"Hija Maxine."
Nagising ako dahil sa boses ni tito Arnaldo
"Umuwi kana muna sa inyo, ako nang magbabantay dito." sabi niya saka tinapik ang balikat ko."Okay lang po, dito lang po ako. Gusto ko syang bantayan hanggang sa magising sya." sabi ko
"Pero kailangan mo rin ng sapat na pahinga. Kailangan mong bumawi ng lakas. At di ba uuwi ka pa ng probinsya para sa graduation ng kuya mo?" Oo nga pala, naalala ko bukas na pala ang flight ko pauwing probinsya.
Tiningnan ko sya ng mabuti. Isang buwan na syang comatose. Subrang sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ko sana siya sinaktan hindi sana sya magpapakalasing, hindi sana sya mababangga.
"Gumising ka na, Ace." hinawakan ko ang kamay nya saka hinalikan, hindi ko na naman napigilang umiyak. Hinagod ni tito Arnaldo ang likod ko saka nagsalita.
"Tahan na Maxine. gigising din sya. Matapang at malakas si Ace." Tumango nalang ako saka pinunasan ang mga mata kong puno ng luha. Malaki ang pasasalamat ko dahil sa kabila ng nangyari kay Ace at kahit nalaman na din niya ang tungkol sa nakaraan namin ni Alvis hindi parin nagalit si tito Arnaldo sakin.
Bago ako umalis hinawakan ko ulit ang kamay ni Ace."Uuwi lang muna ako, Ace ha. Pangako babalik agad ako." sabi ko saka hinalikan ko sya sa pisngi.
Palabas na ako ng hospital nang nagkasalubong kami ni Alvis.
"Rhian." halatang halata din ang pag aalala ni Alvis kay Ace."Alvis, kailangan ko lang muna umuwi ng probinsya para sa graduation ni kuya Iuhence, pero babalik din agad ako dito."
"Mag iingat ka ha." sabi ni Alvis saka tinapik ang balikat ko
"Alvis, wag mong iwan si Ace ha. Wag tayong tumigil magdasal." sabi ko habang pinipigilan ang luha ko, tumango sya saka niyakap ako
"Hindi tayo titigil na manalangin. Nakikinig ang Dios sa atin. Hindi Niya pababayaan si Ace."
Kung ako lang ang masusunod, hindi na talaga ako uuwi ng probinsya. Ayoko kasi talagang iwan si Ace. Gusto ko paggising nya ako ang una nyang makikita. Pero ayoko rin naman na magtampo sakin si kuya Iuhence. Isang araw lang naman akong mawawala dito, pagkatapos na pagkatapos ng graduation ni kuya babalik na agad ako dito.
Alam ko magigising si Ace. Malaki ang paniniwala ko sa Dios. Hindi Nya kami bibiguin. Mabuting tao rin si Ace, kaya alam ko magigising sya. Magigising siya! Kailangan nyang gumising! Kasi hindi ko na kakayanin kapag may mangyari pang masama sa kanya at hindi ko na mapapatawad ang sarili ko.
"Welcome home, anak!" masayang sambit ni mama saka niyakap ako. Niyakap ko rin sya pabalik pagkatapos niyakap ko rin si papa.
"Subrang napagod ka siguro sa byahe ninyu, halatang halata kasi sa mukha mo, anak." sabi ni papa
"Hindi lang sa byahe yan napagod pa, pati na sa pagbabantay kay Ace. Halos hindi na nga yan umuuwi ng bahay." sabat ni kuya Richard
"Kmusta na pala yong kapatid ni Alvis, hindi parin ba nagigising?" tanong ni papa
"Hindi parin po." sagot ni kuya Richard.
"May awa ang Dios, hindi Nya pababayaan ang kapatid ni Alvis. Kaya wag ka nang malungkot, anak." sabi ni mama habang hinahagod ang buhok ko, ngumite lang ako ng bahagya
"Maxine, lakihan mo nga yang ngite mo, hindi ka ba masaya na kumpleto tayo ngayon? Isa pa bukas gagraduate na ang pinakapogi mong kuya. May piloto ka nang kuya! ngumite ka naman dyan." sabi ni kuya Iuhence.
"Excuse me, pero bro, pang top3 lang yang kapogian mo, ako parin ang top 1." pagmamayabang ni kuya Richard
"top 1 ka, tapos ako top 3? so sinong top 2? si Russel? aba hindi yata ako makakapayag dyan kuya Richard! laos na yang kapogian ninyung dalawa. Tingnan mo nga yang si brother oh, ang hagard ng mukha. Mukhang isang buwan ding walang tulog at ligo." sabi ni kuya Iuhence habang tinuturo si kuya Russel. Pero hindi man lang umimik si kuya. May problema kaya sya, kanina pa kasi sya walang kibo.
"Oo nga bro, may problema ka ba? napapansin ko lately parang problemado ka, Ano babae yan noh?" sabi ni kuya Richard
"Bakit ko naman po-problemahin ang babae! Ang dami dami dyan sa paligid noh! hindi naman sya kawalan! akala nya siguro hahabolin ko pa sya! Asa sya! kayang kaya ko syang palitan! makakalimutan ko rin sya!" Natigilan kaming lahat sa sinabi ni kuya Russel. So broken hearted nga talaga si kuya? First time to ah. Nilapitan sya ni kuya Richard saka inakbayan
"Bukas pagkatapos ng graduation ni Iuhence, sasamahan ka naming ubusin lahat ng alak sa tindehan!"
Nagpatuloy lang sila sa pag uusap. Habang ako naman nagpaalam sa kanilang pupunta muna kina Jane.
"Beeeeeees!" malayo pa lang ako dinig na dinig ko na ang sigaw ni Jane.
"hoyy babae subrang na mis kita!" sabi nya saka niyakap ako. Niyakap ko rin sya pabalik
"I missed you too bes."
"Hi Maxine! nakauwi ka na pala!"
"Jay?" Ngumite lang sya pagkatapos inakbayan nya si Jane.
"ahh..ahm syanga pala bes, boyfriend ko na si Jay!" parang nahihiya pang magsabi si Jane
"Talaga? uy congrats ha. Happy ako para sa inyung dalawa. Ikaw bes ha, hindi na ako updated sayo." sabi ko
"Paano naman kasi wala ka ng time sakin! tsaka pwede ba bes, e activate mo na nga ulit yong mga account mo sa social media! kaya ka nahuhuli sa balita eh!" sabi ni Jane
"Oo nga Maxine. Alam mo bang lumabas na si Alvis nang seminaryo?" sabat ni Jay
"Oo alam ko, pero babalik naman sya eh. Ipagpapatuloy nya ang Theology, pagkagising ni Ace."
"Sino si Ace?" sabay na tanong ni Jane at Jay
"Kapatid ni Alvis." sagot ko. Bigla ko tuloy naisip si Ace. kmusta na kaya siya. Sana may improvement na.
Halos hindi sila makapaniwala sa ikweninto ko sa kanila. Kweninto ko sa kanila ang lahat ng nangyari habang nandon ako sa Maynila. Nalungkot naman si Jane sa nalaman nya tungkol samin ni Ace.
"Magigising din sya bes, magtiwala ka lang." sabi niya. Ngumite nalang ako.
Oo alam kong magigising na si Ace. At kapag dumating na ang araw na yon, hinding hindi ko na sasayangin ang pagkakataon. Aaminin ko na sa kanya ang nararamdaman ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/255921186-288-k747693.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined to be
قصص عامةMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...