Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ko man lang namalayan na dalawang buwan nalang pala magtatapos na naman ang klase. Nakakainggit yong mga ga-graduate na. And at the same time, nakakalungkot din, kasi isa sa mga ga-graduate si Ace.
Sa paglipas ng mga buwan, naging mas malapit pa kami sa isa't isa. Hindi parin sya tumitigil sa panliligaw sakin kahit na ilang beses na syang nasaktan dahil tuwing magkasama kami hindi ko maiwasang isipin si Alvis, at tuwing naiisip ko sya bigla nalang akong nawawala sa mood. Kahit hindi nya sabihin o ipakita sakin, alam ko at nararamdaman kong nasasaktan siya.
Aaminin kong may espesyal na akong nararamdaman para kay Ace. Gusto ko na siya. Pero hindi katulad ng pagkagusto ko kay Alvis. Mas mabigat parin talaga si Alvis sa puso ko. Hindi ko na nararamdaman ang sakit ng kahapon pero nandito parin si Alvis sa puso ko. Hindi ko alam kung mahal ko pa ba sya pero may parte parin talaga sya sa puso ko. Tanggap ko na lahat. at masaya na ako, sadyang hindi pa talaga ako handang pumasok ulit sa isang relasyon.
Natigil ako sa pag iisip nang biglang tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad siya. Subrang mis ko na ang tukmol na to.
"hello my dear sister!"
"hello tukmol kong kuya!" sabi ko at sabay kaming tumawa ni kuya Iuhence
"kamusta ka na dyan, pasensya na ngayon lang ulit ako nakatawag, subrang busy kasi sa school eh. Ang dami naming preparations na ginawa para sa graduation namin."
"Okay lang naman kuya. Oo nga pala, congratulations in advance!! sa wakas ga-graduate ka na rin!so happy for you bro." masayang sambit ko
"Saka na ako mag t-thank you kapag nandito kana." sabi niya. Bigla naman akong nalungkot.
"kuya..hindi kasi ako sure kung makakauwi ako sa graduation mo eh."
"Maxine naman! Big day ko yon! gusto ko buo tayong pamilya sa araw na yon! Ano ba kasing dahilan mo at ayaw mong umuwi?"
"Hindi naman sa ayaw kong umuwi. Parang hindi pa kasi ako handa eh."
"Hindi handa saan? hindi handang makita si Alvis? hindi ka pa rin ba nakakamove on? mahigit isang taon na ang lumipas, Max."
"kuya! nakamove on na ako,okay?"
"Yon naman pala eh. Wala kang rason para hindi umuwi, uuwi nga sina kuya Richard at Russel eh, ikaw pa ba? at tsaka, hindi na rin naman kayo magkikita ni Alvis!Wala na sya dito. Ang alam ko pinuntahan ni Alvis ang papa at kapatid niya.Hindi ko nga lang alam kung saan."
"Paanong pinuntahan? nagbabakasyon lang ba sya doon?"
"Max, Hindi nagpatuloy si Alvis sa Theology at wala na sya sa Seminaryo." Natigilan ako sa sinabi ni kuya. Parang hindi mag sink in sa utak ko ang nalaman ko! Paanong hindi? bakit hindi sya nagpatuloy?
"Parang hindi naman totoo yan kuya. Bakit naman sya hihinto, pangarap nya yon eh. Mahal nya yon!pinili nya yon kaya ano pang rason nya para tumigil at lumabas ng Seminaryo. Hindi totoo yan kuya!"
"Si Fr.Ricky mismo ang nagsabi, nabanggit nya yon nong bumisita sya dito satin." Talaga bang hindi nagpatuloy si Alvis sa Theology? bakit naman nya gagawin yon!
Nakatulala lang ako habang iniisip ang mga sinabi ni kuya Iuhence kanina. Pagkatapos namin mag usap parang hindi parin talaga nag si-sink in sa utak ko. Hindi pwede tumigil si Alvis! Masasayang lahat ng pinaghirapan niya. Maraming ma didisappoint! Bakit sya titigil? Pangarap nyang maging pari eh! Mahal nya ang bokasyon nya! Iniwan nya nga ako dahil don tapos ngayon malalaman kong lumabas na sya ng Seminaryo?!
Nasasaktan ako!
Hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko ngayon pero nasasaktan ako! Ngayon pa na natanggap ko na lahat! ngayon pa na masaya na ako para sa kanya! Simula nong natanggap ko na na hindi talaga kami para sa isa't isa palagi ko na syang pinagdadasal. Bakit ngayon pa sya tumigil kung kailan gusto ko na rin syang maging pari!
BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...
