CHAPTER 12

3 2 0
                                    

Bago ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako ng simbahan. Pero hindi ako nagpakita sa kanila. Andito lang ako ngayon sa malayo,nakasandal sa kotse ko at nakatanaw sa kanila.. Masayang masaya silang lahat habang nagti-team building sa labas ng simbahan. Hindi ko na naman napigilang umiyak.

Mamimis ko kayong lahat. Lalong lalo kana Jane. Pinagmasdan ko lang silang maigi,kahit papano napapangiti rin ako. Kitang kita ko sina Jane, Jay, Ate Enna, Ate Ress, na abalang abala sa pag ga-guide ng mga bagohang delegates. Pati na rin ang mga kasama ni Alvis na mga Seminarista din, sina Daryl,Jason,at Markus.

"Maxine?" napalingon ako sa tumawag sakin.

"bat ka nandito,diba dapat nandon ka." tanong ko kay Jhea.

"ikaw nga dapat tinatanong ko nyan eh." pagkatapos tumabi sya sakin. "pasandal din sa bigboss mo ha." tumawa sya saka nagtanong. "bat hindi ka nagpakita sa kanila?bat hindi ka dumalo ng PYD,tingnan mo oh ang saya saya nila." hindi ko sinagot ang tanong nya,at binalik ang tingin ko sa mga kabataan na nagti-team building.

"Iniiwasan mo ba si Alvis kaya hindi ka dumalo?" napatingin naman ako sa kanya. ngumiti lang sya sakin tapos nagsalita ulit

"alam ko. alam ko na ang lahat tungkol sa inyu ni Alvis." biglang lumungkot ang mukha nya. Alam kong crush na crush ni Jhea si Alvis. Wala na rin akong ganang mag deny pa kaya tinanong ko nalang sya.

"Pano mo nalaman?"

"hindi ko naman sinasadyang makinig, narinig ko lang talagang nag uusap sina Alvis at Jane tungkol sayo. Pero hindi na ako nagulat nong nalaman ko ang lahat. Noon paman duda na ako sa inyu eh. Sa mga titigan nyo palang ni Alvis, halatang halata na mahal na mahal nyo ang isa't isa."

Ganon ba talaga kami ka in love sa isa't isa na pati ibang tao nakikita yon?
"Noon yon. hindi na ngayon." malungkot kong sabi

"hindi na nga ba?" hindi ko sya sinagot.
"Alam mo,Maxine, ang swerte swerte mo nga eh." tumingin ako sa kanya, seryusong seryuso yong mukha nya habang nagsasalita.
"Ang swerte mo kasi naranasan mo ang pagmamahal at pag aalaga ng isang Alvis Reyes. ang swerte mo kasi ikaw ang mahal nya." natawa sya saglit tapos nagpatuloy sa pagsasalita
"Nakakahiya mang aminin,pero alam mo ba, noon ko pa iniimagine na boyfriend ko yang si Alvis." tumawa ulit sya. Kitang kita ko sa mga mata ni Jhea na gusto nya talaga si Alvis. Hindi na ako nagsalita, hinayaan ko lang sya. kahit kailan talaga ang daldal niya.
"Alam mo ang swerte mo talaga! dati paman nong nasa high school palang tayo naiinggit na ako sayo dahil ang lapit-lapit nyo sa isat isa ni Alvis. Alam mo ba yong nakakatawa at nakakahiyang ginawa ko noon para lang mapansin ni Alvis?" tumawa sya ulit "nagpanggap lang naman akong nahimatay nong dumaan sa harap ko si Alvis para masalo nya ako. eh kaso ang slow nya. hindi nya ako nasalo agad, kaya ayon sumobsob ako sa sahig ang sakit ng katawan ko non." natawa naman ako sa isip ko. grabi nagawa nya yon?

"kaya ang swerte mo talaga,Maxine. kasi wala ka namang ginawa para mapansin ni Alvis pero kusa ka nyang minahal ng subra. how to be you po?" Sabi sakin ni Jhea
Tumawa lang ako ng peke. HAHA pano ba kasi tumawa ng tunay?

"Mahal na mahal ka talaga ni Alvis, sana all."

"Mas mahal nya ang bokasyon niya." sagot ko

"Ganon? nakita ko kasi syang umiiyak nong nag uusap sila ni Jane tungkol sayo. Naawa nga ako sa kanya eh. alam ko rin na nasasaktan ka nang subra ngayon pero naisip ko. mabuti na rin yon. Isipin mo nalang, kung hindi man kayo sa huli,mas mabuting mag pari nalang sya. Para wala nang ibang makakaagaw sa kanya." tumingin ako sa kanya at parang bigla syang nahiya.
"sorry, ang daldal ko."
"okay lang." sagot ko. Maya maya nagpaalam na syang babalik sa simbahan.

Aalis na din sana ako ng bigla kong nakita si Fr.Ricky na papunta sakin.
"Kmusta ka na Rhiana Maxine?" nakangiting bati sakin ni Fr. Noon paman napakamasayahing tao na talaga ni Fr.
lumapit ako sa kanya saka nagmano. Nahiya tuloy ako sa kanya dahil sa itsura ko ngayon. Mugtong mugto na kasi yong mata ko.
"bakit hindi ka sumali sa kanila?" tinutukoy nya yong mga nagti-team building.
"okay na po ako dito. masaya napo akong makita sila kahit sa malayo."

Tinapik ni fr. ang balikat ko.
"Okay lang yan. Time heals. dahan dahanin mo lang." tumingin ako kay fr. mas nauna pa syang sumagot bago ako nakapagtanong
"Oo,alam ko ang lahat sa inyu." saka ngumiti sya.
"Alam kong pareho lang kayo ng pamangkin ko, kunwari okay lang,masaya lang, kunwari matapang at hindi nasasaktan. Pero sa kaloob looban pala,durog na durog na yong puso." nararamdaman ko na naman ang namumuo kong luha.Pero pilit kong pinipigilang hindi umiyak sa harap ni Fr.

"Alam mo,anak. hindi masama na ipakita mo sa ibang tao kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman. Hindi kaduwagan o kahinaan ang pag iyak." ayan tuloy, tuluyan na akong naiyak. Tinapik lang ni fr. ang balikat ko

"Let God heal your broken heart,Isuko mo sa kanya ang lahat.. Hwag mong kimkimin dahil lilikha lamang iyan ng matinding sakit at galit dyan sa puso mo. At hindi makakabuti sayo iyon." tinapik tapik nya uli ang balikat ko "May mas magandang bagay na naghihintay para sa inyung dalawa. Magtiwala ka, may plano ang Dios."

"Pero fr. bakit kailangan pa pong mangyari lahat ng to? bakit kailangan pa po naming masaktan ng ganito?Talaga po bang may maganda syang plano?Nalilito napo ako eh. parang pinapahirapan nya lang po kasi kami."

"Maxine. naiintidihan kita,alam kong nahihirapan at nasasaktan ka pero sana wag mong hayaan ang sarili mong malayo sa Dios. Your pain has a purpose. Life is not easy but God has planned it well for us. for you and for Alvis. Don't stop believing Maxine. Keep your faith stronger and bigger than your pain."

"Maxine, You deserve a man who is willing enough to introduce you to the whole universe!"

"at tandaan mo,anak, ang nagmamahal, nagpaparaya. Free him who seeks freedom. Ipagdasal mo na lamang si Alvis dahil sigurado ako yon din ang ginagawa ni Alvis,pinagdadasal ka rin nya. That is the best form of love, praying for someone that you love." pagkatapos umalis na sya.

Pero sa totoo lang subra akong na touch sa mga sinabi ni Fr. Ricky.

"Patawad po kung ngayon lamang ulit ako nagdasal, patawad kung pinagdudahan ko po kayo..Maging masaya sana palagi si Alvis, naway patnubayan po ninyu sya sa lahat ng kanyang mga gagawin at desisyon. Hwag nyo po syang ipahintulot sa tukso. Handa na po akong pakawalan sya kahit subrang sakit.. Pinapaubaya ko na po si Alvis Inyu."

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon