Hindi parin ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon pero hindi ako pwedeng magkamali! Si Alvis talaga ang binatilyong to. Tinitigan ko nang mabuti ang dalawang lalaki na nasa picture at napagtanto kong si Ace din ang isang nasa picture. At magkamukha sila! Si Ace at si Alvis! Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko. Kailangan kong maliwanagan. Subrang gulong gulo na ang isip ko.
Lumapit sya sakin at inakbayan ako habang nakatingin lang kami sa litrato na hawak ko. Pakiramdam ko alam ko na ang sagot sa mga katanungan ko pero gusto ko paring makasigurado, kaya tinanong ko siya.
"S-sino tong nasa picture?"
"Nakababatang kapatid ko." sagot niya bigla ko nalang nabitawan ang picture, mabuti nalang hindi malakas ang pagkakabagsak at hindi nabasag ang frame.
"S-sorry." sabi ko saka kinuha ang picture
"Okay lang." ngumite siya.
"Nakababatang kapatid ko siya, si Alvis." mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngayong nasiguro kong tama nga ang hinala ko. Tumingin sya sakin at ngumite, pero halata sa mga mata nya ang lungkot. Umupo sya sa sofa, bumuntong hininga sya pagkatapos nagsimula nang magkwento."More than 7 years na kaming hindi nagkikita, wala na rin akong balita sa kanya. Nong naghiwalay ang parents namin, nagkahiwalay din kami ni Alvis. Pinapili nila kami noon kung san kami sasama, noong una ayaw naming mamili dahil hindi kami payag na maghiwalay sila. Pero naging mas komplikado ang lahat nong sumugod si mama Lilian sa amin." yumuko sya saglit at nagpatuloy sa pagkwento.
"Kabit sya ng papa ko at nabuntis sya. Nagalit kami ng subra kay papa, lalo na si Alvis. Kaya pinili ni Alvis na sumama kay mama." nakita ko ang unti-unting pagpatak ng luha ni Ace, nilapitan ko sya at hinawakan ang kamay niya."Ace, hindi mo kailangang magkwento. Tama na." mahinahong sambit ko, pinunasan nya ang pisngi nya saka nagsalita
"Gusto ko lang malaman mo ang totoong esturya ng buhay ko, Max." ngumite sya ng bahagya pagkatapos bumuntong hininga.
"Pinili ni Alvis na sumama kay mama. Noong una, gusto ko ring iwan si papa, gusto ko syang kamuhian dahil sa ginawa nya kay mama pero, nagmakaawa sya ng subra sakin,lumuhod sya sa harapan naming tatlo ni mama at ni Alvis habang umiiyak at nagmamakaawang wag namin syang iwan, pero gusto ni mama na panagutan nya ang bata sa sinapuponan ni mama Lilian, nagpaubaya si mama, pinaubaya niya ang sarili nyang asawa. Naunang umalis ng bahay si mama at sinundan sya ni Alvis. Naiwan kaming dalawa ni papa, gusto kong sumunod kina mama pero naawa ako kay papa."
"Kahit anong gawin ko, ama ko parin sya. Isa pa mas malapit ako sa kanya kesa kay mama. Tuluyan nang iniwan ni mama at ni Alvis si papa, umuwi sila ng probinsya at hindi na nagpakita pa. Pinanagutan ni papa si mama Lilian, nagsama sila, at pinilit ako ni papa na tawagin si Lilian na mama. Pero hindi naisilang ni mama Lilian ang bata na sa nasa sinapupunan niya, aksidenteng nadulas sya kaya nalaglag ang bata."
"Huli na rin nong nalaman kong namatay na pala si mama." hindi na napigilan ni Ace na umiyak. Hinagod hagod ko ang likod nya, pati ako umiiyak na rin, ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon. Ni hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Ace. Pinunasan nya ang pisngi niya at nagpatuloy parin sa pagkwento.
"Subrang sakit, Max. ni hindi ko man lang nakita ang tunay kong ina sa huling pagkakataon. Pinadalhan nalang kami ni tito Ricky ng picture ni mama na nakalibing na. Kapatid sya ni papa, isa syang pari. Pareho kaming nasa high school ni Alvis nong mangyari lahat ng yon. 3rd year ako non at mag s-second year na si Alvis nong dinala sya ni mama sa probinsya. Ang huling balita ko lang tungkol kay Alvis ay nong pumasok sya ng Seminaryo, Simula non, nawalan na kami ng komunikasyon sa isa't isa."
Niyakap ko nalang si Ace, pati ako nasasaktan sa mga kwento niya. Subrang sakit. Nasasaktan ako para sa kanilang dalawa.
Subrang bobo ko sa part na hindi ko man lang napansin agad na magkahawig pala talaga sila ni Alvis. At yong family name ni Ace, alam kong Reyes din, pero hindi ko na masyadong binigyang halaga yon kasi alam ko namang napakaraming Reyes sa mundo.

BINABASA MO ANG
Destined to be
General FictionMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...