Nagmamadali akong pumasok ng simbahan dahil nagsisimula na ang misa.
"The Lord be with you.." sabi nong pari.
"I wanna be with you.." sagot ko.
Para akong sira na nakatulala lang habang nakatitig sa pari. Ano ba tong nangyayari sakin? Para akong na h-hypnotize sa kagwapohan nong pari. Ang landi ko ha!
Pero bakit pakiramdam ko kilala ko ang pari? Sino sya?"Tita ganda! wake up na ikaw. we are going to church later!" nagising ako dahil sa boses ni Sarah. Nasa labas lang sya ng kwarto ko habang kumakatok
"tita ganda! you take a bath na po." sigaw niya
"Yes baby, I'm going to take a bath now." sabi ko habang humihikab
"Okay tita, we will wait for you downstairs." sigaw ni Sarah.
Kahit inaantok pa ako pinilit kong bumangon at maligo. Pagkatapos kong maligo, nag ayos na ako. Habang nagsusuklay ako, bigla kong naalala yong panaginip ko. Bahagya akong natawa, ang weird naman ng panaginip na yon.
Paano ko nasabi na gwapo yong pari eh blurred nga yong mukha nya."Maxine, halika na nandito na si Russel."
tawag sakin ni ate Grace"Opo, susunod na po."
Linggo ngayon at magsisimba kami. Kailangan kong bumawi dahil ilang buwan din akong inalipin ng sakit at galit. Sa totoo lang nakakamis magserve. Nakakamis maging parte ng choir, nakakamis maging psalmist, masyado akong nagpadala sa emosyon ko, pero kahit kailan hindi Niya ako pinabayaan. Araw-araw ko paring nararamdaman ang presensya Niya.
"Lets go,tita Maxine!" sabi sakin ni Sarah,pagkatapos sumakay na sila ate Grace sa kotse nila ni kuya Richard, ako naman sumakay na sa kotse ni kuya Russel.
Convoy lang kami papuntang simbahan.Pagdating namin don,kakatapos lang ng first mass, nagsilabasan na yung mga nakaattend na ng first mass at marami na ding pumasok para sa second mass. Pumasok na rin kami at umupo. Nagsitayuan na ang lahat dahil nagsisimula na ang misa. Sumabay ako sa awit ng choir. Napangite nalang ako na may halong lungkot dahil naalala ko sina Jane, Jay, ate Enna at yong iba kong kasamahan sa choir pati narin si Alvis, lalo na nung isa-isa nang pumaso ang mga lector's, sacristan's, at ang tatlong seminarista at ang pari. Habang pinagmamasdan ko sila, may natanaw ako sa di kalayuan. Naka side view sya sakin dahil nakaharap sya sa altar. Bigla nalang akong kinabahan. Namamalik-mata ba ako? totoo bang si Alvis ang nakikita ko?
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Sumasabay din sya sa pagkanta. Kumurap-kurap ako dahil baka namamalik-mata lang ako. Pero hindi, para talaga syang si Alvis! at ang lakas ng pakiramdam kong kilala ko ang taong yan! Pero bakit naman sya pupunta rito, nasa Seminaryo siya. Baka nga kahawig lang ni sya ni Alvis.
Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya at nag concentrate sa misa.Pagkatapos ng misa, hinanap ko agad yong lalaki pero hindi ko na sya nakita. Imposibleng si Alvis yon. Kaya hinayaan ko nalang at hindi na inisip pa.
Pagkatapos naming kumain sa isang restaurant, nagmall muna sina kuya Richard,ate Grace at ang mga bata, si kuya Russel naman may pinuntahang client. Minsan hindi na ako natutuwa sa trabaho ni kuya, wala kasing pinipiling araw eh.
Ako naman nagpaiwan lang sa isang park. Gusto ko munang magmuni-muni.Habang naglalakad ako, nakita ko yong lalaki na binibilhan ng ice cream yong mga bata. Bigla na naman akong kinabahan. Nakatalikod lang sya pero pakiramdam ko kilala ko sya. Ang tindig niya, ang likod niya subrang familiar. Alvis? ikaw ba talaga yan?
Unti-unting humarap yong lalaki at nasagot ang tanong na kanina ko pang tinatanong sa sarili ko.
"Rhian!" tawag nya sakin at halatang masaya siya. Lumapit sya sakin saka ngumite ako.
"Ikaw pala, Ace!" sabi ko saka kumunot naman ang noo niya.
"Oo ako nga, bakit? akala mo ba kung sinong artista?" sabi niya sabay tawa.
"ang hangin mo!" sabi ko at tumawa lang sya
"Rhian, gusto mo ng ice cream?" tanong nya
"sapak?gusto mo?" sabi ko tapos tumawa lang sya
"Alam mo namang ikaw ang gusto ko diba?" seryusong sabi niya.
"iwan ko sayo Ace! sinabi ko na sayong tigilan mo na yang kakatawag saking Rhian di ba? ang pangit pakinggan!"tumawa lang sya pagkatapos bumili ng dalawang ice cream.
"Galing ka ba ng simbahan?" tanong nya saka inabut sakin ang ice cream.
"Oo. ikaw anong ginagawa mo rito?" umupo ako sa may bench at tumabi naman sya
"Galing din ako ng simbahan,nakasanayan ko na kasing dumaan dito pagkatapos kong magsimba."
"Ba't hindi kita nakita sa simbahan?" tanong ko
"Pano mo naman ako makikita eh ang daming tao. San kaba banda umupo kanina?"
"naka front seat kaya ako kanina." sagot ko saka tumawa.
"oh,sa unahan din ako umupo kanina eh." saad niya
"talaga ba?" naalala ko yong lalaking nakita ko. "Hindi kaya ikaw yong nakita ko kanina?" sabi ko.
"talaga nakita mo ako?"
"hindi nga ako sigurado eh."
"Pogi ba yong nakita mo? baka nga ako talaga yon." sabi nya sabay tawa
Inirapan ko lang sya. "tss. pelengon!" sabi ko. Tumawa naman sya.
"Oo nga pala,hindi ko pa natatanong sayo to, bakit ka nga pala lumipat ng university?"
"Para takasan ang sakit." diritsahang sagot ko. Ilang minuto din kaming natahimik.
"Ganon ba talaga kasakit ang ginawa sayo ng ex mo para lumipat ka at magpakalayo-layo?"
Bumuntong hininga ako saka nagkwento.
"Subrang mahal namin ang isa't isa dati. Kahit alam naming napakaraming hadlang sa relasyon namin,nilaban parin namin. Lalong lalo na ako, tatlong taon ko syang pinaglaban sa pamilya ko, pero sa huli iniwan nya rin ako. Pinili nya yong mas mahal nya. Noong una,hindi ko matanggap, hindi ko maintindihan, pero noong nakita ko kung gano sya kasaya sa pinili nya, unti-unti ko naring natatanggap. Wala eh pinagtagpo lang kami pero hindi meant to be. Kasi may nakalaan at nakatadhana na para sa kanya." tumingala ako sa langit.
"Pinaubaya ko na sya."Pagkatapos kong magkwento tiningnan ko si Ace, nakatingin lang din sya sakin. Tapos
bigla nalang nya akong niyakap. Ngumite ako at tinapik tapik ko ang likod niya. Pagkatapos pinakawalan nya ako."Naiinggit ko sa taong yon. kasi habang nagkukwento ka, naramdaman ko kung gano mo sya kamahal." sabi niya
"Ace.."
"Hindi ko alam kung kaya ko syang pantayan. Pero Maxine, hindi ko gagawin kung ano man yong ginawa nya sayo dati."
"Iwan Ace!" bumuntong hininga ako
"Lahat kasi ng bagay sa una lang masaya. Pag nagtagal,unti-unti na ring magbabago hanggang sa tuluyan nang maglaho.""Maxine. Hayaan mo lang ako sa tabi mo. Hayaan mo lang akong mahalin at alagaan ka. Patutunayan ko sayong hindi lahat kayang manakit, hindi lahat kayang magpaiyak dahil hindi ako ganon." ngumite ako sa kanya
"Salamat, Ace. Salamat kung ganon. Pero sa ngayon,hindi ko pa talaga kayang pumasok sa isang relasyon." hinawakan ko ang kamay niya saka ngumite,
"Pero sana, kapag dumating yong araw na handa na ulit ako, sana nandito kapa, at sana hindi pa huli ang lahat, sana mahal mo parin ako."Hinawakan nya ang kamay ko saka nagsalita
"Hangga't humihinga pa ako, patuloy kitang mamahalin. Hinding hindi magbabago yon. Maxine bigyan mo ulit ng isa pang pagkakataon ang sarili mong maging masaya. Wag kang matakot. Masarap magmahal." sabi nya saka ngumite"Ace, I'm not afraid to love again, I'm just afraid of getting hurt for the same reason. Oo masarap magmahal, pero masakit maiwan ng taong mahal mo."

BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...