CHAPTER 10

4 2 0
                                        

"Pa, may pupuntahan lang po ako."
paalam ko kay papa. Hindi ko na inisip kong papayagan nya ba ako o hindi pero kahit naman hindi sya pumayag aalis parin ako. Huling araw ko na to ngayon dito kaya gusto kong sulitin.

Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Sige, basta mag iingat ka lang ha." saka sya ngumiti. Nagulat ako sa reaksyon ni papa, akala ko magtatanong pa sya kung san ako pupunta. "Opo." Nagmano ako sa kanya bago umalis. Nilibot ko ng tingin ang buong bahay, wala sya rito. Nasa PYD na siguro si kuya. Bago pa ako makalabas ng bahay tinawag ako ni mama.

"Maxine, anak pupunta ka ba ng simbahan?" nakangiting tanong ni mama. Halatang masaya si mama, akala nya kasi siguro dadalo ako ng PYD.

"Hindi po, ma. May iba po akong pupuntahan ngayon." Kitang kita ko na unti unting nawawala ang ngiti ni mama. Pero mabilis nya ding binalik ang ngiti nya saka nagsalita.
"Sige, mag iingat ka,anak ha." pagkatapos nagmano ako sa kanya.

Matagal tagal ko naring hindi nagagamit ang bigboss ko. Nakakamiss din mag drive. Kahit magta-tatlong taon na toh, bagong bago parin, ang kintab at amoy bago parin. Regalo toh sakin ni Papa nong 18th birthday ko. Pangarap ko kasi talagang magkaroon ng sariling sasakyan. Naalala ko pang umiiyak ako sa saya non nong buksan ko ang maliit na kahon na binigay sakin ni papa, akala ko kung ano, yon pala susi. Nong nakita ko itoh sa labas ng bahay namin, napatalon ako sa subrang saya. Saktong sakto ang kulay, dark blue, alam na alam talaga ni papa ang mga paborito ko.
Habang nag d-drive ako naalala ko kung bakit bigboss ang tawag ko sa sasakyan ko.

Kaya ko ito tinawag na bigboss dahil kay Captain Lucas Yoo. Song Joong-Ki.
crush ko kasi sya. Nagsimula akong mangarap na magkaroon ng sariling sasakyan nong napanood ko ang episode ng Descendants of the Sun, kung saan sinundo ni Lucas si Dr.Maxine Kang sa labas ng hospital. Napakagwapo at napaka astig ni bigboss,habang nakasandal sa kotse nyang kulay blue at naghihintay sa paglabas ni Doc.Kang. Nong time na yon magkaibigan palang kami ni Alvis. Naalala ko pang nag wish ako na sana magkaroon din ako ng bigboss,nakakainggit kasi si beauty eh.

Yong relasyon nina Lucas at Maxine hindi rin naging madali. Marami din silang pagsubok na hinarap,umabot pa sa punto na naghiwalay sila dahil sa kanilang mga trabaho. Pero kahit ilang ulit pa silang nagkahiwalay, nagkita,at nagkasama parin sila sa kabila ng mga pagsubok. At sa huli silang dalawa parin ang magkasama.
Ang masakit lang, hindi yon nangyayari sa totoong buhay. Oo nagpakasal nga sila,nagkaron ng anak pero nauwi parin sa hiwalayan. Tanging sa mga story at movie lang talaga may happy ending.

Gaya nalang ng nangyari sa amin ni Alvis. Yong relasyon namin hanggang "once upon a time" lang. Walang "happily ever after."

Andito na ako. Bumaba ako ng kotse ko saka kinuha ang beer in can na binili ko kanina sa store na nadaanan ko. Never pa ako nakainom ng beer sa tanang buhay ko. Ngayon palang. Bibili lang sana ako kanina ng energy drink pero mas nakuha ng beer ang atensyon ko kaya bumili ako ng dalawang can saka mga chechirya. Sabi kasi nila nalilimotan mo daw ang mga problema mo pag nakainom ka. Sige nga masubukan nga ito.
Umupo ako sa harap ng kotse ko habang tinatanaw ang mga sasakyan sa ibaba. Medyo bundok itong lugar na to marami ding mga puno kaya hindi ako naiinitan. Masarap ang hangin kahit na medyo may kalamigan. Hindi ito ang tagpuan namin ni Alvis,pero may sentimental value din sakin ang lugar na to. Nong nasa high school palang kami madalas tumambay dito si Alvis ng mag isa. Sinundan ko sya non dito kasi napapansin ko madalas syang wala sa school o sa canteen tuwing lunch. Hanggang sa nagustuhan ko na rin ang lugar na to. At hanggang naging tambayan na rin namin ito,dito na din kami kumakain ng lunch kasama sina Jane at Jay. Pero noong nag college na kami, hindi na kami nakakapunta dito kasi medyo malayo na sa bago naming school.

Dito ako unang niligawan ni Alvis. At dito ko rin sya sinagot, mahigit tatlong buwan din syang naghintay ng sagot ko. Dito namin sinimulan ang lihim naming relasyon na umabot ng tatlong taon. Simula nong araw na sinagot ko sya, ngayon lang ulit ako nakabalik sa lugar na to.
Si Alvis kaya, naalala nya pa kaya ang lugar na to? Nakabalik na kaya sya dito?

Nakaupo at nakasandal ako sa harap ng kotse ko habang nakapikit at ninanamnam ang sariwang hangin kasabay ng unti unting pagpatak ng mga luha ko. Minulat ko ang mga mata ko at kinuha ko sa bulsa ko ang kwintas at ang huling litrato namin ni Alvis. Pinagmasdan ko lang ng maigi ang litratong punong puno pa ng pag ibig. Nag flash back sakin ang lahat ng mga alaala namin. Alaala ka na nga lang talaga. Hanggang alaala nalang!

Binuksan ko ang beer saka buong tapang na ininom. grabi ang pait! Pero wala nang mas papait pa sa nararamdaman ko ngayon.
"Alvis, love. Bakit ganito! Ang sakit sakit! ang hirap hirap tanggapin!!" sambit ko habang umiiyak.

"bakit ang daya ng mundo!! Bakit ang daya ng tadhana! kung sino pa yong taong mahal natin sya pa yong taong hindi pwedeng maging atin! hindi pwedeng angkinin kasi may iba ng nagmamay ari ng puso nya. Ang Dios! bakit? bakit kailangan pang mangyari ang lahat ng to! bakit kailangan kong masaktan ng ganito!" umiiyak na tumingala ako sa langit.

"Masyado na ba akong makasalanan para parusahan mo ako ng ganito? Deserve ko ba talagang masaktan ng subra subra?!" humihikbi parin ako. inubos ko na ang isang can ng beer at binuksan ang isa. Parang nanghinayang tuloy ako na dalawa lang ang binili ko. Ininom ko agad ang beer at mabilis na nangalahati.
Patuloy parin sa pag agos ang mga luha ko. Alam kong sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako iiyak pa. Pero ngayong araw, hahayaan ko muna ang sarili kong umiyak ng umiyak hanggang sa mapagod ang mga mata ko. Ngayong araw lang. Pangako,pagkatapos ng araw na to, wala na akong sasayangin pang luha.

Nakatitig lang ako ngayon sa kawalan. Ang weird lang na nakikita ko ang mukha ni Alvis. Epekto ba ito ng beer o ganito na talaga ako ka baliw sa kanya?
Iinom na sana ulit ako nang may pumigil sa kamay ko. paglingon ko..

"Alvis.."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon