CHAPTER 16

2 1 0
                                        

Kasalukuyan akong naglalakad sa park ngayon ng mag isa. Nagpaalam muna ako kina kuya na maglilibot lang. Ito yong park kung saan ako inagawan ng ice cream nong batang lalaki. Nakita ko rin yong puno kung san ako umupo dati. Lalapit na sana ako don sa may bench para umupo nang nakakita ako ng matandang lalaki na nagtitinda ng ice cream. Lumapit ako sa kanya para bumili.

"Manung,pabili po." sabi ko don sa tindero.Tinitigan ko ng mabuti yong lalaki habang naglalagay sya ng ice cream. Hindi ako sure kung sya nga yong lalaki na binilhan ko noon,malaki na kasi ang itinanda nya.
"heto hija." tinanggap ko yong ice cream saka inabut sa kanya yong bayad ko. Hindi ko naman napigilang magtanong.

"ah manung,matagal na po ba kayong nagtitinda ng ice cream?" tanong ko sa kanya

"matagal tagal na rin.nasa mga walong taon na mahigit. bakit hija?"

"Natanong ko lang po,kasi dati,bumili rin ako ng ice cream dito sa mismong lugar na to." sabi ko saka ngumite.
Ilang minuto rin nya akong tinitigan bago nagsalita.

"Parang na mumukhaan nga kita hija.teka..." parang may inalala sya "Hindi kaya ikaw yong batang inagawan ng ice cream nong batang lalaki noon?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Pano niya nalaman yon,eh sina mama,papa at mga kuya ko lang ang sinabihan ko non at tsaka parang wala namang ibang taong nakakita nong inagawan ako nang ice cream nong batang lalaki.

"Ako nga po iyon. Pero pano nyo po nalaman?nakita nyo po bang inagawan ako ng ice cream?" tanong ko sa kanya. Ngumite sya bago nagsalita

"Hindi,hindi ko nakita yon.Pero yong batang lalaki kasi na bibili sana ng ice cream pero kulang yong pera nya, bumalik sya no'ng sakto na yong pera nya tapos bumili sya ng isa pang ice cream. Nagtaka nga ako kung bakit pa sya bibili e may kinakain na syang ice cream no'n. Pagkatapos umalis sya. Pero maya-maya lang din bumalik sya at nagtanong sya sakin kung nakita ko raw ba yong batang babae na kasabay nyang bumili ng ice cream."

"hinanap nya po ako?" tanong ko

"Oo. tinulangan ko pa nga syang hanapin ka eh. Nong tinanong ko sya bakit nya hinahanap yong batang babae, ang sabi nya ibibigay lang daw nya yong binili nyang ice cream kasi yon nga,inagaw nya yong ice cream mo."

Pagkatapos naming mag usap ni manung tindero, pumunta na ako sa may bench.
Talaga bang hinanap nya ako nong araw na yon. Nong bumangon kasi ako sa pagkakadapa ko,bumalik na agad ako ng rest house. At hindi na nila ako pinayagang gumala pa. Kung totoo man yon na hinanap nga nya ako at binilhan ng bagong ice cream, ibig sabihin non, mabait sya. Ah hindi! Bad parin sya kasi inagaw nya yong ice cream ko!

Makikita ko pa kaya yung bata na yon?malamang hindi na sya bata ngayon. Parang mas matanda pa nga sya sakin eh. Tumayo ako saka naglakad-lakad. Nakakainis naman tong mga nakakasalubong ko.Yung iba magka holding hands,yung iba naman magkaakbay! Samantalang ako, eto nag iisa!

"Alvis!!" bigla akong napahinto nong narinig ko ang pangalan na yon. Biglang naghalo-halo yong nararamdaman ko ngayon,hindi ko maipaliwanag! tama ba talaga yong narinig ko? boses ng babae yong tumawag sa pangalan nya.

"Alvis!ano ba bumalik ka rito!" tama nga talaga yong narinig ko. dahan dahan kong nilingon yong babaeng tumawag kay Alvis. Nong makita ko yong babae,maganda sya at parang magkasing-edad lang kami.

"Alvis!pwede ba wag kang makulit!halika na!" tapos lumapit sya don sa batang lalaki na tumatakbo-takbo

"Habulin mo ako ate!" sigaw nong bata sa kanya

"humanda ka talaga sakin pag naabutan kitang bata ka!" hinabol nya yong bata,Nong naabutan niya, kinarga nya ito.

"Ang kulit mo talaga,Alvis!lagot ka mamaya kay mama." tapos naglakad palayo

Para akong nakahinga ng maluwag. Akala ko talaga si Alvis eh. Umiling iling nalang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Ano bang nangyayari sakin. Paano ako makakapag move on nito kung palagi ko parin syang naaalala.
Habang naglalakad ako,may biglang kumalabit sakin.
"ate,ate,natutunaw na yong ice cream mo,hindi mo ba kakainin?pwede bang akin nalang yan?" ito yong bata kanina na kapangalan ni Alvis. Ngumiti ako sa kanya saka binigay ang ice cream.

"oh heto,sayo nalang." nakangite ako habang binibigay sa kanya. Ngumiti rin sya sakin

"Salamat ate. ang ganda mo naman po." ngumiti lang ako sa sinabi nya tapos dumating yong ate nya

"Alvis!ikaw talagang bata ka. tinakbuhan mo na naman ako!" tapos tumingin sya sakin, "miss,kinukulit ka ba nitong kapatid ko?pasensya na ha."

"hindi..okay lang." nakangiting sagot ko sa kanya. Tapos nagpaalam na syang aalis at yong kapatid nyang si Alvis. HAHA nakakatawa! pinaglalaroan mo na naman ba ako tadhana?!

Nakita ko ulit yong nagtitinda ng ice cream tapos bumili ako. Ang init kasi ng panahon,gusto ko talaga ng ice cream. Pagkatapos kong bumili, umupo ako sa may bench. Bigla kong natanaw yong tatlong babae na may hawak na mga balloon. Nakita ko rin yong babae na naka blind fold at inaalalayan nong isa pang babae papunta don sa.. lalaking nasa gitna na may hawak na gitara. Nong tinanggal nya yong piring nya sa mata bigla syang kinantahan nong lalaki. Umiiyak yong babae dahil siguro sa saya. At naramdaman ko nalang din na umaagos na pala ang luha ko.

"Alvis!" sambit ko sa pangalan niya. Ang sakit sakit parin. Paano ako makakapag move on kung sa bawat oras,sa bawat araw at kahit sa mga simpleng bagay naaalala ko sya!

"Kakainin mo ba yang ice cream mo o hindi? pangalawang bili mo na yan ah. sayang naman kung matutunaw lang,pwede bang akin nalang?" napatingin ako don sa nagsasalita. Hindi ko alam kung bakit  pero pakiramdam ko biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"miss?" tawag nya sakin. mabuti nalang nakabawi na ako. Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumayo

"sayo nalang. nawalan na ako ng gana eh." sabi ko at binigay ko sa kanya yong ice cream. Tinanggap naman nya agad. Aalis na sana ako ng bigla syang nagsalita

"Salamat sa ice cream!" ngumiti sya tapos tumalikod at naglakad na palayo. Hindi nalang din ako nagsalita at naglakad na. Bigla akong napahinto ng makaramdam ako ng dèjà vu.

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon don sa lalaki. Wala na sya. Hindi ko na sya nakita.Teka! Sino yon?
"kakainin mo ba yang ice cream mo o hindi? pangalawang bili mo na yan ah."
Paano nya nalamang pangalawang bili ko na non? Nakita nya kaya akong bumili? o baka kanina nya pa ako sinusundan? Ays iwan!
Bakit parang déjà vu? Sino yong lalaking yon?

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon