CHAPTER 28

6 1 0
                                    

Linggo ngayon at kakatapos lang naming magsimba. Umuwi na sina kuya habang ako nagpaiwan lang dito sa park.
Isang linggo na matapos yung pagkikita namin ni Alvis. At hindi ko parin nasasabi kay Ace ang totoo. Hanggang ngayon gulong-gulo pa rin ang isip ko.

"Rhian.." bigla nalang bumilis ang tibok ng puso nong marinig ko ang boses niya. Hindi pa man ako nakakalingon, alam ko na kung sino yon.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Nagpapahangin lang, nagmumuni-muni, pero nakita kita. Isang taon na rin simula nong huli tayong nagkita. Kamusta ka na?"

"Okay lang." maikling sagot ko

"mukhang ang laki na nang pinagbago mo ngayon, masaya akong masaya ka na."
Hindi ako nagsalita, sa halip ay tinitigan ko lang siya. Habang nakatitig ako sa kanya, nag flashback lahat ng nakaraan namin.

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin sya.
"Namis kita, Alvis." hindi ko napigilang tumulo ang luha ko. Niyakap nya rin ako pabalik.

"I missed you too, Rhian." mas lalo akong naiyak dahil sa pagtawag nya sakin. Hinagod nya ang likod ko, pagkatapos humarap ako sa kanya habang pinupunasan ang luha ko.

"I'm sorry, hindi ko napigilan ang sarili ko. Mali tong ginagawa ko, Im sorry."

"No need to say sorry, walang mali sa ginawa mo."

"Mali, Alvis. Subrang mali. Hindi na dapat kita niyakap, hindi ko na dapat to nararamdaman pa. Kasi masasaktan si Ace."

Yumuko sya saka nagsalita. "Naikwento na sakin ni Ace na matagal ka na raw nyang nililigawan, naikwento na nya sakin ang lahat, kung pano kayo nagkakilala, pano kayo naging malapit sa isa't isa. Pero hindi ko masabi sa kanya ang tungkol satin kasi alam ko masasaktan sya ng subra."

"Nakokonsensya na rin ako, hindi ko na matingnan ng diritso si Ace. Nasasaktan ako para sa kanya kasi gaya mo, hindi ko rin masabi-sabi sa kanya na may nakaraan tayo. Natatakot ako na baka kapag nalaman nya, iwan nya ako." sabi ko saka yumuko.

"Mahal mo na ba ang kapatid ko?" tanong niya.

"Hindi ko alam. Subrang nagugulohan na ako Alvis. Kasi sa totoo lang, hanggang ngayon nandito ka parin sa puso ko." tiningnan ko sya. Hinawakan nya ang kamay ko

"Rhian, Alam mo ba kung bakit ako huminto sa Theology? Kasi may hinahanap akong kasagutan. Nong nasa loob pa ako, maraming mga bagay ang gumugulo sa isip ko at isa ka na do'n. Nong nasa loob pa ako, napakarami kong tanong sa sarili ko na minsan nawawala na ako sa focus. Kaya nag decide akong huminto muna para hanapin yong mga sagot sa mga katanungan ko."

"Hindi ka na ba babalik ng seminaryo?" tanong ko sa kanya at ngumite lang sya tapos tumingala sa langit

"Alam mo, simula nong pinatawad ko si papa at si tita Lilian, para akong nabunutan ng malaking tinik sa dibdib ko. At nong nakita ko kayo ni Ace na magkasama, at nakita ko kung gano ka kamahal ng kapatid ko, pakiramdam ko nabuo ulit ako. Kasi alam ko nang nasa tamang tao na yung babaeng mahal ko." tumingin sya sakin at ngumite ng napakatamis.

"Nahanap ko na ang mga kasagutan sa tanong ko. Nakikita ko na ngayon kung gano kaganda ang plano ng Dios para sakin. At hiling ko na sana ikaw rin, naway makita mo na rin ang mga kasagutan na hinahanap ng puso mo." Sabi niya. Hindi ko na naman napigilang umiyak. Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko.

"Rhian, Nakikita ko sayong mga mata na mahal mo na ang kapatid ko, kaya lang siguro natatakot kang sumugal uli. Pero Rhian, give yourself a chance, a chance to be happy, a chance to love and to be loved. Take risk, it could lead you to something beautiful."

"Oo, gusto ko na si Ace. Pero Alvis, may nararamdaman parin ako para sayo."

"Alam ko yang nararamdaman mo para sakin, mababaw lang yan kumpara sa nararamdaman mo para kay Ace. Kilalang kilala na kita, kung ano man yang nararamdaman mo para sakin, alam kong kayang kaya mo nang pakawalan yan. Rhian, naghihintay sayo si Ace. Mahal na mahal ka ng kapatid ko."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon