CHAPTER 14

2 2 0
                                    

"Maxine halika na!" tawag sakin ni kuya Richard

"Andyan na kuya!" pagkababa ko ng hagdan andon na sila lahat sa sala hinihintay ako

"Wala na ba kayong naiwan na gamit?" tanong ni kuya

"wala na. ikaw Max?" tanong naman ni ate Grace

"wala na po.okay na po."

"oh sya. arat na!" natatawang sabi ni kuya

"ayan ka na naman! mamaya marinig ka na naman ng anak mo." kinurot ni ate Grace ang tagiliran ni kuya

"aray aray!honey naman eh. ano namang problema kung marinig ng anak natin hindi naman bad word yon eh."

"kahit na! ayokong mamana ni Sarah yang mga kabadoyan mo!" tumawa lang si kuya. natawa narin ako. Si kuya talaga feeling millenial masyado.

Habang nasa kalagitnaan kami ng byahe, di ko maiwasang makaramdam ng inis. Wala kasi si kuya Russel, nang injan na naman!
Biglang tumunog yong cellphone ko. Speaking of. ito tumatawag ang tukmol kong kuya.

"Hello Max." hindi ako kumibo
"Maxine.hoy magsalita ka nga jan."

"bakit ba?" inis kong sabi

"galit yarn? sorry na. On leave kasi ang secretary ko eh ang dami ko pang inaasikasong mga papelis." paliwanag niya. Hmp!palagi nalang kuya!

"Sanay na ako kuya! Ikaw yong palaging nang aayang mamasyal, tapos ikaw din yong hindi sisipot."

"Maxine naman, alam mo namang busyng tao itong pogi mong kuya eh. Sorry na talaga. Promise sa susunod babawi ako."

"Wag na kuya. di na kailangan. Gusto ko lang magpakita ka sakin kahit saglit, babasagin ko lang yang pangit mong mukha." bigla namang tumawa si kuya Richard at sumali sa usapan namin kaya niloud speaker ko yung phone ko.

"Naku lagot ka kay Maxine, bro. mas lalo kang papangit." sabi ni kuya Richard habang nagda-drive,nilapit ko sa kanya ang phone ko.

"Anong mas lalong papangit? tumahimik ka jan kuya,alam mong sa ating tatlo ni Iuhence ikaw ang pinakapangit!" sagot naman ni kuya Russel.

"Anong ako? ikaw kaya!tingnan mo hanggang ngayon wala ka paring girlfriend takot siguro yong mga babae sa itsura mo!" dagdag ni kuya Richard habang nakatuon lang ang mga mata sa daan.

"Wala akong girlfriend kasi napakabusy kong tao! wala akong time sa mga babae!" sagot ni kuya Russel

"busy rin naman ako ah pero bakit nagkaron ako ng napakagandang asawa,dahil subrang gwapo ko. diba hon?" bumaling sya kay ate Grace.

"iwan ko sayo,Richard!" inirapan lang sya ni ate grace pero halata namang kinikilig sya,namumula kasi yong pisngi nya.Lalo na nong kinindatan sya ni kuya. Nawala tuloy ang inis ko dahil sa kanilang dalawa. Umayos ako ng upo tsaka kinausap si kuya Russel pero nagsasalita parin sya,ayaw kasing magpatalo pag itsura na yong pinag uusapan. Kung nandito lang si kuya Iuhence tiyak na hindi din yon magpapatalo. Ganyan sila mag asaran. Nagbabangayan dahil sa mga mukha nila. Pero para sakin wala naman talagang pangit sa kanilang tatlo, pareho silang gwapo. Yon nga lang may isa talagang ayaw magpalamang.

"Kuya kahit anong gawin mo mas pogi parin si kuya Richard."

"kampi kana ngayon kay kuya Richard,bunso?ang daya naman!"

"Kuya naman kasi eh. Ilang asawa tsaka anak ba ang pinapakain mo at napaka hard working mo! Palagi ka nalang walang time samin!"

"Kailangan na kailangan kasi eh. Alam mo naman ako lang yong inaasahan dito ni Uncle Rey."

"basta next time,wag ka nalang mag aya kung hindi ka rin naman sisipot."

"Sorry na talaga, asahan mo babawi si kuya sayo,okay?gagawan ko yan ng paraan.Sa ngayon mag enjoy nalang kayo don at mag iingat kayo."
Kahit papano napangiti ako sa sinabi nya. napaka thoughtful talaga ng kuya ko.

"Sige na nga lang!basta ha.babawi ka!ang dami mo nang utang samin, lalo na sakin!"

"Yea,yea,I know. oh sige na.bye na! mag ingat kayo ha. Max,mag enjoy ka okay?"

"Yes po,master." tumawa lang si kuya sa sinabi ko. Pagkababa ko ng phone,sumandal ako sa upuan tapos tumingin sa labas. Mabuti nalang hindi masyadong traffic ngayon.
Mahaba-habang byahe pa to kaya iidlip muna ako. Pero hindi pa nga ako nakakapikit ng tumunog na naman ang phone ko. Tiningnan ko yong caller Id, unknown number. Sino kaya to.

"Hello? sino to?" tanong ko sa kabilang linya

"Bes!!!"pagkasabi palang nya nakilala ko na agad sya parang umiiyak yong boses ni Jane,kaya bigla akong nag alala

"bes!bakit?anong problema?"

"Mis na kitang babae ka!" akala ko kung ano na.

"Akala ko naman napano ka. miss you too,bes."

"Bakit naman kasi nag deactivate ka ng mga accounts mo sa social media. tapos hindi ka man lang nag iwan ng number mo,mabuti nalang nagkita kami kanina ni Iuhence nakahingi ako ng number."

"tayo lang yata yong magbespren na walang phone number ng isa't isa."

"Oo nga noh" pagkatapos tumawa sya. "Pero alam mo bes,ang lungkot-lungkot ng buong choir kanina habang nagpa-praktis."

"Na ho-homesick na nga ako eh."

"na hohomesick ka,eh ginusto mo yan. Pwede mo namang kausapin sina tito na dito ka nalang mag aral total wala naman na kayo ni Alvis,pero umalis ka pa din." Natigilan ako sa sinabi ni Jane. bat nya pa kasi binanggit yon!

"Ayy sorry bes. sorry alam kong gusto mo na palang makalimot."

"Okay lang bes." gustong gusto kong itanong sa kanya kung kamusta si Alvis pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.

"Kilala kita bes,alam kong may gusto kang itanong. Ano yon?" manghuhula ba tong bespren ko.

"Wala. Ikumusta mo nalang ako dyan sa lahat."

"hmm okay. Kung iniisip mong kmusta na si Alvis, well, parang okay lang naman sya. Kanina nga nakita ko silang nagja-jam session kasama ng ibang mga seminarista, mukhang masaya naman si Alvis, palagi parin naman syang nakangiti."

"...ganon ba."

"Kaya ikaw dyan. please lang!tulungan mo ang sarili mo. Subukan mong maging masaya ulit."

"I will,bes. thank you."
Pagkatapos naming mag usap, Nag isip isip ako kung i a-activate ko na ba ulit ang mga accounts ko sa social media. Pero naisip ko rin baka mas lalo lang akong hindi makalimot. Tsaka nalang ako mag aactivate ng accounts kapag okay na ako,kapag nakapag move on na ako at handa na ulit akong ipakita sa lahat ang totoo kong ngite.

"Nandito na tayu!" masayang sabi ni kuya Richard. Hindi ko man lang napansin,nandito na pala kami sa Tagaytay. Bumaba agad ako ng kotse at sumalubong sakin ang malamig na simoy ng hangin.Literal na napa wow naman ako nang makita kong mas lalong gumanda ang buong lugar. Hindi ko first time dito. Dahil nakapunta narin ako dito noong grade 6 palang ako. Ang bata bata ko pa non. Buo kaming pamilya na nagbakasyon ng isang linggo dito. Actually may rest house dito si kuya Richard.

Tinulungan ko silang kunin ang ibang dala namin sasakyan. Sina Sofia at Sarah nauna nang pumasok sa loob.

"Welcome back,bunso!naalala mo pa ba ang lugar na to?" tanong ni kuya

"Oo naman kuya."

"Naalala mo pa din ba yong bata na nakaaway mo dito noon?" tumawa naman si kuya. Naalala nya siguro kung gano ako ka childish nong panahong yon. syempre bata eh

"Hindi ko makakalimutan yon. Inagaw nya lang naman kasi yong paborito kong ice cream." kahit papano napangite ako ng maalala ko yong mga panahong yon. Nasaan na kaya sya? At sino kaya ang batang yon?

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon