"Maxine, ipagpabukas mo nalang yan, gabi na anak." sabi ni mama
"Pero ma, gusto ko na pong makita si Ace."
"Maxine, kararating mo lang, magpahinga ka muna." saad naman ni papa
"Oo nga bunso. bukas nalang kung gusto mo ihatid pa kita eh." sabat ni kuya Iuhence
Nagbuntong hininga nalang ako saka naupo sa sofa. As if on cue naman, bumuhos ang malakas na ulan. Bukas ko nalang talaga mapupuntahan si Ace.
Pagkatapos naming maghapunan, pumunta na agad ako sa kwarto ko.
Subrang haba ng araw na to! Nakakapagod din talaga. Alas nuebe palang pero inaantok na ako. Sumabay pa ang malakas na ulan, at ang malamig na hangin. Para na akong hinihila ng malambot kong kama."Maxine bilisan mo dyan. Mahuhuli na tayo sa misa." tawag sakin ni mama
"Opo, nandyan na po."
Pagdating namin sa simbahan, nagsisimula na ang misa. Kaya dito nalang ako umupo sa bandang likuran.
Nakangite lang ako habang nakatingin sa kanya at nakikinig sa kanyang homiliya. Tama nga talaga ang naging desisyon ni Alvis. Mas lalo syang gumwapo sa suot nyang sotana at estola."let us offer the sign of peace." sabi ni Fr.Alvis. Bahagya syang yumuko pagkatapos tumingin sakin at ngumite, nag vow din ako at ngumite pabalik sa kanya. Pagkatapos tumingin ako sa kanan. Nagulat ako nong nakita ko si Ace. Humarap sya sakin saka nag vow at ngumite. Yong mga ngite niya, napakatamis. Halata din sa mga mata nya ang saya. Pagkatapos tumingin sya sa katabi nyang babae, mas lalo akong nagulat nong hinalikan nya yong babae sa noo. Hindi ko maaninag ang mukha nong babae, pero pakiramdam ko kilala ko sya.
Bigla akong nagising dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko.
"Max, gising na. tanghali na!" si kuya Iuhence. Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan ang oras, 7AM. tanghali na? only in the Philippines! Kahit na medyo inaantok pa ako bumangon ako saka pumasok sa banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo nagbihis na ako at nag ayos saka bumaba na.Habang nagkakape ako, naalala ko yong panaginip ko. Si Ace may kasamang babae. Hindi ko nakita ang mukha nong kasama nya pero ang lakas ng pakiramdam kong hindi ibang tao yon, pakiramdam ko kilala ko ang babaeng yon. Pero sino?!
Ang tamis ng ngite ni Ace sa panaginip ko. Lalo na nong hinalikan nya yong babae sa noo. Bigla tuloy nanikip ang dibdib ko. Feeling ko nagseselos ako at naiinsecure ako don sa babae.
Hindi! Panaginip lang yon! panaginip lang!
Pagkatapos kong magkape at mag agahan, nagpaalam na ako kina mama. Ihahatid pa sana ako ni kuya Iuhence pero tumanggi ako. Walang bahay sina Alvis dito sa probinsya pero may rest house si Fr.Ricky dito at sigurado akong nandon si Ace.Habang nasa byahe ako, hindi ko maiwasang isipin yong panaginip ko. Pilit kong inalala ang mukha nong babae pero hindi ko talaga matandaan.
Natatanaw ko na ang rest house ni Fr.Ricky, hindi ko alam kung bakit pero bigla nalang akong kinabahan.
Pagdating ko bumaba agad ako ng sasakyan. Mas lalong gumanda ang paligid. Minsan na akong nakapunta dito noon, nong nag birthday si Alvis. That time, magkaibigan palang kami. Humugot ako ng malalim na hininga saka bumuntong hininga pagkatapos kumatok na."Tao po!" nakadalawang katok palang ako ng bumukas ang pinto at bumungad sakin si tito Arnaldo.
"Oh Maxine." halatang nagulat si tito Arnaldo nong nakita nya ako
"good morning po." bati ko sa kanya
"good morning din, halika pasok ka." pagkatapos pumasok na ako.
"bakit ka nga pala naparito, hija?"
"ahmm dadalawin ko po sana si Ace." sagot ko. Pero hindi agad nakapagsalita si tito Arnaldo.
"Tulog pa po ba si Ace?" tanong ko. Pero tinitigan lang ako ni tito Arnaldo pagkatapos nagbuntong hininga sya.
"Wala dito si Ace, hija."
"Nasaan po pala si Ace? Ang sabi po kasi ni tita Lilian, inuwi nyo raw po si Ace dito sa probinsya."
"Oo. pero nasa Seminaryo na si Ace. Hinatid sya don ng tito Ricky nya kahapon."
"Ano pong ginagawa ni Ace sa seminaryo? dinalaw nya po ba si Alvis?" tanong ko. Pero pakiramdam ko alam ko na ang ibig sabihin ni tito Arnaldo, ayaw ko lang tanggapin.
"Hindi hija. Nagpasya si Ace na pumasok ng Seminaryo. Sabi niya baka raw kasi may tawag din sya dahil iniligtas sya ng Dios."
Literal nalang akong natulala dahil sa mga narinig ko. Totoo ba talagang pumasok na ng seminaryo si Ace? Magpapari din ba sya kagaya ni Alvis? Paano naman ako?Bagsak ang mga balikat ko habang palabas ako ng bahay nila. Parang ang hirap parin i-sink in sa utak ko.
Uuwi na sana ako sa bahay nang maisipan kong dumaan sa simbahan.
Nakatulala lang ako habang papasok ng simbahan. Pagkatapos umupo sa pinakaharap at walang ingay na umiiyak.
Pagkatapos kinausap ko ang Dios sa isip ko.Ganito nalang ba ako palagi? Laging naiiwan dahil sa bokasyon? Lord, parang nakapa unfair naman po yata. Ipinaubaya ko na po sa Inyo si Alvis eh, pati ba naman po si Ace? Wala na ba talaga akong pag-asang maging masaya? Lord, ano po ba talaga ang plano Ninyu para sa akin? Buong akala ko po, okay na ang lahat. Akala ko po magiging masaya na ulit ang puso ko. Pero naulit na naman po ngayon ang nangyari noon. History repeat itself?
Pero hindi ko po kayo masisisi, kasi alam ko naman po kung gaano kayo kabuti. Hindi ko na po kakalabanin ang gusto Ninyu, gaya nang ginawa ko dati. Hahayaan ko nalang po Kayong gawin kung anong plano Ninyu para sa amin. Marami na po akong natutunan dahil sa nangyari sa amin ni Alvis noon, isa na don ang magtiwala na may maganda po Kayong plano para sa akin.
Kaya Lord, kung ito man po ang dahilan kung bakit binigyan Nyu nang pangalawang buhay si Ace, bukal sa loob ko pong tatanggapin. Pipilitin ko nalang pong intindihin. Bigyan Nyu nalang po ako ng sapat na lakas para makayanan ko po ang sakit.
Ipinapaubaya ko na po si Ace sa Inyu.

BINABASA MO ANG
Destined to be
Fiksi UmumMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...