CHAPTER 7

7 3 0
                                    

"Ma..pagod po ako. gusto ko pong magpahinga lang buong araw." pagmamaktul ko

"Maxine naman!Linggo ngayon!sige na bumangon kana jan,maligo kana at mag ayos. malapit nang mag 10am."

"wala po akong ganang lumabas ng bahay ma."

"dalawang linggo kanang ganyan,anak. tulungan mo naman yong sarili mo. Alam kong subra kang nasaktan sa nangyari sa inyo ni Alvis pero,anak naman,wag mong pabayaan ang sarili mo." bigla akong napatingin kay mama

"alam nyo na po?"

tumango sya "sinabi na lahat sakin ng kuya mo. Naiintindihan kong nawawalan ka nang gana,pero wag sanang umabot sa punto na mawalan ka narin ng ganang magdasal at magpasalamat."

"ano namang ipagpapasalamat ko ma?" tumawa ako ng bahagya.

"Maxine!!wag kang ganyan!"

"sige na po ma..baka ma late pa kayo."

"Noong nakaraang linggo hindi ka rin umattend ng misa. Maxine!hanggang kailan ka ba magiging ganyan?" may sasabihin pa sana si mama pero naputol nong dumating si papa.

"oh Maxine. Hindi ka na naman ba magsisimba?"

"wala po akong gana." walang ganang sagot ko

"Walang gana!" ulit ni papa pero may halong pagka sarcastic. "Paano kung ang Dios naman ang mawalan ng gana sayo? ano nalang kayang mangyayari sa buhay mo?!" hindi ko sya kinibo.nagpatuloy parin sya sa pagsasalita

"Umayos ka nga Rhiana! imbes na magpakalugmok ka jan dahil kay Alvis, bakit hindi ka nalang magpasalamat! dahil inilayo ka ng Dios sa maling tao!"

"Kaya nga pa! inilayo nya ako sa maling tao pagkatapos nyang paglapitin ang mga buhay namin ni Alvis! ang galing diba? pinaglapit nya kami tapos paghihiwalayin lang din pala! hindi rin sya paasa noh!"

"Maxine!!!" hindi na napigilan ni papa na sigawan ako.
"Ano bang nangyayari sayo? sinisisi mo ang Dios dahil sa nangyari sa inyu ni Alvis? dahil lang don nagbago ka na?" magsasalita pa sana sya pero inawat na sya ni mama

"Tama na Greg. tama na!bigyan nalang muna natin sya ng sapat na panahon para makapag isip-isip..Halika na!" hindi na nagsalita si papa at nauna nang lumabas.

"Maxine,anak. Alisin mo na lahat ng galit dyan sa puso mo. May mas magandang plano ang Dios para sayo. maghintay ka lang anak. Wag mong hayaang tumigil ang mundo mo, ang bata bata mo pa." mahinahong sambit ni mama,pagkatapos naglakad sya palabas ng kwarto ko,kahit nakatalikod sya kitang kita kong pinunasan nya ang luha nya.

Ilang oras na akong nakahiga dito sa kama ko. Sa totoo lang nakakabagot narin talaga!pero wala naman akong ganang lumabas. Dalawang linggo na nga akong ganito. bumabangon lang pagnaliligo,minsan nga kahit pagligo tinatamad na rin ako.Iwan ko ba! Nawalan na ako ng gana sa lahat ng bagay!Yong pakiramdam na subrang napapagod ka kahit wala ka namang ginagawa!

Naisipan ko nalang mag cellphone. dalawang linggo ko na rin itong hindi na bubuksan.
Gusto kong magbasa ng mga story para kahit papano malibang naman ako.Pero iwan ko ba!Imbes na buksan ko yong Wattpad app ko, yong facebook ko ang nabuksan ko. halos malula ako sa dami ng messages at notifications ko. dalawang linggo lang akong hindi naka online,ang dami ko nang notifs. inuna ko munang tingnan ang mga notif.ko.

Ang daming nag tag sakin!ano ba yan!halos lahat galing kay Jane. Puro mga motivational qoutes yung tinag nya sakin. yong iba hindi ko nalang binasa. Yong iba namang notif. ay yong mga nagpapalit ng DP at yong mga nagbi-birthday. Bakit ba na no-notify ako, mukha ba akong interesado sa kanila!hmp! May isang tao naman ako gustong gustong i stalk. pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.
Habang nag s-scroll nakita ko yong status ni kuya Iuhence. 5days ago.
"Nakakapanibago, wala na akong naaasar dito sa bahay.Miss ka na namin." hindi nya ako tinag o menention pero halata namang ako yon. may mga nag comment pa nga tinatanong kung bakit? kung nasaan daw ba ako? pero hindi sila nireplyan ni kuya.

Nagpalit din pala ng cover photo si Jane. at yong picture naming dalawa yong pinalit nya. Sa picture na yon,totoong totoo pa ang mga ngiti ko. Natawa nalang tuloy ako nong naisip ko lahat ng nangyari.
"Iloveyou bespren. miss na kita." ang caption ni Jane. As usual marami namang nagcomment na halatang nakikichismis lang. tinatanong kung bakit at nasaan na raw ba ako. pero ganon din,wala silang nakuhang reply galing kay Jane. Kunwari concern, pero yung totoo gusto lang malaman para may maichismis sa iba! sos! Wag ako!

Di ko na napigilan ang sarili ko,lumabas talaga ang pagiging stalker ko. Tiningnan ko isa-isa lahat ng nag react sa post na yon ni Jane,umaasang makikita ko ang pangalan nya at kung ano kayang reaction niya. marami kasing nag heart,may nag care at may nag sad. Pero para akong nadismaya nong hindi ko nakita yong pangalan niya sa mga nag react. haha ang babaw ko talaga! Titingnan ko nalang yong wall nya baka sakaling may post sya tungkol sakin. Sinearch ko yong pangalan nya. "Alvis Reyes"

No result found.
No result found.
No result found.
No result found.
Nakailang ulit na akong mag search pero wala talaga. bakit ganon?
binuksan ko rin yong messenger ko baka sakaling may chat sya. Pero halos lahat ng mga messages galing kay Jane, sa mga pinsan ko,at sa mga GC namin. Iniscroll down ko pa yong mga messages,hinanap ko yong pangalan niya. May naging conversation pa kasi kami noong mga nakaraang linggo nong hindi pa kami naghiwalay. Pero kahit anong scroll ko walang Alvis Reyes don. pero may isang nakakuha ng atensyon ko. Walang picture at nakalagay, facebook user. pagkaopen ko nang convo na yon, bigla nalang ako natulala,nakatitig lang ako don.
You can't reply to this conversation.
So that explains everything! Wala na ba talaga akong halaga sa kanya. Pagak akong tumawa. Ayos ka rin Alvis! pagkatapos mo akong iwan, binlock mo pa talaga ako!

Mas lalo na tuloy akong nawalan ng gana. ayoko na ngang mag online!nakakainis! pipindutin ko na sana ang log out ng may bigla akong naisip. Since wala narin lang naman akong dahilan para mag facebook pa. mas mabuting mag Deactivate nalang ako ng mga social media accounts. Isa nalang yong app na meron ako ngayon, yon ay ang Wattpad.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon