"Maxine, kamusta si Russel?" tanong ni kuya Richard, kararating nya lang galing probinsya
"Kuya. sabi nang doctor, stable na daw ang kondisyon ni kuya, kailangan lang ng sapat na pahinga at pagkain."
"Kung kailan tumanda saka pa nagpasaway! kalalaking tao nagpatalo sa problema! pumangit ka sana!" inis na sabi ni kuya Richard
"narinig ko yon, kuya!" napabaling kami kay kuya Russel nang bigla syang nagsalita
"kuya! mabuti naman gising ka na!" sambit ko
"mabuti naman gising ka na, bumangon ka na dyan! langya ka! pinag alala mo kaming lahat!" sabi ni kuya Richard. Tumawa naman si kuya Russel
"talaga kuya, nag alala ka sa gwapo mong kapatid?" nakangiteng tanong ni kuya Russel
"sapakin kaya kita dyan?" sagot ni kuya Richard. Tumawa lang si kuya Russel, natawa nalang rin kami.
Mukhang okay na si kuya, Aalis na ako, nandito narin naman si kuya Richard. Kailangan ko nang puntahan si Ace. Hindi na ako makapaghintay na makita sya.
Pagdating ko ng hospital, dumiritso agad ako sa room 14, nabanggit din kasi sakin ni Alvis na nilipat nadaw si Ace ng kwarto.
Huminga ako ng malalim saka bumuntong hininga bago ko buksan ang pinto. Nandito na ako Ace! Pagkatapos dahan-dahan kong binuksan ang pinto."Sino ka?" tanong sakin nong babae. Laking gulat ko nang nakita kong ibang pasyente na ang nakahiga sa kama.
"Anong kailangan mo, miss?" tanong ulit sakin nong babaeng nagbabantay sa pasyente.
"W-wala. s-sorry, ibang room ang napasukan ko." sabi ko saka lumabas na.
Tiningnan ko yong room number baka nga nagkamali lang ako, pero hindi! sigurado akong ito yong sinabi ni Alvis.
Nasaan si Ace?
Mabilis akong pumunta sa nurse station at nagtanong."Excuse me, nurse. Nilipat po ba ng ibang room yong dating pasyente sa room 14?"
"Sinong pasyente?" tanong naman nong nurse
"Si Ace Reyes po." sagot ko.
"Ahh, na discharge na sya. Kahapon lang." sagot nong nurse.
Nakalabas na pala ng hospital si Ace. Hindi ko man lang sya naabutan dito.
Dali-dali naman akong sumakay ng kotse. Pupuntahan ko si Ace sa bahay nila. Hindi ko na pwedeng palagpasin ang pagkakataong toh. Subrang mis ko na si Ace. Gusto ko na syang makita, gusto ko na syang mayakap.Argh! hinampas ko yong manobela, hindi ko mapigilang mainis dahil sa subrang traffic! Pag minamalas ka nga naman talaga oo! Sinubukan kong tawagan si Ace pero hindi ko sya makontak. Nagpalit ba sya ng number?
Mga dalawang oras din ang hinintay ko bago nakausad ang mga sasakyan. Mabilis akong nagpatakbo papunta kina Ace. Pagdating ko, bumaba agad ako sa kotse pagkatapos nag doorbell. Pero nakailang doorbell na ako wala paring lumalabas sa bahay nila."Tao po! tao po!" sigaw ko saka nagdoorbell ulit.
"Sino ba yan? ang ingay ingay! disturbo sa tulog!" sigaw niya, si tita Lilian ang lumabas. Pagkatapos binuksan ang gate
"Oh, anong ginagawa mo dito?" tanong niya tapos tinaasan ako ng isang kilay. Nakapamaldita talaga!
"Ah, dadalawin ko po sana si Ace."
"Si Ace? wala sya rito!" sagot niya
"Po? pero sabi po nong nurse, nadischarge na raw po si Ace kahapon."
"Oo, na discharge na nga sya. Pero wala sya rito sa bahay!"
"Nasaan po pala si Ace?" tanong ko. Ilang segundo nya din akong tinitigan bago nagsalita
"Nasa probinsya si Ace. Dinala sya don ni Arnaldo kaninang umaga."
"N-nasa probinsya po si Ace?"
"narinig mo diba?"
"sige na, umalis ka na! ang sarap ng tulog ko, ginising mo ako!" pagkasabi niya sinarado nya ang gate.Nasa probinsya si Ace? Pinaglalaroan mo ba ako tadhana?! Pwes hindi ako magpapatalo sayo! Susundan ko si Ace! Minsan na akong naiwan ng taong mahal ko, hindi ko na hahayaang mangyari pa ulit yon. Kung nakikipaglaro sakin ang tadhana, pwes lalaban ako! Si Alvis nga na seminarista, pinaglaban ko dati. Kayang-kaya kong gawin ulit yon, this time si Ace naman ang ipaglalaban ko.
Babalik na sana ako kina kuya Russel nang magtext sakin si kuya Richard na nakauwi na daw sila. Kaya dumiritso na ako sa bahay. Kailangan kong magpaalam sa kanila na uuwi ako ng probinsya. Total bakasyon na rin naman.
"nong nasa probinsya pa tayo, atat na atat kang bumalik dito dahil kay Ace, ngayon naman na nakabalik kana dito, gusto mo na namang umuwi ng probinsya dahil nandon si Ace!" sabi ni kuya Richard. Hindi ako umimik, nagpatuloy lang ako sa pag iimpaki.
"Yong totoo, Maxine. Superhero ka ba?" tanong ni kuya saka humarap ako sa kanya pagkatapos kong mag impaki
"bakit naman kuya?"
"Ang hilig-hilig mong makipaglaban eh."
"kuya! Hindi ako bayani, pero kung kailangan kong ipaglaban yong taong mahal ko, gagawin ko!" sabi ko saka lumabas na ng bahay.
On the spot tong pag uwi ko. Kaya sana may makuha pa akong ticket na ngayon ang flight. Pagdating ko sa airport, bumili agad ako ng ticket, pero kailangan ko pang maghintay ng ilang oras bago makasakay ng eroplano! Pag minamalas ka nga naman! mamayang alas singko pa yong flight ko! Argh! kainis! hindi ko napigilang sabunutan ang sarili ko dahil sa subrang frustration na nararamdaman ko ngayon!
Umupo ako sa waiting area, saka tiningnan ang relo ko, ala una pa! so 4hours pa akong maghihintay dito! Sinusubukan talaga ako ng tadhana ha!
Nakakabagot! sinuot ko nalang ang earphone ko saka nakinig ng music tapos yumuko ako at pinikit ko ang mga mata ko.now playing 'Malay mo tayo' by Tj Monterde
Napapaisip, nananaginip baka sakaling tayo sa huli, ayaw silipin na alanganin nagpapaniwalang di natin masabi, ang plano satin ng tadhana ba't ba parang may pag-asa, klarong wala kaso baka...
malay mo tayo sa dulo hindi natin masabi kung ano nga ba ang kahahantungan, sugal ng pag ibig handa 'kong isuko ang sarili sa daang walang kasiguradohan kasi malay mo tayo.. malay mo tayo...
Sasalubongin, lalanguyin, kung anong lalim bahala na. At kung maulit sakit at pait, guguho'ng langit di alintana...
Ang lungkot naman ng kantang to. Pero gaya nong lyrics, hindi ko masasabi kong ano nga ba talaga ang kahahantungan, pero handa akong tahakin ang daan kahit pa walang kasiguradohan. Dahil umaasa akong kami talaga sa dulo.

BINABASA MO ANG
Destined to be
Narrativa generaleMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...