Literal akong napanganga habang nakatingin sa mga nagliliparang mga ibon. Ang dami nila! at ang gaganda ng kulay.
"Ang ganda at ang saya naman dito sa Tagaytay!" sabi ko habang nililibot ng tingin ang buong paligid. Nakita ko ang nagtitinda ng ice cream at parang bigla akong natakam. Dali dali akong bumalik sa rest house ni kuya at humingi ng barya sa kanila. Pagbalik ko don para bumili,wala na yong manung na nagtitinda ng ice cream."nasan na ba yon!" nilibot ko ng tingin yong buong park.
"ayon sya!" nakita ko sya at agad na lumapit sa kanya pero bago pa ako makalapit,may bumangga saking bata na nagmamadali ring bumili ng ice cream."aray!magdahan dahan ka naman!" saway ko don sa batang lalaki na bumangga sakin.Pero hindi sya nagsalita at tinitigan nya lang ako pagkatapos nauna nang bumili.
"aba,maldito ka ha. hindi man lang humingi ng sorry." bulong ko sa sarili ko saka lumapit sa nagtitinda ng ice cream."Nakuh hijo,kulang tong pera mo." sabi nong tindero don sa batang lalaki
"pero gusto ko nang ice cream!tanggapin nyo nalang po yang bayad ko." sagot nong bata. Aba mapilit ha.
"Pasensya na bata,hindi pwede. dalawang peso lang kasi yan kulang yan."
"sige na po manung!gustong gusto ko nang ice cream!" pamimilit nong bata
"mukha ka namang mayaman eh,bumalik ka nalang muna sa mama mo at padagdagan mo yang pero mo." sabi nong tindero. Nagulat ako nong biglang umiyak yong bata saka mabilis na tumalikod at tumakbo palayo at nabangga na naman nya ako.
Aawayin ko pa sana sya pero nakalayo na sya. Hindi man lang nanghingi ng sorry. hmp!Pagkatapos kong bumili,pumunta ako sa may malaking puno na may bench. Umupo ako don at sisimulan ko na sanang kainin yong ice cream ko nang biglang dumating yong batang lalaki kanina.Lumapit sya sakin saka nagsalita.
"bata tingnan mo yon oh!" may tinuro sya na kung ano sa likoran ko kaya lumingon naman ako, pagkalingon ko bigla nya nalang kinuha yong hawak kong ice cream saka tumakbo.
"hoyyy!ice cream ko yan!ibalik mo yan sakin!!" sigaw ko sa kanya. Lumingon sya sakin saka sumigaw
"salamat sa ice cream!" sigaw nya habang tumatawa saka tumakbo na palayo. Sinubukan ko syang habulin pero nadapa ako.
"arayyyy!" mangiyak ngiyak na napasigaw ako dahil sa sakit.Pagtingin ko dumudugo na yong tuhod ko,mas lalo akong naiyak nong hindi ko na nakita yong bata. Yong ice cream ko!!!
Paika-ika akong naglalakad habang umiiyak na pabalik sa rest house
"Maxine!anong nangyari sayo? bakit ka umiiyak." nag aalalang tanong ni mama"bunso,bakit may sugat ka sa tuhod?nadapa ka? bakit kasi hindi ka nag iingat eh." segunda ni kuya Russel
"Kuya Richard,may malapit ba na clinic dito,kailangang malinis at magamot yong sugat ni Maxine." sabi ni kuya Iuhence
"meron naman,pero parang maliit lang naman yang sugat na yan eh. malayo sa bituka yan.. halika rito bunso,linisin natin yang sugat mo." sagot ni kuya Richard,lumapit naman ako sa kanya. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong naiyak.
"oh bakit?subrang sakit ba?" tanong ni kuya Richard,hindi ako makapagsalita kaya umiling iling nalang ako.
"bakit kasi hindi ka nag iingat. tingnan mo tuloy nagasgasan na yang tuhod mo." sabi ni kuya Russel.
"oh anong nangyari sa prinsesa namin?bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ni papa, kararating nya lang.
"nadapa po siguro yan,umiiyak na yan nong bumalik dito eh." si kuya Russel yung sumagot.
"naku naman. bakit ka naman nadapa,tumakbo ka ba?may kalaro ka ba,anak?" tanong ni mama
"hinabol ko po kasi yong batang lalaki,kaya nadapa ako." sagot ko nang hindi na ako umiiyak. Lahat sila parang natigilan sa sinabi ko.
"batang lalaki? bakit mo sya hinabol?" tanong ni papa
"inagaw nya po kasi yong ice cream ko." sagot ko
"inagaw nya yong ice cream mo?" sabay na tanong ni kuya Iuhence at kuya Russel.
"narinig nyo diba?paulit ulit?" natatawang sabi ni kuya Richard kina kuya Iuhence at Russel.
"kaya pala. so yong ice cream mo pala yong iniiyakan mo,hindi yang sugat mo." dagdag ni kuya Richard
"walang hiya yong batang lalaki na yon ah. bakit nya inagawan ng ice cream ang prinsesa namin." sabi ni kuya Russel saka tumabi sakin at hinagod ang buhok ko.
"Wag ka nang umiyak,ibibili ka nalang ng bagong ice cream ni kuya Richard." dagdag niya.
"oh bakit ako?" angal ni kuya Richard.
"eh kasi ikaw yong mas matanda,ikaw yong pinaka kuya kaya ikaw na bumili,kuya." nakangising sagot ni kuya Russel. Nakita naman naming dahan dahang naglakad si kuya Iuhence pabalik ng kwarto nya.
"uy uy uy san ka pupunta Iuhence?" tanong ni kuya Richard.
"sa kwarto ko,biglang sumakit yong ulo ko eh." palusot niya.
"wag mo akong pinagloloko. bumili ka nang ice cream don,dali!" utos ni kuya
"bakit ako?dba nga ikaw yong pinaka kuya?" aangal pa si kuya Iuhence
"Ako nga kaya bakit nyo ako uutusan?ako yong kuya ninyu! ikaw na bumili don. dalian mo!"
Wala nang nagawa si kuya Iuhence,napakamot nalang sya ng batok nya habang palabas ng bahay.
Teka. Nasaan na yong panyo ko?dito ko lang yon nilagay sa bulsa ko ah.
"oh anong hinahanap mo bunso?" tanong ni kuya Russel"Yong panyo ko po nawawala." sagot ko
"baka nalaglag yon kanina nong nadapa ka." sabi ni kuya Richard
"baka nga po,kailangan ko pong hanapin yon,bigay po yon ni lola sakin at nakabinda po doon ang pangalan ko." tatayo na sana ko pero pinigilan ako ni kuya
"wag na. dito ka nalang, si Russel na ang maghahanap non." sabi ni kuya Richard tapos ngumite kay kuya Russel ng nakakaloko. Napakamot na lamang ng batok si kuya Russel at lumabas ng bahay para hanapin ang panyo ko.
"Hoy Maxine!!!" bigla akong napatingin kay kuya na nasa harapan ko na pala
"oh kuya."
"ano na naman ba yang iniisip mo?kanina pa kita tinatawag parang hindi mo naman ako naririnig. May pangite ngite ka pa jan. na we-weirdohan na ako sayo ha.".natawa naman ako sa sinabi ni kuya Richard.
"Naalala ko lang kasi yong unang beses na nagbakasyon ako dito kuya." Time flies really so fast. parang kailan lang yon nangyari,tandang tanda ko pa yong panahong yon,even though that was 8 years ago.
"Naalala mo yong batang umagaw ng ice cream mo?" natatawang tanong niya.
"Oo. naalala ko rin kung pano nyo ako alagaan.Ang swerte swerte ko pala talaga." nakangiting sabi ko
"sinabi mo pa! san ka pa ba makakahanap ng mga kuya na kagaya namin. Maalaga na nga,ang gagwapo pa. Pero syempre ako yong pinakagwapo." pagmamalaki nya. Natawa naman ako,saka lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya.
"Thank you kuya." sambit ko habang niyayakap sya
"Thank you,because?" tanong nya at natawa naman ako don. si kuya talaga,hindi nahuhuli sa mga trend.
"thank you because hindi nyo ako pinapabayaan." hinagod nya ang buhok ko habang nagsasalita
"Syempre mahal ka namin eh. Kaya sana,ngayong dito kana sa Maynila mag aaral, kalimutan mo na sya. It's time for you to move forward and to make new friends,Maxine. Habang inaalagaan ka namin,sana tulungan mo rin yang sarili mong makalaya na nang tulayan sa sakit na bumabalot sayo ngayon. okay?" Hindi na ako nagsalita pa at ngumite lang ako sa kanya.
Susubukan ko,kuya. Susubukan ko.

BINABASA MO ANG
Destined to be
Fiction généraleMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...