama at mali, ang dapat at hindi! Ipaubaya mo na si Alvis sa Dios!"
"h-hindi ko po kaya!" sabi ko habang humihikbi
"Tama na, anak. Buo na ang desisyon namin, kailangan mo nang ilayo ang sarili mo kay Alvis."
"Hanggang kailan nyo pa po ba ako balak pahirapan?!hindi pa po ba sapat na halos nakakulong nalang ako dito sa bahay!at ngayon?gusto nyo namang umalis ako sa lugar na to!"
"Max!huwag kang ganyan!" saway sakin ni kuya Iuhence. pero kahit na humihikbi na ako nagpatuloy parin ako sa pagsasalita.
"Totoo naman eh!alam mo yon kuya kung gano ako nahihirapan tuwing gustong gusto kong lumabas ng bahay,kung gano ako naiinggit sa mga kaibigan kong malayang malaya!Alam mo kung gano ko namimiss ang dati kong buhay!" nakayuko lang si papa habang naglalabas ako ng sama ng loob
"Nak,tama na!please makinig ka na lang samin ng papa mo,alam mo naman kung bakit namin ito ginagawa." sabi ni mama habang hinahagod ang likod ko
"hayaan nyo nalang po kasi ako dito.Ma! Papa!please!!" humihikbing hinawakan ko ang braso ni papa para magmakaawa.
I saw the pain in my father's eyes. alam kong labag din sa loob nya ang desesyon nila.pero para sa kanila ito ang dapat gawin."sa katapusan nitong buwan susunduin ka na ng kuya mo.Meron ka pa namang tatlong linggo para makipagbonding sa mga kaibigan mo.at makadalo sa PYD ninyu.Sulitin mo ang bakasyon mo,okay?papayagan na kitang lumabas at gumala,magagamit mo narin ulit ang BigBoss mo." mahinahong sabi ni papa saka hinagod ang buhok ko.
"Pa!!please!!" halos hindi na ako makahinga sa subrang pag iyak ko. pilit naman akong pinapakalma ni kuya at mama.
Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. basta nagising nalang akong nakahiga sa kama ko at mugtong mugto ang mga mata.
Wala na talaga akong magagawa.
Mahirap pero kailangan kong sumunod sa gusto nila.
Malalayo na ako sa mga kaibigan ko. higit sa lahat malalayo na ako lalo kay Alvis.

BINABASA MO ANG
Destined to be
Ficción GeneralMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...