"sige na umalis kana ako na bahala tumapos nito." sabi ni Jane habang kinukuha ang laptop ko.
"thank you talaga bes ha."
"sos wag ka nang magthank you jan. basta bes,alam mo na. ano man ang mangyari andito lang ako okay?"
"salamat." niyakap ko sya bago umalis
Malapit lang naman ang tagpuan namin ni Alvis. Actually tambayan namin yon ng mga kaibigan ko noon nong nakakagala pa ako palagi. Hindi naman namin first time magkita ngayon ni Alvis pero kinakabahan ako. Hindi ko parin alam kung anong gagawin ko.Isang buwan nalang kasi mag te-Theo 2 na sya at ako naman pagkatapos ng PYD pupunta na akong Maynila. Pero isa lang ang sigurado ako, mahal ko si Alvis at hindi ko kayang mawala sya sakin.
"Rhian.."
"Alvis." nang magkita kami niyakap nya ako.
"kanina ka pa?" tanong ko
"hindi naman masyado." si Alvis
Nagkwentohan lang kami hanggang sa bigla nalang syang tumahimik.
"Alvis, may problema ba?"
"Rhian" tumitig lang sya sakin
"may kailangan akong sabihin sayo." sabay kaming nagsalita
saglit akong natawa "sige ikaw muna, ano yon?"
parang nag alinlangan pa syang magsimulang magsalita pero tumitig sya sakin saka bumuntong hininga.
"Rhian, sa susunod na buwan kasi mag te-Theology 2 na ako."
"oo alam ko." nakangiting sagot ko
(now playing "Hanggang dito nalang" by Jayah)
"Rhian.." hinawakan nya ang kamay ko
"bakit Alvis?"
"Rhian,hindi ko na kaya ang ganitong sitwasyon. Ang hirap, ang daming hadlang."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Rhian, itigil nalang natin to. tapusin nalang natin t---"
"anong tatapusin Alvis?"
"ito. itong palihim nating pagkikita, Itong relasyon natin"
"Alvis,no!akala ko ba walang bibitaw?" nagsisimula nang mamuo ang mga luha ko
"Rhian,nahihirapan na kasi ako eh."
"ako rin naman ah. Alvis subrang nahihirapan na din ako pero bumitaw ba ako?ha?Alvis kinakaya ko lahat. sinisikap kong maging matatag dahil ayokong mawala ka sakin!Hindi mo na ba ako mahal?" tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko
"Rhian,mahal kita. pero hindi ko na kaya yong konsensya ko. Pakiramdam ko ang sama sama ko! hindi ko kayang biguin ang benefactors ko, ang mga taong sumusuporta at umaasang magiging pari ako. Gusto ko rin talagang tuparin ang pangarap naming dalawa ni mama na magpapari ako kahit na hindi na nya ako makikitang nakasuot ng estola."
"Noong una akala ko madali lang ang lahat, pero hindi pala. Rhian ang hirap!""Alvis, nahihirapan din ako pero kinakaya ko kasi mahal kita."
"Alam ko. kaya nga gusto ko nang tapusin natin to dahil mas lalo lang tayong masasaktan kapag pinagpatuloy pa natin to. Rhian, hindi mo deserve ito. hindi ako ang lalaking para sayo."
"wow naman Alvis! mahigit tatlong taon na tayung ganito pero ngayon mo lang sasabihin yan. Alvis, alam mo kung pano kita pinaglaban sa mga magulang ko!"
"Kaya nga ayoko na nang ganito. Alam ko ako ang dahilan kaya ka nagbabago. Ayaw ko nang sinusuway mo ang mga magulang mo. Alam ko kung gaano mo na namimis ang dating buhay mo.Gusto kong maging masaya ka ulit, yong nakakalabas ka ng bahay nyu, nakakapunta kahit saan mo gusto At mababalik lang yon kapag wala na tayo."
"pano naman ako magiging masaya kung wala ka?! Alvis kaya kong tiisin lahat! please wag mo lang akong iwan."
"Rhian,I'm sorry. But you don't deserve me." unti unti naring pumapatak ang luha ni Alvis.
"Pero ikaw yong mahal ko Alvis.!"
"Mahal din kita Rhi---
"then why?! kung mahal mo ako bakit mo ako iiwan?bakit mo ako susukuan?" hindi ko na napigilan humagulgol
"I'm sorry,Rhian."
"Ano pa bang kulang?san ba ako nagkulang? ginawa ko naman lahat ah. Lahat ng pag iintindi ginawa ko.Tiniis ko lahat ng hirap kahit pa nga konsensya ko binabaliwala ko na dahil ayokong mawala ka! Alvis please!wag mong gawin toh wag mo kong iwan!" halos lumuhod na ako sa harapan nya. hindi ko kaya ang sakit subra ayoko. ayoko pa syang isuko.
"Rhian,hindi ka nagkulang..kung tutuosin ako yung may malaking pagkukulang sayo.Kaya lang hindi ko na kayang punan yon. hindi ko na kayang lumaban pa."
"Alvis..."
"I'm sorry." hinawakan nya ang dalawang kamay ko
"buo na ba talaga ang desisyon mo?"
para nakung nanghihina pero nagpatuloy parin ako sa pagsasalita
"Alvis, pwede bang wag muna. Saka mo nalang ako iwan kapag handa na ako. Pwede ba yon?" pagmamakaawa ko sa kanya. Pero yumoko lang sya at hindi nagsalita."Hindi mo na ba talaga ako mahal? ayaw mo na ba talaga sakin? Nagsawa ka na ba? Hindi ka na ba masaya?" tanong ko sa kanya
"Rhian, I am letting you go not because I am not happy, I am letting you go not because I'm tired, and I'm not letting you go not because I don't love you. I am letting you go because this is the right thing for me to do."
"Alvis naman oh" hinawakan ko ang mga kamay nya. "wag muna ngayon please. hindi ko pa talaga kaya eh. umuwi na tayo, isipin nalang natin na hindi tayo nagkausap at nagkita ngayon,okay?" pilit akong ngumite habang umiiyak parin.
"Rhian, deserve mong ipagmalaki, you deserve a man who is willing enough to upload your photos together on social media and let everyone know that he's into you. Hindi tulad nito, palihim tayong nag uusap at patago na nagkikita, hindi mo deserve ang isang secret relationship." hinawakan nya ang pisngi ko saka pinunasan ang mga luha ko. "tama na. ayokong mas lalo kapang mahirapan pag dating ng mga araw. tanggapin nalang natin."
"Ba't parang ang dali lang sayo sabihin ang mga yan? ganon lang ba kadali itapon lahat? Alvis. gusto kong maging selfish. akin ka lang please." umiiyak na niyakap ko sya. hinintay kong yakapin nya rin ako pabalik pero hindi ko naramdaman. nanatili lang syang nakatayo
Tiningnan ko sya mga mata nya pero umiwas sya ng tingin. hinawakan ko ang pisngi nya
"Alvis,tumingin ka sa mga mata ko."
Pero hindi parin sya tumitingin"Alvis!!tingnan mo ako sa mata saka mo sabihing ayaw mo na sakin!"
Hinintay ko sya, at unti unti syang timitig sa mga mata ko.
"ayoko na, Rhian. palayain mo na ako. Mahal kita pero mas mahal ko ang bokasyon ko."Pinunasan ko ang mga luha ko at dahan-dahang humahakbang palayo sa kanya
"sana maging masaya ka sa naging desisyon mo Alvis." pagkasabi ko, umalis na agad ako.
Lutang akong naglalakad pauwi,hindi ko na nasabi sa kanya na sa Maynila na ako mag aaral. Pero mabuti na rin yon wala na rin namang kwenta kung sasabihin ko pa, hiniwalayan na nya ako, kaya wala na rin siguro syang pakialam. Hinawakan ko yong suot kong kwentas na bigay nya, naalala ko yong mga panahong magkasama kami ni Alvis na masaya, Naalala ko kung pano nya ako alagaan kahit na magkalayo kami palagi nya akong pinapadalhan ng mga paborito kong pagkain, minsan naiinis na din sa kanya si Jane dahil sya palaging inuutusan ni Alvis. Naalala ko yong mga panahong wala pa kaming ibang iniisip kundi kaming dalawa lang. Yong mga panahong mahal na mahal pa ako ni Alvis.
Sa subrang lutang ko hindi ko na napansin ang paparating na sasakyan. Kung hindi lang ako hinila nong nagtitinda ng ice cream baka nasagasaan na ako. pinagalitan pa ako nong driver. Nakakatawa!Natawa nalang din ako nong naalala ko yong mga panahong tumatakas ako sa bahay tuwing home visit nila para lang makasama ko sya kahit saglit at kahit na patago. Naging ninja ako dahil sa kanya. Nakakatawang isipin, ang lihim naming relasyon sa loob ng halos tatlong taon, ay natapos na ngayon. Para akong baliw na naglalakad ngayon, wala sa sarili at natatawa pag naiisip ko lahat ng pinagdaanang hirap at saya namin ni Alvis.
Gusto kong umiyak pero bakit ganito? wala ng lumalabas na luha sa mga mata ko! wala na akong ni isang emosyon na nararamdaman ngayon! Anong nangyayari sakin!!

BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...