"Kuya, niyaya ako ni Ace mag dinner mamaya sa kanila, okay lang ba?" tanong ko kay kuya Richard
"bakit hindi. Panatag naman ang loob ko kapag si Ace ang kasama mo, kaya sige pumunta ka. basta alam mo na ang bawal sayo, okay?"
"Opo. thank you kuya."
"Napapadalas na ang paglabas ninyo ni Ace nitong mga nakaraang araw ah. Sinagot mo na ba sya? Kayo na ba?"
"Hindi. Hindi pa kuya." sabi ko saka yumuko. Naalala ko na naman kasi ang lihim ko kay Ace.
"Hindi mo parin ba nasasabi sa kanya ang totoo tungkol sa inyu ni Alvis?" tanong ni kuya. Alam na nila na magkapatid si Ace at si Alvis, sabi ko naman eh, hindi ako nakakapagsekreto sa kanila. Lahat alam nila.
"Hindi pa kuya. Natatakot ako eh."
"Maxine. Kailangan mong sabihin kay Ace ang totoo. Sure naman akong maiintindihan nya yon. Ang bait ni Ace, Max. Lahat ginagawa nya para maparamdam nya lang sayo na mahal ka nya. Wag mo syang paglihiman, hindi nya deserve."
"Natatakot ako kuya, paano kung iwasan nya ako kapag nalaman na nya ang totoo."
"Mahal ka ni Ace, matatanggap nya yon. Isa pa nakaraan naman na yon. Hindi na importante yon, maliban nalang kung hanggang ngayon mahal mo parin si Alvis." hindi ako nakapagsalita sa sinabi ni kuya
"Tapatin mo nga ako Maxine. Mahal mo parin ba si Alvis?"
"Hindi ko alam." mahinang sagot ko saka yumuko. Hindi ko talaga alam! Nagugulohan parin ako. Gusto ko na si Ace at ayokong mawala sya pero naiisip ko parin talaga si Alvis at may mga araw na namimis ko sya.
"Maxine, hindi pwedeng dalawa sila dyan sa puso mo. Hindi mo pwedeng sagutin si Ace hangga't mahal mo parin si Alvis kasi napakaunfair non para kay Ace, masasaktan sya. At alam mo rin na hindi na pwedeng maging kayo ulit ni Alvis."
"kuya, hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot akong malaman ni Ace ang totoo."
"Pero kailangan, Maxine. sabihin mo na sa kanya habang maaga pa, habang hindi pa huli ang lahat."
Paano ba kasi ako napasok sa sitwasyon na to! Ang hirap! Pareho ko silang gusto!
Oo wala na nga kami ni Alvis pero pakiramdam ko bihag nya parin ang puso ko, pero alam kong hindi na namin maibabalik pa ang nakaraan.
Si Ace, gusto ko na sya. Nasanay na akong palagi syang nasa tabi ko, kaya natatakot akong malaman nya ang totoo kasi baka hindi nya matanggap. Pero tama si kuya kailangan ko nang sabihin sa kanya habang maaga pa. Hindi niya deserve na pagsinungalingan.Nabaling ang atensyon ko sa pinto ng kwarto ko nang may kumatok.
"Tita! can I come in?" si Sofia.
"sure Sofy." sabi ko sa kanya saka binuksan nya ang pinto at pumasok.
"Tita, I have something for you." sabi nya at may inabut sakin
"Libro!" sambit ko saka tinanggap.
"sana matulongan ka ng libro na yan tita." sambit nya saka ngumite. binasa ko ang title ng libro "Moving on." Tumingin ako sa kanya saka ngumite.
"thanks Sofy." ngumite lang sya
"by the way, tita. Tito Ace is waiting for you." Nagulat ako sa sinabi niya. Andito na pala si Ace. Tiningnan ko ang oras 7PM pa naman. Dali-dali akong nag ayos, pagkatapos bumaba na.
"Good evening, Max." nakangiteng bati ni Ace. Iba ang aura nya ngayon, halatang masaya sya. Ano kayang meron.
"good evening, Ace kanina ka pa ba?"
"ah hindi pa masyado." ngumite sya. Pagkatapos nagpaalam na kami kina kuya.
Habang nasa byahe kami hindi ko maiwasang mapatingin kay Ace. Napakaaliwalas ng mukha nya ngayon at halatang masaya.
"Titigan mo lang ako, hanggang sa ma fall ka sakin." sabi niya saka pilyong ngumite. Inirapan ko lang sya. Hindi ko alam kung bakit bigla nyang hininto ang sasakyan sa gilid ng karsada.
"Bakit tayo tumigil?" tanong ko sa kanya. Pero hindi nya ako sinagot, sa halip ay humarap sya sakin pagkatapos hinawakan ang kamay ko.
"Maxine, pwede ko bang malaman kung may puwang na ba ako sa puso mo?"
"Ace.."
"Hindi sa minamadali kita pero, gusto ko lang malaman, habang may oras pa."
"Ano ba yang pinagsasabi mo, Ace." hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang kinikilos ni Ace ngayon.
Ngumite sya saka bumuntong hininga."I wonder kung ano kayang ginawa ng ex mo para mahalin mo sya ng subra. curious din ako kung sinong mas mabait at gwapo sa amin." sabi niya at bahagya syang tumawa. Sumandal ako sa upuan at pinikit ko ang mga mata ko. Paano ko ba sasabihin sa kanya ang totoo! Paano at saan ko sisimulan!
"Maxine?" pagbuka ko ng mga mata ko, nagtama ang paningin namin. Magkalapit na ang mga mukha namin at nakatitig lang kami sa isa't isa. Dahan-dahang hinawakan ni Ace ang pisngi ko, pagkatapos unti unting lumalapit ang labi nya sa labi ko. Hahalikan nya na sana ako pero umiwas ako. Napapikit nalang ako dahil sa frustration na nararamdaman ko sa sarili ko! Umayos ng upo si Ace at sumandal. Ilang minuto kaming natahimik. Hanggang sa nagsalita sya.
"I'm sorry, hindi ko na pigilan ang sarili ko." sabi nya nang hindi tumitingin sakin, diritso lang tingin niya. Hindi ako kumibo kaya nagsalita sya ulit.
"May hinihintay ka pa bang bumalik?" tanong niya. Napatingin ako sa kanya, subrang cold ng mukha nya.
"Ace--- tumingin sya sakin
"Maxine, umaasa ka parin ba na magkakabalikan kayo ng ex mo?" tiningnan ko sya sa mata pagkatapos umiling ako."Hindi. Hindi na, Ace." biglang nagbago ang expression nya sa mukha, ngumite sya hinawakan ang pisngi ko.
"Sana nga." sabi niya at hinalikan nya ako sa noo. Pagkatapos pinaandar na nya ang sasakyan.
Pagdating namin sa kanila, nakasalubong namin si tita Lilian, paalis siya.
"good evening po." bati ko sa kanya pero as usual hindi na naman nya ako pinansin."San po kayo pupunta?" tanong ni Ace sa kanya
"Kina Fatima muna ako matutulog ngayon at baka manatili pa ako roon ng ilang araw. Hindi ko kayang makipagplastikan sa kapatid mo. Naliliitan na rin ako sa bahay na to." sabi niya pagkatapos umalis na. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko sya naintindihan.
Hindi ko alam pero bigla nalang akong kinabahan nong papasok na kami sa bahay nila, nakahawak lang si Ace sa bewang ko habang papunta kami sa dining table nila.
"Oh nandito na pala kayo." masayang sambit ni tito Arnaldo
"good evening po, tito." bati ko sa kanya, at agad akong napabaling sa isa nyang kasama na nakaupo.
Para akong natulos sa kinatatayuan ko. Parang biglang nanigas ang mga tuhod ko at parang nakikipagkarera ang puso ko sa subrang bilis ng tibok nito. Titig na titig lang sya sakin. Ganon din ako, hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Pareho kaming nagulat, pareho naming hindi inaasahan ang pagkikita namin ngayon.
Alvis!
BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...