CHAPTER 9

4 2 0
                                    

Maaga akong nagising dahil sa ingay ng cellphone ko. Ayoko pa sanang bumangon dahil inaantok pa ako pero kanina pa ring ng ring ang cellphone ko. Ganon nalang ang gulat ko nang makita ko kung sinong tumatawag.

Si Fr.Ricky tumatawag! Parang biglang nawala ang antok ko at napaupo ako sa kama ko. Sasagutin ko ba o hindi? Alam ko na kasi ang sadya ni Fr. eh. tungkol toh sa PYD na ngayon na magsisimula. Hindi ko alam kung nasa simbahan na ba sya ngayon o papunta palang. Isa kasi sa mga speaker si Fr.Ricky.
Ano!sasagutin ko ba o hindi? sasagutin ko? paano kung magtanong sya kung bakit hindi ako pupunta?! Ano magsisinungaling ako? sa Pari? hmp! Sarili ko ngang mga magulang pinagsisinungalingan ko. Bahala na! Sasagutin ko na sana ng biglang nag end. naka apat na missed calls na pala si Fr.

Hihiga na sana ako ng nag text sya.
"Everyday may not be good but there's something good in every morning. Maxine, Cheer up! You're still blessed despite what happened. God love's you so much,Maxine."

Alam na ba ni Fr. ang nangyari?! Pero parang wala namang alam si Fr. tungkol sa relasyon namin noon ni Alvis. Hindi kaya, sinabi na lahat sa kanya ni Alvis?

"good morning po Fr."
tanging reply ko sa kanya. Naging malapit na rin sakin si Fr.Ricky, hindi na sya iba sakin. Hindi ko na hinintay ang reply nya. maliligo nalang ako since hindi na rin naman ako makatulog.May naisip din kasi akong puntahan ngayon bago ako pumunta ng Maynila bukas.

Pagkatapos kong maligo, at mag ayos. Simpleng black tshirt na may nakaprint na lowkey sa harap at ripped jeans saka white shoes lang ang suot ko at naka itim na cap. Binuksan ko yong maliit na kahon kung saan ko inilagay ang kwentas na bigay sakin ni Alvis. Sa totoo lang itinapon ko na to sa basurahan. Pero nakita ni mama at binalik sakin kaya nilagay ko nalang dito sa maliit na kahon. Kinuha ko rin ang susi ng Bigboss ko,binalik sakin to ni papa nong pagkatapos nilang sabihin na sa Maynila na ako mag aaral. Lalabas na sana ako ng kwarto ko nong nahagip ng mga mata ko yong picture namin ni Alvis na bahagyang nakaipit sa libro ko. Lakas loob kong tiningnan yon ng walang emosyon.

This picture was taken last January 24,during our 3rd anniversary. 4months ago. Same venue parin,sa dati naming tagpuan. Nagpatulong sya kay Jane na mag set up. Buong akala ko talaga non,nasa Seminaryo pa sya,kasi sabi nya hindi raw sya makakauwi sa buong buwan na yon. Pinuntahan ako ni Jane sa bahay non at pinagpaalam kay mama,ayaw pa sana akong payagan ni mama non kasi baka awayin daw sya ni papa pag uwi.Nasa 3days seminar kasi si papa nong araw na yon. Mabuti nalang pumayag din sa bandang huli. Akala ko talaga magmo-movie marathon lang kami ni Jane,nag taka nalang ako nong pagdating namin sa bahay nila bigla nya akong piniringan pagkatapos naglakad kami sa kung saan. Nong huminto kami sabi nya magbilang daw ako isa hanggang tatlo saka ko kunin ang piring ko sa mata. Nong hindi ako sumunod nainis sya at sya nalang yong nagbilang.

I was speechless, pagkakuha ko nong piring sa mata ko, sa unang pagkakataon naramdaman kong parang nag slow motion lahat sa paligid ko. Subrang ganda nong place,kahit sa tagpuan lang namin yon. Ang ganda ng pagkakadecorate. Ang daming balloons saka napapaligiran ng mga naggagandahang rosas. At sa harap may nakalagay na "Happy 3rd Anniversary,Love." tapos napapaligiran ito ng mga pictures naming dalawa. At sa gitna may maliit na table at nakalagay don ang tatlong cake at kompleto din lahat ng mga paborito kong pagkain. May isang malaking teddybear din na kulay puti. But the most highlighted part is him. He's standing in front of me, playing his guitar and singing our favorite song "Nothing's gonna change my love for you."

Hindi ko napigilang umiyak dahil sa subrang saya, grabi yong naramdaman ko ng mga sandaling 'yon, di ko maipaliwanag, subra akong na overwhelmed. Pakiramdam ko ako na yong pinaka masaya at pinakaswerteng babae sa buong universe! Pagkatapos nyang kumanta, nilapag nya yong gitara nya tapos niyakap nya ako, niyakap ko rin sya pabalik ng napakahigpit. Yong yakap ko na yon nagpapahiwatig na ayaw ko na syang mawala sa buhay ko. Nong mga sandaling yon hindi ko naisip na seminarista sya at may posibilidad na iwan nya ako at mas piliin nya ang bokasyon nya.

Masyado kaming naging bulag sa katotohanang may hangganan lahat ng yon. Masyado akong nabulag nang pagmamahal ko sa kanya na hindi ko man lang iniisip na ang pinakamalaking karibal ko sa puso ni Alvis ay ang Dios.
Hindi ko naisip na yon na pala ang huli. At ito na pala ang huling larawan naming dalawa.

Noon umiiyak ako dahil sa saya, ngayon umiiyak ako dahil sa lungkot at  sakit!

Pinunasan ko ang mga mata kong puno ng luha saka lumabas ng kwarto ko, dala ang kwentas na binigay nya at ang kahuli hulihang picture naming dalawa.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon