CHAPTER 20

2 1 0
                                    

"Maxine!! gising na! tanghali na!"
Nagising ako dahil sa ingay ni kuya Richard. Ano ba yan! inaantok pa ako eh!

"tanghali na!bumangon ka na jan!baka gusto mong buhusan kita ng tubig?" sabi niya habang kumakatok pa rin sa pinto ng kwarto ko. Aaaaargh! ang sarap pa talagang matulog!!

"Isa!" nagbibilang na si kuya.

"Oo na!babangon na poooo!" sabi ko habang humihikab.

"bumaba ka na agad para mag agahan." sabi ni kuya. hindi ako sumagot, pinikit ko ulit ang mga mata ko.

"Maxine!!!" sigaw ni kuya

"Oo na nga eh!andyan na kuya!!" parang gusto ko nang umiyak eh.Inaantok pa talaga ako! Pilit kong binubuka ang mga mata ko at inaabut ang cellphone kong nasa misa.Papikit-pikit pa ako habang tinitingnan ang oras.
7:15 AM!!! Nabagsak ko ang cellphone sa mukha ko. "Araaay!"
Si kuya talaga parang nasa probinsya pa rin! tanghali na sa kanya ang 7:15AM?! really kuya?! Manang-mana talaga kay mama!!! Pinilit ko nalang ang sarili kong bumangon pagkatapos bumaba na.

"Mabuti naman at bumangon ka narin!" bungad sakin ni kuya

"good morning din,kuya." sabi ko nang inaantok parin tsaka umupo na.

"ikaw talagang bata ka!" sabi ni kuya at binatokan ako.

"araaay!kuya naman eh! hindi na ako bata! okay?" parang biglang nawala ang antok ko nong binatukan nya ako.

"Iwan ko sayo! inumin mo na yan!" sabi niya saka inabut sakin ang baso ng gatas.

"gatas na naman? mas lalo lang akong aantokin nyan eh!"

"Anong gusto mo? kape?" tanong niya

"Oo." mabilis na sagot ko

"luuh! asa ka!" sabi niya saka tinawanan ako. Sumimangot nalang ako.

"Sabado ngayon, baka gusto mong mamasyal. pwede mong gamitin yong kotse ko."

"nah. Dito nalang ako sa bahay." walang ganang sagot ko

"hindi ka ba nababagot dito?"

"nababagot!"

"oh yon naman pala eh. ba't hindi ka gumala?o kaya magmall ka." sabi niya. hindi ako sumagot, sumimsim lang ako ng gatas.

"oh kaya..puntahan mo si Russel sa opisina nya tapos isturbohin mo!" natatawang sabi niya

"Oo nga noh!parang magandang ideya nga yan kuya." sabi ko at tumawa lang siya. "nasan nga pala sina ate Grace?" tanong ko kay kuya

"Hinatid ko kanina sa bahay ng kapatid ni Grace,kasama ang mga bata,kagabi pa kasi umiiyak si Sarah,miss niya na daw kalaro si Margo."

"ahh ganon ba." sabi ko pagkatapos nagpaalam na ako sa kanyang babalik sa kwarto ko.

Papasok na sana ako sa cr nang biglang tumunog ang phone ko.
Unknown number?

"hello, sino to?" tanong ko sa kabilang linya.

"ahmm..Rhian?" sandali akong natigilan. Kilala ko na kung sino to.

"hello Rhian?"

"Diba sabi ko na sayong wag mo akong tatawagin ng ganyan! Ace!" bulyaw ko sa kanya tapos tumawa lang siya.

"okay easy!easy!" sabi nya habang natatawa parin

"Anong kailangan mo? ba't ka tumawag? at saan mo nakuha ang number ko?"

"Pwede bang isa-isa lang!" sabi niya

Bumuntong hininga ako saka nagsalita "bakit ka ba kasi tumawag?"

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon