CHAPTER 6

9 3 0
                                    

"Maxine!ano bang nangyayari sayo anak?may problema ka ba? ano yon?sabihin mo." makailang ulit ko nang narinig ang tanong na yan mula kay mama pati narin kina kuya at Jane.

"Maxine. magsabi ka naman kung ano yon! ilang araw kanang ganyan anak! nag aalala na kami sayo." mangiyak ngiyak na sabi ni mama

"wala po ma. wag nyo na po akong alalahanin."

"anong hwag?! eh ilang araw kanang ganyan. hindi kana lumalabas dito sa kwarto mo. halos hindi kana kumakain.hindi mo na rin iniinom yong mga vitamins mo. Si Jane alalang alala narin sayo dahil di mo raw sinasagot ang mga tawag nya."

"Maxine! ano ba!sabihin mo ano ba talagang problema mo,anak naman eh!"

"ma..sige na po ako napong bahala sa tukmol na yan. wag na po kayung mag alala." sabat ni kuya

"Iuhence! baka mag away lang kayo."

"hindi po ma. akong bahala."

"hay naku Maxine alalang alala narin sayo yong papa mo.!"

"talaga ba ma? si papa nag aalala sakin?" sambit ko saka pagak akong tumawa "baka prank yarn!"
tiningnan ako ng masama ni kuya saka nilapitan si mama

"sige na po ma. ako napong bahala."
tumango lang si mama saka lumabas ng kwarto ko

sinermonan naman agad ako ni kuya pagkalabas ni mama.
"Hoy Rhiana Maxine! bat ganon mo kausapin si mama ha?totoo naman tlagang nag aalala na sayo si papa eh! ano ba!hanggang kailan kaba ganyan!"

"Aisssssh ansakit mo sa tainga!" pagkasabi ko humiga ako patalikod sa kanya saka tinakpan ko ng unan ang tainga ko. Pero kinuha ni kuya yung unan saka hinampas sakin

"araaay ko naman kuya eh!!"  kahit hindi naman talaga masakit. umupo nalang ako sa kama ko. tiningnan nya ako ng masama

"magsabi ka nga sakin ng totoo,Maxine! anong nangyari nong nagkita kayo ni Alvis? nag away ba kayo?"

"Hindi." walang emosyong sagot ko

"eh bakit ka nagkakaganyan? nagsimula kalang maging ganyan nong pag uwi mo pagkatapos nyong magkita!"

"hindi kami nag away! Naghiwalay na kami! Hiniwalayan na nya ako! mas pinili nya ang bokasyon nya kasi mas mahal daw nya iyon." habang nagsasalita ako wala akong ni isang emosyon na pinakita kay kuya. Natigilan naman sya at hindi agad nakapagsalita,tinitigan nya lang ako na parang inaalam kung anong emosyon mayron ako. Tiningan ko si kuya saka nagsalita ulit.

"sige nga kuya. sabihin mo to kay papa  tapos saka mo sabihin na nag aalala sya sakin! ito naman ang gusto nya dba?ito ang gusto nnyung lahat!na iwanan ko si Alvis!Oo na. wala na kami! iniwan na ako ni Alvis! so ngayon bakit kayo mag aalala sakin eh ito naman ang gusto nnyung mangyari!." saka ako tumawa ng may halong pait.

"Maxine!hindi namin gusto na magkaganyan ka! Oo inaamin ko natuwa ako sa desisyon mong iwan si Alvis kasi yon naman talaga ang tam--"
"hindi ako yong nang iwan!ako yong iniwan!so ayan pwede na kayong matuwa!" pagputol ko sa sasabihin nya

Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Yung desisyon nyung tapusin ang relasyon nnyu ang ikinatutuwa ko kasi yon ang tama! pero ang makita kang nagkakaganyan hindi ako natutuwa.Totoong nag aalala kaming lahat sayo!lalo na ngayon sa kinikilos at pinapakita mo!unti unti ka nang nagbabago Maxine!parang hindi na kita kilala,bunso!"

"gusto kong magpahinga kuya. pagod na ako!" pagkasabi ko humiga ako saka nagtalukbong ng kumot. Wala na syang nagawa pa,sandali syang natahimik akala ko hindi na sya magsasalita pa pero nong palabas na sya may sinabi syang nagpatulo ng luha ko.

"Hwag mo sanang hayaang maging bato ng tuluyan yang puso mo dahil sa sakit na nararamdaman mo ngayon. wag mong kimkimin nang sa gayoy makahinga ka nang maluwag at nang hindi ka maging manhid.Let your emotions run free Maxine, nandito naman ako eh, pwede mong sabihin sakin lahat, nakahanda akong makinig, kuya mo ako pwede mo akong sandalan sa lahat ng oras." pagkatapos sinarado nya yong pinto

Nararamdaman kong unti unti na namang dumadaloy ang luha ko. ito ang unang beses na umiyak ako ulit pagkatapos nong araw na naghiwalay kami. akala ko wala na akong iluluha pa, akala ko hindi ko na mararamdaman yong sakit pero ito ako, umiiyak na naman! Pero agad kong pinahid ang mga luha ko..Ayoko ko nang umiyak pa! pakiramdam ko unti unti nang nanghihina ang buong katawan ko. Gusto ko namang ilabas lahat ng sakit dito sa puso ko eh pero nakakapagod na.

Nagising ako dahil naramdaman kong parang may humahagod sa buhok ko. pagmulat ko ng mata nakita ko syang umiiyak.
"bes." sambit ko saka bumangon

"bes!!!" niyakap nya agad ako habang umiiyak pa rin.

"hoyy napano ka?bat ka umiiyak?" tanong ko kay Jane

"anong napano?eh ikaw lang namn itong nagpapaiyak sakin ngayon eh.pinag alala mo ako ng subra." tapos niyakap nya ulit ako pagkatapos tiningnan nya ako ng masama

"anong nangyari pagkatapos nyong mag usap ni Alvis?bakit hindi ka bumalik sa bahay!bakit hindi ka nagpaalam na uuwi ka!bakit hindi mo sinasagot ang mga text at tawag ko sayo!ha!tapos tumawag pa sakin si Iuhence sinabi nyang hindi ka na raw lumalabas ng kwarto mo at di kumakain,hindi rin makausap ng matino! alam mo bang pinag alala mo ako ng husto! langya kang babae ka!" pagkatapos pinunasan ko yong luha nya.

"nakipaghiwalay na sakin si Alvis" maikling sagot ko

"what??! as in sya talaga yong nakipaghiwalay sayo?"

"Oo." natawa nalang ako nong kweninto ko sa kanya "para nga akong tanga eh. nagmakaawa ako sa kanya halos na nga lumuhod na ako sa harapan nya para lang di nya ako iwan. pero wala! mas mahal nya daw ang bokasyon nya."
tinitigan lang ako ni Jane na para bang sinusuri kung anong nararamdaman ko habang nagkukwento

"bakit di ka umiiyak?" nagtatakang tanong nya.

natawa naman ako "gusto mo akong umiyak?" natawa ulit ako "nakakapagod na bes. wala na akong maramdamang sakit.alam mo yong nararamdaman ko ngayon? galit! galit ako sa sarili ko! galit ako sa mundo!"
niyakap nya ulit ako at sya yong umiyak.

"diba sabi ko naman sayo, andito lang ako! bakit di mo agad sinabi sakin! edi sana nadamayan kita nong araw na yon. patawad bes."

"bakit ka humihingi ng tawad?"

"kung sana andon ako sa tabi mo pagkatapos nyong mag usap, sana nailabas mo lahat ng sama ng loob at sakit jan sa puso mo. Sana nadamayan kita kaagad. patawad."

"kahit naman ilabas ko lahat,hindi naman na din sya babalik sakin!"

Oo nga't malas ako sa buhay pag ibig pero maswerte naman ako pagdating sa kaibigan at sa pamilya ko.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon