Isang buwan na simula nong nagsimula ang klase. At unti unti na akong nakaka adjust sa bagong environment ko. Kahit araw-araw kong na mimis sina kuya Iuhence,sina mama at papa,at mga kaibigan ko sa probinsya. Napakalaking adjustment talaga,pero mabuti nalang tinutulongan ako ni Aika.
Kasalukuyan akong naglalakad papuntang library,dahil gusto kong mag advance study, since hindi pumasok yong prof.namin ngayon.
Napatigil ako sa paglalakad nong nakita ko yong mga kaibigan ni Ace na parang may binubully na naman,lumapit ako ng kaunti sa kanila para makita ko kung sino yong binubully nila. Hindi ko kilala yung binubully nila pero alam ko Engineering student din yon, gaya nila Ace.
"sa susunod kasi piliin mo ng mabuti ang babanggain mo,ha boy!para hindi ka magmukhang basang sisiw." sabi ni Jasper,yong isang kasama nila Ace, tumatawa sila habang binubuhusan ng juice yung lalaki. Napakasama talaga nila!Tiningnan ko si Ace,nakaupo lang sya at walang imik na pinapanood ang mga kaibigan nyang binubully yong lalaki.Nakilala ko sina Jasper, Alexander, Rommel,at Ace dahil sikat sila sa buong campus. Sila yong palaging pinag-uusapan ng mga estudyante, lalo na nang mga girls. Mga senior Engineering student na sila. Kilala silang mga badboys at heartthrob kuno. Hindi din naman kasi talaga maipagkakaila na mga gwapo sila,lalo na si Ace na tinitilian ng mga babae. Pero kahit gaano pa sila ka gwapo,natatabunan parin yon ng napakapangit nilang ugali.
"Ano pare,anong susunod nating gagawin sa ugok na to?" tanong ni Rommel kay Ace.
"kayo nang bahala." sagot ni Ace.
"Hindi ka ba gaganti? eh binuhusan ka nya ng tubig kanina." sabat ni Jasper. Tumayo si Ace saka tiningnan ng masama yong lalaki pagkatapos tumingin sa mga kaibigan nya.
"kayo nang bahala gumanti para sakin." sabi ni Ace.
Tumawa naman ang mga kaibigan nya saka dahan-dahan na naman nilang binuhusan ng juice yong lalaki. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Subrang sama na nila!"Tigilan nyo na nga yan!Ang sa-sama ninyu!hindi na kayo naawa sa tao!pinagtulongan ninyu nang walang kalaban-laban!" sigaw ko at lumapit sa kanila. Kitang kita kong natigilan sila at nagulat. Tiningnan ko sila isa-isa ng masama,pati si Ace.
"Umuunlad ba ang mga buhay ninyu kapag may na-aagrabyado kayong tao?" pagkasabi ko tinulungan kong makatayo yong lalaki."wag kang makialam dito miss beautiful. pasalamat ka nga at hinayaan ka lang namin pagkatapos mo kaming banggain,lalo na ako." sabi ni Jasper. Sya yong humarang sakin pero binangga ko lang.
"Pasalamat ka hindi kami pumapatol sa babae." segunda ni Rommel.
Hindi ko sila pinansin, sa halip ay tiningnan ko ng masama si Ace."Ikaw! anong klaseng tao ka? anong klaseng kaibigan ka? Oo, hindi mo nga sinasaktan yong tao, pero kinokonsenti at hinahayaan mo naman yong mga kaibigan mong apihin ang taong walang kalaban-laban!" hindi sya umimik. Tiningnan ko silang lahat.
"Ano nalang kaya ang mararamdaman nang mga magulang ninyu kapag nalaman nila na ang mga anak nilang pinapaaral sa isang mamahaling university ay mga basagulero!" Hindi sila umimik. Nagpatuloy lang ako sa pagsasalita
"Hindi na kayo nahiya! ang tatanda nyo na, mga bully parin kayo! daig nyo pa ang mga high school student.""bumalik ka nalang sa classroom mo wag ka nang makialam dito." sabi ni Ace sakin.
"babalik naman talaga ako don eh,pero bago yon dadaan muna ako ng guidance office. kailangan nyong madisiplina." sabi ko
"Ang lakas din ng loob mo ano! baka nakakalimutan mong bagong lipat ka lang dito! At wala pang ni isang naglakas loob na isumbong kami." sabi ni Alexander.
"Kung ganon, ako pa pala ang unang makakapagsumbong. At ano naman kung transferee ako? Akala mo natatakot ako sa inyu?" tiningnan ko sya ng masama.
"Aba.. palaban ka talaga ha.." sabi ni Jasper
"Tama na. hayaan nalang natin sya." sabi ni Ace at nauna nang umalis.
Tiningnan ni Jasper yong lalaki saka nagsalita.
"Pasalamat ka,may naawa pa sayo. sa susunod na kalabanin mo kami,sisiguraduhin naming hindi kana makakaligtas at wala nang mangingialam na iba." tumingin sya sakin. Pagkatapos umalis na rin silang tatlo."Salamat ha. Hindi mo na dapat ginawa yon. Paano kung ikaw naman yong saktan nila." sabi sakin nong lalaki
"Subukan lang nila. Siguradong sa imburnal sila pupulotin.. talaga bang binuhusan mo ng tubig si Ace?bakit mo naman ginawa yon?"tanong ko sa kanya
"Hindi ko naman sinasadyang tapunan ng tubig si Ace eh, nagtatakbuhan kasi sila nong nagkasalubong kami sa cafeteria at natabig ni Jasper ang kamay ko kaya natapon ang tubig ko at nabasa si Ace."
"Ganon ba." ngumiti nalang ako sa kanya "sige na,bumalik ka na sa classroom mo, at sa susunod pag ginulo ka nila ulit,wag mo nalang patulan.Kulang lang sa aruga ang mga yon." Ngumiti sya sakin at nagpasalamat ulit.
Hindi na ako pumunta ng library, dumiritso na ako sa guidance office. Akala siguro nila nagbibiro lang ako. Pwes,ngayon malalaman nilang hindi ako joker. Pagkatapos kong sabihin yong issue sa guidance councilor, bumalik na ako sa classroom namin. Sakto namang nag ring ang bell.
Pagkaupo ko tinanong agad ako ni Aika."san ka galing? kanina pa kita hinahanap." tanong nya. Kweninto ko nalang sa kanya ang nangyari at halos hindi sya makapaniwala.
"grabi ka girl! hindi ka man lang ba natakot sa kanila? kaya pala bigla ka nalang nawala dito dahil may sinave ka. wow naman superwoman! or should I say, ninja?" sabi nya saka tumawa. Natawa nalang din ako.
"Dati talaga akong ninja." seryusong sagot ko
"ito naman! ang seryuso!nagbibiro lang ako." tapos tumawa sya.
"totoo naman talaga eh. Lagi akong tumatakas sa bahay dati. kaya naging ninja ako." bahagya akong natawa. at naalala ko na naman sya.
"bakit ka naman tumatakas.?" tanong ni Aika. Ngumite ako sa kanya
"Wala. Wag mo nalang isipin yon." sabi ko. Hindi na rin sya nangulit dahil pumasok na rin yong prof. namin.
Hindi na naman ako makapagfocus sa discussion. Nag o-overthink na naman ako! Preoccupied na naman ang utak ko. At lahat yon dahil kay Alvis. Bakit kasi binanggit pa ni Aika ang salitang ninja eh. Naalala ko na naman tuloy yong mga panahong tinatawag namin ang mga sarili naming ninja. Ninja si Alvis dahil palagi nya akong tinitext ng palihim dahil bawal sa Seminaryo, naging ninja rin ako dahil tumatakas ako sa bahay tuwing home visit nila para makipagkita sa kanya.
HAHA nakakatawa!Naramdaman kong parang bumibigat na naman ang dibdib ko. Hinawakan ko ang bandang puso ko,at hinagod-hagod. Bumuntong hininga ako pagkatapos tumingin sa labas, iksakto namang dumaan si Ace, nagkatinginan kaming dalawa sa mata. Naramdaman ko nalang ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Hindi ko rin maintindihan minsan si Ace. Pabago bago ng emosyong pinapakita ang mga mata nya. Pero ang mas hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla-bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing magkakatinginan kami sa mata.
Sino ka ba Ace? Bakit ganito ang epekto mo sakin?

BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...