CHAPTER 21

3 1 0
                                    

Seryuso parin ang mukha niya habang nakatitig sakin.
"Anong naaalala?A-anong dapat kong maalala?Ace?" naguguluhang tanong ko

Bigla syang humarap sakin. Tapos ngumite na we-weirdohan na talaga ako sa kanya.
"Tingnan mo yon oh!" sabi niya tapos may tinuro sya na kung ano sa likuran ko kaya napalingon din ako don,paglingon ko..bigla nya nalang inagaw sakin ang ice cream ko at mabilis na naglakad palayo.

"Hoy!Ace!Akin yan!ibalik mo sakin yang ice cream ko!" sigaw ko sa kanya. Pero hindi sya lumingon.

"hoyy!akin na yan!Ang lakas din ng trip mo ha!" sigaw ko at hinabol ko sya. Bigla syang huminto at lumingon sakin

"Salamat sa ice cream!" sigaw niya. Ha? ano bang trip ng lalaking to!

"Ano ba Ace!!ibalik mo sakin yang ice cream ko!" sigaw ko sa kanya. Bigla nalang ako natigilan. deja vu
Unti unti kong naalala ang araw na yon. Yong park sa Tagaytay, yong tindero ng ice cream,yong batang bumangga sakin,yong batang lalaki na umagaw ng ice cream ko noon!

"bata tingnan mo yon oh!" may tinuro sya na kung ano sa likoran ko kaya lumingon naman ako, pagkalingon ko bigla nya nalang kinuha yong hawak kong ice cream saka tumakbo.
"hoyyy!ice cream ko yan!ibalik mo yan sakin!!" sigaw ko sa kanya. Lumingon sya sakin saka sumigaw
"Salamat sa ice cream!"

At yong unang beses na nagkita kami sa park din,no'ng nakita nya akong umiiyak pagkatapos hiningi ang ice cream ko.

"Kakainin mo ba yang ice cream mo o hindi? Pangalawang bili mo na yan ah. Sayang naman kung matutunaw lang,pwede bang akin nalang!"

"sayo nalang. nawalan na ako ng gana eh."

"Salamat sa ice cream!" ngumite sya tapos tumalikod at naglakad na palayo.

Ang batang yon! At si Ace! Si Ace ang batang yon?

"Ano,naaalala mo na ba?" napatingin ako kay Ace habang papalapit sakin. May dala na syang dalawang ice cream.Hindi parin ako makapagsalita

"oh heto,binilhan ulit kita ng bagong ice cream baka kasi umiyak ka eh." saad nya saka inabot sakin

"Ikaw yon? ikaw yong batang lalaki na yon?" parang hindi parin ako makapaniwala

"Mabuti naman naalala mo na." nakangiteng sabi niya saka kumain ng ice cream

"Paano mo naman nalaman na ako yong batang babae na yon?at kailan pa?" tanong ko sa kanya

"Noong unang beses na nakita kitang umiiyak sa park."

"Paano mo naman nalaman na ako nga yong batang babae."

"Nakita kasi kitang bumibili ng ice cream at parang namukhaan agad kita,kaya pagkatapos mong bumili,sinundan kita. Nong nakita na kita sa malapitan,don ko na sigurong ikaw nga yon. Akala ko nga naalala mo rin ako eh."

"Talaga ba. grabi noh! ang liit lang pala talaga ng mundo!" sabi ko "Simula nong bata,bully kana pala talaga!" dagdag ko at binatukan ko siya.

"Arayy!"

"para yan sa ice cream kong inagaw mo!" tumawa lang sya.

"binalikan kaya kita at binilhan ng bago,eh kasu wala ka na. hinanap kita pero hindi na kita nakita pa." sabi niya pagkatapos may kinuha sya sa bulsa niya

"ilang taon kong tinago to. ngayon mababalik ko na sayo to." may binigay sya sakin, nong nakita ko kung ano yon.

"Ang panyo ko!" ito yong nawawalang panyo ko na binigay sakin ng lola ko bago sya nawala sa mundo. Nakabinda parin dito ang pangalan ko.
"Akala ko talaga,nawala na toh."

"Nakita ko yan don sa park. Tinago ko lang baka sakaling magkita pa tayo ulit."

"thank you ha.mahalaga sakin tong panyo na to eh. bigay sakin to ng yamao kong lola."

"Ganon ba." sagot niya

"Pero teka! No'ng first day of school,yong binangga mo ako, alam mo na pala na ako yong batang yon?kaya pala alam mo na ang pangalan ko."

"Oo." sagot nya saka tumawa.

"Kaya pala parang familiar ka sakin!hindi ko lang talaga matandaan.Pero ngayon alam ko na. Na ikaw yong batang umagaw ng ice cream ko!!" sabi ko saka binatukan ko ulit siya

"aray!napaka amazona mo talaga!"

Tumawa lang ako. Tiningnan ko sya, nakatitig na pala sya sakin.
"Oh bakit ganyan ka makatingin,ha?" tanong ko sa kanya

"Simula kasi no'ng araw na unang kitang nakilala, ngayon palang kita nakitang tumawa." Natigilan ako. Napaisip din ako. Oo nga. tama sya ngayon palang ulit ako tumawa ng totoo. Unti-unti ko nang nakakalimutan ang sakit.

"Ace, thank you." seryusong sambit ko.

"Para saan?" tanong nya.

"Thank you kasi..ano.. ahm thank you sa ice cream!" sabi ko saka tumawa sya. Natawa nalang din ako.

Yong totoo?Nagpapasalamat ako kasi napapasaya niya ako sa twing magkasama kami. Kahit hindi pa ako lubusang nakaka move on,pero nararamdaman kong unti-unti nang nawawala ang sakit sa puso ko.
Aaminin ko, paminsan-minsan naaalala ko parin ang mga masasayang alaala namin ni Alvis,at aaminin kong namimis ko sya. Pero hindi na gaya ng dati na kapag naaalala ko sya palaging may kasamang luha. Ngayon wala na. Oo mahal ko parin si Alvis pero hindi na gaya ng dati.

"Rhi-- Maxine!" tawag sakin ni Ace.

"Bakit Ace?" tanong ko sa kanya. Tumitig lang sya sa mga mata ko pagkatapos hinawakan ang mga kamay ko

"Gusto kita, Maxine!"

"Ace!"

"Simula nong unang beses kitang nakitang umiiyak sa park, gusto na kita. Hindi. Mahal na kita."

"A-ano bang pinagsasabi mo."

"Maxine, Sa ngayon hindi ako umaasang magugustohan mo rin ako,pero sana balang araw,magkaron din ako ng puwang sa puso mo."

"Ace,binigla mo naman ako! Ace h-hindi pa ako handa."

"Okay lang Maxine, kaya kong maghintay. Basta payagan mo lang akong mahalin at alagaan ka."

"Pero, Ace. Hindi ko maipapangako sayo na kaya kong suklian ang pagmamahal mo. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pa bang pumasok sa isang relasyon. Masyado na akong nasaktan sa nakaraan ko."

"Hindi ko naman hinihiling na suklian mo ang pagmamahal ko sayo. Sapat na sakin na nasa tabi lang kita palagi, Maxine, I want to make you happy.I want to take care of you. Maxine,hindi kita sasaktan,hindi ako katulad ng ex mo. Kung ano man yong ginawa niya sayo, gago sya! napaka gago niya para saktan ka niya ng subra."

"Wag mo syang husgahan! wala kang alam, Ace!"

"Ganon mo ba sya kamahal na kahit sinaktan ka na niya,pinagtatanggol mo parin sya?"

"Ace,hindi mo alam ang nangyari. Hindi lang naman ako ang nasaktan, alam kong parehas lang kaming nasaktan. Kaya wag mo syang husgahan. Oo iniwan nya ako,at nasaktan ako ng subra pero hindi ako galit sa kanya."

"Napaka swerte niya kung ganon."

"Ace.." hinawakan ko ang kamay niya
"Aaminin ko magaan ang loob ko sayo, pakiramdam ko safe ako at masaya ako kapag ikaw ang kasama ko. Pero hindi pa ako tapos magmahal, hindi pa ako tuluyang magaling. Sana naman maintindihan mo yon."

"Naiintindihan kita Maxine, At kaya kong maghintay kahit gano pa yan katagal hanggang sa tuluyan nang maghilom ang sugat dyan sa puso mo."

"Ace, masasaktan ka lang."

"Okay lang. Nakahanda akong masaktan,
mabuo lang kita."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon