CHAPTER 4

15 4 0
                                        

Talk 2;
"Missionary disciples of the Eucharist."
Speaker; Rev.Fr.Ricky Reyes

Talk 3;
"Blessed are the pure in heart for they shall see God."
Speaker; Rev.Fr.Jobert Mendez

Talk 4;
"VOCATION. The call of God to serve."
Speaker; Most Rev. Ben Arellano

Parang biglang namanhid ang mga kamay ko sa pag tipa ng mabasa ko ikaapat na topiko. Nakatitig lang ako sa screen ng laptop ko habang inisa isa ang mga emosyong pumapasok sakin. Hindi ko alam kung anong mas mabigat,kung ang lungkot ba o ang sakit.Pero may part rin na masaya ako dahil isa sa mga speaker ang aming former Parish Priest na si Fr.Ricky.Ilang taon narin namin syang hindi nakikita dahil malayo ang bago nyang Parokya.
Bigla namang napuno ng mga tanong ang isip ko. Hanggang kailan ako magiging ganito? Hanggang kailan ako makikipaglaban sa konsensya ko? Hanggang kailan ko kakayanin ang ganitong sitwasyon? Makakaya ko bang isuko nalang lahat? Makakaya ko bang iwan ang taong mahal ko? Makakaya ba ng konsensya ko kung ako ang maging dahilan ng paglabas nya at pagkapako ng pangako nya sa kanyang yumaong ina? Alam ko na sa simula palang na hindi magiging madali ang sitwasyon namin. Noong araw na inamin nyang matagal nya na akong mahal, inaamin ko sa sarili kong naging marupok ako dahil inamin ko rin sa kanya ang nararamdaman ko.

Si Alvis ang unang lalaking nagpatibok ng puso ko. Bago ko sya naging kasintahan naging matalik ko syang kaibigan noon. First year high school ako nong una ko syang nakilala at 2nd year naman sya noong dalhin sya dito ni Fr.Ricky. at nasa pangalawang taon na sya sa Seminario nong naging kami. Alam kong mali! mali na pinatulan ko sya!mali na nakipagrelasyon ako sa taong wala namang kasiguradohan.Pero alam ko rin naman na tama itong nararamdaman ko na totoong mahal ko sya. Kahit pa sabihin ng lahat na hindi tama itong ginagawa ko.

Sa hindi malamang kadahilanan mas minahal ko sya ng subra sa mahigit tatlong taon naming relasyon kahit pa palihim kami kung mag usap at patago kung magkita. Sa susunod na pasukan mag ti-Theology na sya.At hindi ko na alam ang susunod na mangyayari.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitipa ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko,kung matutuwa ba ako o malulungkot ng makita ko kung sinong tumatawag.

"Rhian?"

"Yes,Alvis kmusta?"

"okay naman.ikaw? busy ka ba?"

"hindi naman masyado."

"pwede ba tayong magkita?"

"ahmm. ngayon na ba?"

"Oo sana. kung pwede kang lumabas ng bahay nyo."

"s-sige,susubukan ko."

"hihintayin kita don ha."

"ahmm..o-okay sige."

Napabuntong hininga ako pagkatapos namin mag usap. Kailangan ko narin talaga syang makausap,kailangan kong sabihin sa kanya ang plano nila papa. Pero bago ako makalabas ng bahay kakailanganin ko muna ang tulong ni kuya.

"Siguradohin mo lang na babalik ka agad." sabi ni kuya

"Oo.sasabihin ko lang sa kanya ang gusto nila papa."

"makikipaghiwalay ka na ba sa kanya?"

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ni kuya.Nagugulohan parin ako at nahihirapan. Nang hindi ako makatingin kay kuya ginulo nya ang buhok saka binatokan.

"arayyy ko naman kuya!makabatok ka naman parang hindi mo ako kapatid na babae ah!"

"ang seryuso kasi ng mukha mo!Wag kang ganyan!hindi ako sanay!" tumingala sya saka nagplease sign
"Oh Diyos ko!ibalik nyo na po ang bunso naming bungisngis at bully."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon