"Alvis.." hindi ko inasahan na magkikita pa ulit kami pagkatapos naming maghiwalay. 3 weeks ago.
Kinuha nya ang beer na hawak ko.
"Kailan ka pa natutong uminom?" tanong nya pero hindi sya sakin nakatingin kundi sa beer.Pilit kong inagaw sa kanya ang beer ko. "Akin na yan!" pero ayaw nyang ibigay, lumayo sya sakin at lumapit sya sa may malaking puno
Bumaba ako ng kotse ko at sinundan sya."Akin na nga yan!" pag agaw ko sa beer ko, pero inilayo nya ang kamay nya
"bawal sayo to diba?"
"pakialam mo ba?" pagmamaldita ko
bumuntong hininga lang sya tapos umupo at nagsalita."Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Akala ko nakalimutan mo na ang lugar na to."
"Ano ba kasing ginagawa mo dito? diba PYD ngayon? bakit hindi ka pumunta?" tanong ko sa kanya at umupo na rin pero malaki ang distansya namin sa isat isa. Ayokong malapit sa kanya baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin sya.
"Yon din ang tanong ko sayo. bakit hindi ka dumalo ng PYD? maraming naghahanap sayo don." Hindi ako sumagot,sa halip tumitig lang ako sa ibaba
"bakit ka nga ba umiinom?" tanong nya
"Wala. para makalimot." sagot ko nang hindi parin tumitingin sa kanya
"So,nakalimutan mo na ba? effective ba?" para akong nainis sa sinabi nya kaya tiningnan ko sya. Nagulat nalang ako nong nakita kong iniinom nya na ang beer ko.Lumapit ako sa kanya para agawin yon
"bakit mo iniinom yan! akin yan!" pilit kong inaagaw sa kanya ang beer pero sa hindi inaasahan nawala yong balanse nya at nahiga kaming dalawa, nasubsob ako sa dibdib nya habang sya naman napahawak sa bewang ko. Pakiramdam ko tumigil ang oras. Nakatitig lang kami sa mga mata ng isa't isa. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko ganon din kay Alvis.
Pero buti nalang natauhan ako, tatayo na sana ako pero bigla nya nalang akong hinapit palapit sa kanya. Ang nangyari magkatabi na kami ngayong nakahiga habang nakaunan ako sa braso nya at nasa dibdib nya ang isang kamay ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang nangangarira ang puso ko sa subrang bilis ng tibok. Sandali kaming natahimik. Maya maya pa nagsalita sya."Pwede bang ganito lang tayo, kahit ngayon lang." tiningnan ko sya, nakatitig lang sya sa mga ulap. Naramdaman ko na naman ang mga luha kong namumuo. Pakiramdam ko mas nadagdagan yong sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang luha ko, kaya tumayo ako at lumayo sa kanya. Kung hindi ko pa pipigilan ang sarili ko baka hindi ko na talaga sya papakawalan.
Tumalikod ako para hindi nya makita ang mga luha ko. Pero tumayo din sya at lumapit sakin.
"Rhian." mas lalo akong naiyak nong tinawag nya ang pangalan ko. Namis ko nang subra ang boses nya pag tinatawag nya ako. Humarap sya sakin tapos pinunasan nya ang mga luha ko.
"I'm sorry." sambit nya. Inalis ko ang kamay nya sa pisngi ko at hindi parin ako nagsalita.
"sabi ni Jane, aalis ka na raw. Mag iingat ka don, sana makahanap ka ng bagong mamahalin."
Pinunasan ko ang luha ko at pagak na natawa. "yon talagang iniisip mo? ni hindi ko nga alam kung maghihilom pa ba tong sugat sa puso ko eh, makahanap pa kaya ng bagong mamahalin?"
"Rhian, hindi pa huli ang lahat." tiningnan ko lang sya sa mata ng walang kabuhay-buhay.
"Tama na. palayain mo na ang sarili mo sa sakit. Marami pang naghihintay sayo na mas magagandang bagay." dagdag niya
"bakit Alvis, ikaw ba, hindi ka ba nasasaktan? wala lang ba sayo ito?"
"Masakit. Rhian subrang sakit." hinawakan nya ang dibdib nya. "Pero alam ko ito ang mas makakabuti satin, kahit hindi tayo yong nakatadhana, alam ko may magandang plano ang Dios para sating dalawa." Hindi na ako nagsalita pa. Tumitig lang ako sa kawalan, iniisip kung may magandang plano ba talaga ang Dios para sakin.
"Hindi ko alam kung ano man yong plano nya pero maghintay lang tayo. Matuto tayong maghintay." hindi ko na sya sinagot pa. Sa halip iniwan ko sya at pumunta ako sa kotse ko. Kinuha ko yong kwentas at picture naming dalawa, bumalik ako sa kanya,.kinuha ko yong kamay nya saka binigay yon.
"Ibabalik ko na. dagdag lang yan sa sakit eh." tiningnan nya yong kwentas at ang picture
"Rhian, sayo to. binili ko to para ibigay sayo."
"binigay mo yan noong mahal mo pa ako. Ngayon hindi mo na ako mahal diba?kaya ibabalik ko na yan sayo."
"Rhian.."
"Alvis, gusto ko nang mag move on. Pagod na pagod na kasi ako eh!" hindi ko na naman napigilang umiyak.
Hindi sya nagsalita at tumitig lang sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumalikod sa kanya. Aalis na sana ako pero parang may pumigil sakin. Gagawin ko to, sa huling pagkakataon.Humarap ulit ako sa kanya pagkatapos dahan dahang lumapit sa kanya at tinitigan sya sa mga mata.
"Pwede ba kitang mayakap?.sa huling pagkakata---
hindi ko na natapos yong sasabihin ko ng bigla nya akong yakapin ng napakahigpit. Niyakap ko rin sya pabalik. Alvis!!! hindi ko na napigilang humagulgol. Huli na talaga to! Wala na talaga tayo! tapos na ang lahat satin! Ang pinaghirapan nating relasyon sa loob ng mahabang taon ay natapos na sa isang kisap-mata lang.
Ilang minuto rin kaming nagyakapan. nang tumigil na ako sa pag iyak, hinarap nya ako tapos pinunasan ang pisngi ko, sabay halik sa noo ko.
Pagkatapos tumingin sya sa mga mata ko, dahan-dahang lumalapit ang labi nya sa labi ko, napapikit nalang ako nang maramdaman ko ang malamig nyang labi."ILoveYou, Alvis. I will always love you." ngumiti lang sya tapos hinawakan ang pisngi ko
"Rhian, you deserve a man who can bring you to the altar, at patawad kasi hindi ako yon. I want you to be happy, even without me."
"Alvis, patawad din pero sa ngayon hindi ko pa kayang maging masaya, patawad kasi sa ngayon hindi ko pa kayang suportahan ka sa gusto mo. Alvis, ang hirap mong e let go, subrang mahal kita." Ngumite lang sya pagkatapos hinalikan nya ulit ako sa noo
"Thank You for loving me. But I am called."
"Rhian, Let me tell you Goodbye, but that doesn't mean we will never meet again." pagkatapos ngumite sya sakin. At dahan dahang naglakad, palayo sakin.
Iniwan na talaga ako ni Alvis. Iniwan nya na ako kasama ng mga alaala naming hindi na kailan man maibabalik pa.

BINABASA MO ANG
Destined to be
Ficción GeneralMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...