CHAPTER 8

5 2 0
                                    

"Bes!ayaw mo ba talagang umattend ng PYD?" tanong ulit ni Jane. Kanina pa kami nandito sa veranda namin,at kanina nya pa ako kinukulit tungkol sa PYD na gaganapin na bukas.

"alam mo na ang sagot ko dyan bes."

"hindi ka ba manghihinayang nyan?bes alam mo subrang naninibago na talaga ako sayo." hindi nalang ako nagsalita.Kahit ako rin naman eh,di ko na kilala ang sarili ko.

"pano yan. pano pag nagtanong sina ate Enna,anong isasagot ko?" tanong niya

"sabihin mo nalang may sakit ako."

"ano ba yan!tinuturuan mo naman akong magsinungaling nyan eh."

"edi wag mo nalang sagutin pag tinanong ka. deadmahin mo nalang."

"bes naman eh."

"Sige na. maggagabi na, mag enjoy ka nalang bukas."

"pano namn ako maeenjoy eh wala ka!"

"asoss as if naman walang kang ibang kaibigan. Sige na baka hinahanap ka na sa inyu."

"ayaw mo lang talaga akong kausap eh. sige na nga uuwi na ako!pero sana magbago pa yang isip mo.Pumunta ka nalang kasi bes.Isipin mo nalang despidida party mo yon para sa pag alis mo sa susunod na mga araw." biglang lumungkot ang mukha niya.
Niyakap ko nalang sya.

"sige na bes. mag iingat ka" ngumite ako sa kanya. pagkatapos nagpaalam na rin sya kina mama.

Pasensya na Jane. hindi na talaga magbabago ang isip ko.Di pa kasi ako handa na makita sya. Hindi. Ayoko na syang makita pa. kahit kailan!
Umakyat na ako sa kwarto ko. Mag aayos nalang ako ng mga gamit ko. Meyerkules ngayon at may limang araw pa ako bago pumunta ng Maynila pero pakiramdam ko ang tagal pa non kaya nagpa resched. nalang ako ng flight. Imbes na sa Lunes pa yong flight ko pina move ko nang Byernes.

Noong una ayaw kong umalis dito. Ayaw kong lumipat ng ibang unibersidad. Pero ngayon, gustong gusto ko na! atat na akong lisanin ang buong lugar na toh. At hindi ko alam kong babalik pa ba ako!

Habang iniimpaki ko yong mga damit ko,nakita ko ang isang photo album sa ilalim ng mga damit ko sa loob ng cabinet. Hindi lang ito isang simpleng photo album lang.Dahil laman nito ang mga masasayang alaala namin ng lalaking yon.Andito lahat ng picture namin,simula nong nasa highschool palang kami at magkaibigan pa kami hanggang sa naging kami. Inisa isa kong tingnan ang mga larawan namin. Kitang kita pa sa mga mata namin na masayang masaya kami. Kailan pa kaya ulit ako makakangite ng walang halong pait? hindi na siguro mangyayari yon!
Bigla namang nahulog ang isang picture niya. Ito yong picture nya na nakasakay sya sa motor nya na naka complete gear, natawa naman ako nong maalala kong kinuha ko lang pala toh sa mga photos nya sa Instagram at pinadevelop ko, napakagwapo at napaka astig nya kasing tignan.

Sa unang pagkakataon mula nong araw na naghiwalay kami, nakaramdam ulit ako ng subrang sakit. Habang nakatitig sa larawan namin nong nag 1st anniversary kami. Kumain kami non sa isang resto  malapit sa unibersidad na pinapasokan ko na kalapit lang din ng Seminaryo,timing din kasing wala kaming pasok at free afternoon nila non,isinama pa namin si Jane non,para hindi kami masyadong obvious. Si Jane lang yong taga kuha ng picture namin. Inedit nya pa ang picture bago nya pinadevelop at binigay sakin. Itong ibang pictures naman, kuha to nong nag outing kami ng mga kasama ko sa church. puro mga stolen nga to eh,hindi naman kasi kami pwedeng magpahalata sa mga kasama namin.as usual si Jane parin yong photographer namin. Nong time na yon,free pa akong nakakagala kasi hindi pa nila alam ni papa ang relasyon namin ni Alvis.

Itong isang picture naman, 2nd anniversary namin toh. nagcelebrate kami ng kaming dalawa lang. don sa may tagpuan namin. Actually late celebration na to kasi nong eksaktong araw na anniversary namin,nasa loob pa sya ng Seminaryo non. bumawi nalang sya nong home visit nila. Bumili sya ng dalawang cake at lahat ng paborito kong pagkain, Yong anniversary gift ko sa kanya ay relo. Yong binigay naman nya sakin ay kwentas na may pendant na infinity. Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko, naalala ko yong sinabi nya noon tungkol sa kwentas na yon.

"wow love!ang ganda ganda naman nito." hindi ko na napigilan na yakapin sya sa subrang saya ko. Pagkatapos tiningnan nya ako sa mata habang nagsasalita

"Alam mo ba, yang kwentas na yan ang simbolo ng pagmamahal ko sayo, walang hanggan. Kahit paglayuin man tayo ng tadhana,mananatili ka parin sa puso ko habang buhay kahit hindi na ako yong mahal mo." saka hinawakan nya yong pisngi ko

"Hindi mangyayari yon. hindi tayo magkakalayo at mas lalong hindi ako magmamahal ng iba." sabi ko at ngumiti lang sya sakin tapos hinalikan nya ako sa noo

Hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko. Ayoko na!ayoko nang umiyak at magmukhang kaawa awa! Tumingala ako para pigilan ang mga luha ko pero kahit anong gawin ko kusa paring tumutulo ang mga luha ko. Pagkatapos ng araw na yon,akala ko wala na akong iluluha pa,akala ko hindi ko na mararamdaman ang sakit.
Pilit ko nalang pinapakalma ang sarili ko. Kasi sa mga sitwasyong ganito, sarili mo lang talaga ang maaasahan mo. Sa wakas nakaramdam na rin ng pagod ang mga mata ko,unti unti nang tumitigil sa pagpatak ang mga luha ko. Nahiga nalang ako sa kama ko at tumitig sa kawalan. Tama na!Ayoko na nang ganitong pakiramdam.

Nagising ako dahil naramdaman kong bumukas ang pinto ng kwarto ko at may pumasok, nagkunwari nalang akong natutulog pa rin. May narinig akong parang may nilapag na tray sa lamisa ko at sandali syang tumigil na para bang may tinitingnan. Yong mga pictures namin ni Alvis!! nakalimutan ko palang ligpitin kanina. Maya maya pa lumapit sya sakin at hinagod ng bahagya ang buhok ko at di ko inaasahang magsasalita sya.

"Maxine,anak..patawad."
"hindi man lang kita madamayan ngayon, ni hindi nga kita matingnan nang diritso dahil alam kong malaki ang kasalanan ko sayo.Na realize kong halos kinuhunan na pala kita ng kalayaan.I'm sorry anak. hindi ko naisip na magkakaganito ka dahil sa pag ibig mo kay Alvis. Sana hindi nalang kita pinagbawalan. Sana hindi ko nalang kayo hinadlangan. Patawad,alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nag iiba ka na ngayon.I'm really sorry Maxine. mahal na mahal ka parin ni papa. at mis ko na ang dating Rhiana Maxine." dinig na dinig ko ang paghingos nya. Umiiyak si papa. Naramdaman ko nalang lumabas na sya at sinarado nya ang pinto.

Minulat ko ang mga mata ko,nakita ko yong tray na may pagkain sa lamisa ko. tiningnan ko yong oras, lagpas alas dyes na pala ng gabi hindi ko man lang namalayan ang oras. Nakatulala ako ngayon habang inaalala ang mga sinabi kanina ni papa.

"papa, wala kang kasalanan. Ako dapat ang humingi ng tawad. I'm sorry, papa."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon