CHAPTER 13

3 2 0
                                        

"Maxineeee!" malayo pa ako pero dinig na dinig ko na ang tili ni ate Grace.

"Hi ate Grace!" bati ko sa kanya at niyakap ko sya.

"Namis kita!"

"Namis din po kita."

"Ako ba hindi mo namis?" biglang sumingit si kuya Richard.

"syempre kuya subrang namis kita!" pagkatapos niyakap ko sya.

"Ang sweet naman ng mag-kuya!" sabi ni ate Grace. tumawa lang kami ni kuya. Tapos nag aya na syang umalis ng airport. Oo, nandito na ako ngayon sa Maynila.

"Bakit naman kasi nag iba ka ng flight. Susunduin pa naman sana kita sa probinsya." nasa kalagitnaan kami ng byahe ng magsalita si kuya. Hindi ko alam ang isasagot ko. mabuti nalang sinalo ako ni ate Grace.

"Ano ka ba naman hon, excited lang yang kapatid mo.at tsaka mas mabuti nga na napaaga ang dating nya para makapagbonding pa tayo habang hindi pa nagsisimula ang klase nya." tumingin sakin si ate grace saka ngumiti.

"Excited ba talaga?o may iniiwasan lang?" sandali kaming natahimik lahat sa loob ng sasakyan.

"kmusta na ba kayo ni Alvis, bunso?" dagdag tanong ni kuya. mas lalo tuloy akong hindi nakapagsalita. Si kuya talaga ang hilig mang hot seat.

"hon!ang dami dami mong pwedeng itanong yan pa talaga. Alam mo na naman ang sagot jan.hmp!" saway ni ate Grace kay kuya.

"Naghiwalay na po kami." maikling sagot ko. parang nagulat naman si ate Grace sa naging sagot ko.Pero hindi ko pinakita na affected ako kaya ngumiti nalang ako sa kanya. Hindi na nagsalita pa si kuya,alam ko naman na din ang reaksyon nya kahit hindi nya ipakita,alam kong hindi na sya nagulat kasi isa rin sya sa may gustong hiwalayan ko si Alvis.

"Andito na kami!! Sarah!Sofia! andito na ang tita ninyu!" tawag ni ate Grace sa mga pamangkin ko. maya maya nakita ko na silang nagsitakbuhan papunta sakin.

"Tita ganda!!" sabay nilang sigaw at nag unahan na yakapin ako. yumuko ako para mayakap ko rin silang dalawa. Ang bilis talaga ng panahon,dati nong nasa probinsya pa sila, karga karga ko pa sila,ngayon ang la-laki na.

"I miss you tita Maxine!" sambit ni Sofia, si sofia ang panganay,13 years old na sya.

"I miss you tita Rhiana" sambit naman ni sarah,ang bunso, 5 years old palang sya.Ilang months palang tong si sarah nong dalhin nila kuya sa probinsya,sa video call lang kami nito nagkikita.

"na mis ko din kayung dalawa." sagot ko sa kanila tapos kinuha ang pasalubong ko para sa kanila. Tuwang tuwa naman si Sarah sa barbie doll na binigay ko,at si Sofia naman niyakap ako ulit dahil sa subrang saya, binigyan ko sya ng dalawang libro,ang hilig hilig din kasing magbasa nitong si Sofia, sakin ata nagmana eh.

"Oh mamaya nayan,kumain na muna tayo. baka tumgots na yang tita nyu." tawag samin ni kuya.

"Dad, what is tumgots?" tanong ni Sarah. natawa naman ako, si kuya kasi eh hindi parin pala nagbabago yong mga style nya.

"baby, tumgots means hungry." sagot nya saka kinarga si sarah papuntang lamisa,sumunod naman ako.

"okay,lets eat now,I'm also tumgots." natawa naman kaming lahat sa sinabi ni sarah.

"ikaw talaga!kung ano-anong tinuturo mo jan sa anak mo." pinitik ni ate Grace si kuya.

"mommy!don't hurt,daddy!that's bad mommy!" saway ni sarah kay ate Grace.

"ouch!I'm hurt, baby. huhuhu" pagda-drama ni kuya at nag pout

"it's okay daddy,Jesus will heal you." hinagod hagod naman ni sarah ang kamay ni kuya. "mommy,don't do that again,okay?don't hurt daddy." sabi ni sarah kay ate.

"No baby,I dont hurt daddy.I just touched his hand." tiningnan naman ni ate si kuya. "humanda ka sakin mamaya." nakangiti lang si ate habang sinasabi yon kay kuya pero halatang lagot mamaya si kuya. Nag sign of peace naman si kuya tsaka kumindat at nag flying kiss.Pero inirapan lang sya ni ate grace. Nakita iyon ni Sofia kaya tinawanan naman ni Sofia si kuya. Sa kanilang apat si Sofia ang pinakatahimik pero masayahin din naman ang batang yan,hindi lang halata.

Nakangiti lang ako habang nakatingin sa kanila. Hindi pa rin talaga sila nagbabago,parang aso't pusa parin yong lambingan. Dati sinabi ko talaga sa sarili ko na kung magkaroon man ako ng ka relasyon gusto ko yong katulad kina kuya Richard at ate Grace. Yong chill lang parang magbarkada lang kung mag asaran pero sweet. Natupad nga yong gusto ko,dahil ganyan din kami ni Alvis noon palagi kaming nag aasaran. Minsan parang aso't pusa,pero sweet at maalagain naman si Alvis. Naalala ko na naman tuloy sya. Parang bigla tuloy nasira ang mood ko. Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako sa kanilang aakyat na ako ng kwarto ko para makapagpahinga,nagdahilan nalang akong may jet lag pa ako pero yong totoo,nakaramdam lang talaga ako ng subrang sakit at lungkot dahil namimis ko na sya.

Humiga na ako sa kama ko pagkatapos kong magbihis ng pambahay, nakatulala at nakatitig lang ako sa kisame.

"Alvis!" sambit ko sa pangalan nya. Paano ako makaka move on nito kung sa bawat oras siya lang palagi ang nasa isip ko kahit na nasa malayo na ako.

"Ako kaya,naiisip mo rin kaya ako? o tuluyan mo na akong kinalimutan?" namumuo na naman ang luha ko pero pilit kong pinigilan. Sinabi ko na non sa sarili kong,wala na akong sasayangin pang luha. Gusto ko nang makalimot, gusto ko ng makalaya sa sakit na bumabalot sakin ngayon. At sisimulan ko ngayon dito sa bago kong buhay, sa bago kong mundo.

Napatingin ako sa cellphone kong nag riring. Nong nakita ko kung sinong tumatawag, napangiti ako at agad na sinagot.

"hi kuya Russel!" bati ko kay kuya

"bunso, kmusta ka na, anjan kana ba kina kuya Richard?pasensya kana hindi ako nakasama kanina para sunduin ka sa airport,pano kasi ang daming kailangang gawin dito sa office." paliwanag ni kuya

"okay lang kuya,walang problema."
sagot ko

"di bali,pag nakaluwag-luwag ako sa schedule ko,ipapasyal kita. San mo ba gustong pumunta?"

"hindi na kailangan kuya,okay na ako dito sa bahay."

"basta ipapasyal kita.Nakakabagot kaya riyan, tsaka next week pa naman ang opening ng class nyo dba? enjoyin mo muna yong ilang araw na natitira sa bakasyon mo."

"okay lang naman talaga kuya eh. wala din naman akong ganang gumala-gala."

"So wala kang ganang makipagbonding sakin? hindi mo ba namis yong pinakapogi mong kuya?"

"Diba si kuya Richard yong pinaka pogi?" pang aasar ko sa kanya

"laos na yang kapogian ni kuya. matanda na kasi yan eh."

"matanda ka na rin naman ah. so ibig sabihin pala si kuya Iuhence na yong pinakapogi sa inyung tatlo."

"hindi pa din. hilaw pa yong kapogian ni Iuhence. Ako parin ang pinaka pogi, wag ka nalang umangal jan."  Natawa naman ako sa sinabi nya "basta ipapasyal kita. kailangan mo ring maglibang paminsan minsan,lalo pa't wasak yang puso mo ngayon!"

"kuya naman eh!"

"hindi ba totoo?" tanong nya. Hindi nalang ako nagsalita baka saan pa mapunta ang usapan na to.
"oh sya sige na,may tatapusin lang muna ako dito sa office. tatawagan nalang kita pag may free time na ako ha."

"sige kuya."

"bye,bunso. iloveyou,namis kita."

"loveyou too kuya, missyou too. bye."
binaba ko na ang cellphone ko. sa kanilang tatlo si kuya Russel ang pinaka sweet. si kuya Richard naman ang pinaka protective,at si kuya Iuhence naman ang pinaka bully. Well,lahat naman sila carring at protective sakin. Si kuya Richard lang talaga yong pi-na-ka. Sya yong pinaka disciplinarian. Pero kahit ganon pa man, isa lang ang alam ko, napakaswerte ko sa mga kuya ko dahil mahal na mahal nila ako at Lahat ng mga nangyayari sa buhay ko alam na alam nila. Hindi talaga ako nakakapagsekreto sa kanila. Maswerte din ako dahil sa mga magulang ko. Kahit na may misunderstanding kami ni papa, pero maswerte parin ako.

Isang araw palang ako rito pero mis ko na sila. Silang lahat sa probinsya.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon