"Congratulations Rev. Fr.Alvis! Proud na proud ako sayo at masaya ako dahil sa wakas natupad mo na rin ang pangarap mo." hindi ko napigilang maluha habang kausap ko si Alvis.
"Thank you Rhian. Isa ka sa mga naging inspirasyon ko sa loob ng seminaryo." sambit ni Alvis saka hinawakan ang kamay ko.
"You were really DESTINED for the priesthood. You were really into Him. Ngayon nagpapasalamat ako na mas pinili mo ang bokasyon mo." sabi ko habang nakangite
"Para sakin ang desisyon kong magpatuloy ang pinakatama na nangyari sa buhay ko. Salamat sa Panginoon. at salamat sayo, Rhian." sabi ni Alvis saka pinunasan ang luha ko "Wag ka nang umiyak, pumapangit ka eh." natawa naman ako sa sinabi niya pagkatapos may kinuha sya sa bulsa niya at binigay sakin. Hindi ko maiwasan na maluha nang makita ko yon ulit.
"Nasa sayo parin pala ito?"
"Ibinalik mo ito sakin nong araw na nagkita tayo sa lumang tambayan natin, tinago ko lang ito, dahil alam ko darating ang araw na ibibigay ko ulit sayo ang kwentas na to. Rhian, gusto kong suotin mo ulit ito. Naalala mo yong sinabi ko noon tungkol sa kwentas na to?" tumango ako saka tumango habang pinupunasan ang pisngi ko
"Sabi mo noon sakin, simbolo ito ng pagmamahal mo sakin." sagot ko habang patuloy paring umaagos ang mga luha ko
"Na kahit paglayuin man tayo ng tadhana mananatili ka parin sa puso ko kahit na hindi na ako yung mahal mo." Ngumite sya saka pinunasan ang pisngi ko
"Rhian, masaya akong nagkatagpo kayo ng kapatid ko. Palagi ko kayong ipagdadasal. Mahal ko kayong dalawa ni Ace.""Salamat, Alvis. What happened between the two of us before, is a blessings in disguise at habang-buhay kong pasasalamatan ang Dios dahil don." sambit ko
Hindi ko inakala na ganito pala ang mangyayari sa amin ni Alvis. Akala ko noon, hindi ko kayang mawala si Alvis sa buhay ko. Akala ko hindi ko na ulit mararanasan na magmahal ng iba. Akala ko hindi na ulit ako magiging masaya. Pero nagkamali ako. Ngayon ko lang nakita kung gano kaganda ang naging resulta ng paghihiwalay namin noon ni Alvis. Maaaring masakit at mahirap sa simula, pero kapag natutunan mo nang magpatawad at magparaya, magiging madali nalang ang lahat. Maaaring matatagalan ang paghilom ng sugat sa iyong puso, subalit meron at meron paring tao na magpapatibok ulit nito.
It takes a lot of courage to let go of someone dear to you. But sometimes, letting go is the most bravest act.
What happened between me and Alvis is just a proof that endings are the beginning of the beautiful things.Palabas na ako ng simbahan nang mapansin kong wala nang tao sa paligid. Ganon ba katagal ang pag uusap namin ni Fr.Alvis para hindi ko mapansin na nagsiuwian na ang mga tao? ang mga kaibigan ko? sina mama at papa? si Ace? pati ba naman si Ace, umuwi na rin? pambihira naman oh!
Aalis na sana ako ng may tumawag sakin."Maxine!" paglingon ko nakita ko si Jay
"Oh Jay, nandito kapa pala akala ko umuwi ka na rin. Nasan na sina Jane?" hindi sya sumagot sa halip ay ngumite lang sya sakin pagkatapos may inabut na.. rosas?
"Ano yan? para saan yan?" pero hindi parin sya sumasagot, nakalahad parin ang kamay nyang may hawak na isang piraso ng rosas.
"hoyy ano bang trip mo? para sakin ba talaga yan? hindi ko naman birthday ah."
"Hays ano ba yan, tanggapin mo na kasi nangangawit na ang kamay ko eh!" reklamo nya tapos napakamot sa batok niya. Tinanggap ko nalang ang rosas kahit hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos kong tanggapin dumating naman ang pinsan kong si Ben na may dala ring rosas. May nakakalokong ngite ang tukmol kong pinsan habang inaabut sakin ang rosas. tapos dumating naman ang isa ko pang pinsan si Ariel at may binigay din na rosas. Pagkatapos sunod-sunod nang dumating ang mga pinsan ko at kaibigan ko na may dala ring tig isang rosas. Natataka man, pero tinanggap ko nalang yong mga rosas na binibigay nila sakin.
Akala ko wala nang dadating pa pero nagulat ako ng makita ko ang tatlo kong nagga-gwapohang mga kuya. At may dala ring tig isang rosas. Unang nag abut ng rosas si kuya Iuhence tapos si kuya Russel, panghuli si kuya Richard.
"Ano bang trip ninyu ngayon? bakit may mga rosas? hindi naman valentines ah, at mas lalong hindi ko debut. bakit may paganito?" tanong ko sa kanila pero hindi sila sumagot, sa halip ay ngumite lang sila saka ginulo ang buhok ko.
Mas hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Nakita ko si Ace na may dalang bouquet ng rosas habang nakangiteng naglalakad palapit sakin. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko, at pakiramdam ko nag slow mo. ang lahat sa paligid ko. Nang magkalapit na kami sa isa't isa inabut nya sakin ang bouquet.
"P-para saan to?" kinakabahang tanong ko pero ngumite lang sya. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko, nagulat nalang ako ng makita ko sina mama at papa, pati na rin si tito Arnaldo at si Fr. Alvis.
May nagsidatingan ding ibang tao, yung iba kinukuhanan kami ng video."Maxine, alam mo ba nong unang gabi ko sa seminaryo, napanaginipan ko ito, napanaginipan kong nakaluhod daw ako sa harap mo. Pero hindi ko pinansin, kasi yon nga akala ko may tawag din ako. Pero kahit anong pilit ko, hindi ko talaga nakikita ang sarili ko bilang isang pari. Hindi ko nakikita ang sarili kong nagmimisa o nagkakasal, alam mo ba kung saan ko nakikita ang sarili ko? sa tabi mo. Nakikita ko ang sarili kong nasa harap ng altar habang kinakasal sayo. Palagi kong napapanaginipan yon. Doon ko na realize na hindi talaga para sakin ang pagiging pari." nakangite lang sya habang sinasabi sakin yon.
Subrang daming emosyong pumapasok sakin ngayon, ni hindi ko na magawang magsalita, unti-unti na ring namumuo ang mga luha ko. Lalo na nong lumuhod sya sa harap ko at may kinuha na maliit na box sa bulsa nya.Literal nalang akong napanganga tapos tinakpan ko ang bibig ko at hindi ko na napigilang maiyak lalo na nong binuksan nya ang box.
"Maxine, alam kong bago at kasisimula palang ng relasyon natin. Pero alam mo rin na matagal na kitang mahal, diba? Ayoko nang palagpasin ang pagkakataong ito.
"Alam kong hindi ako ang unang naging 'once upon a time' ng puso mo, pero pwede bang ako ang maging 'happily ever after' mo? Rhiana Maxine Madreal,
will you marry me?"Pinunasan ko ang mga luha ko saka tumango.
"Yes, Ace! yes!" sabi ko habang pinipigilan ang luha ko. Pagkatapos sinuot nya ang singsing sa daliri ko saka tumayo at niyakap ako.
Nakita ko naman yong mga taong masaya at nagtitilian. Nakakatuwang isipin na parte din sila ng moment namin ni Ace. At todo support naman ang mga kaibigan namin, lalo na ang mga magulang ko at mga kuya ko na full support sa aming dalawa ni Ace.Minsan sa buhay, kailangan din nating magkamali para matuto. Minsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin.
It might take a day, it might take a year, but what's meant to be will always find its way.
BINABASA MO ANG
Destined to be
Ficción GeneralMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...