CHAPTER 19

3 1 0
                                        

Hindi ko alam kung bakit pinagtitinginan ako ng mga estudyante habang naglalakad ako papunta sa classroom namin. Yong ibang mga babae, nagbubulongan pa.

"Nice one,miss!"  sabi sakin nong lalaking hindi ko kilala.
Hindi ko alam kung pang ilan na syang nagsabi sakin ng ganyan. Yong iba naman,pag nakasalubong ko suma-salute sakin. Ano bang trip nila?

"Girl! mabuti naman nandito kana! Alam mo na ba ang balita?" bungad sakin ni Aika.

"bakit?ano ba yon? Ang we-weird ng mga estudyante sa labas." sabi ko.

"So hindi mo pa pala alam."

"Ano ba kasi yon?"

"Pinarusahan lang naman kasi yong apat na badboys slash heartthrobs ng campus na to. At alam mo ba,sabi ng ibang estudyante, first time daw yon! kasi ngayon palang daw may unang naglakas loob na isumbong sila."

"mabuti naman. Sana magtanda na sila." hindi na ako nagulat sa sinabi ni Aika.

"Alam mo ba, narinig ko kanina yong ibang estudyante na pinag-uusapan ka. hanga raw sila sayo girl! ikaw na talaga!"

"Dapat lang naman talaga sa kanilang maparusahan, para kasi silang mga batang ang hilig-hilig makipag away." sabi ko

"Hindi ka ba natatakot? pano kung gumanti sila sayo?" nakita ko ang pag aalala sa mukha ni Aika.

"Edi gumanti sila! sanay na din naman akong masaktan."

"hugot lang girl? hindi naman ako na inform na hugotera karin pala." sabi nya sabay tawa.

Ano kayang klaseng parusa ang pinataw sa kanila? Kung ano man yon, deserve nila yon! o baka nga kulang pa!

Pagkatapos ng klase namin, nag aya na agad si Aika na pumunta ng cafeteria, pero pinauna ko lang sya,kasama naman niya si Charrie, susunod nalang ako. May pupuntahan lang muna ako.

"Ibang klaseng babae talaga yang Maxine na yan!" narinig kong sabi ni Jasper, nasa labas lang ako ng cr ng mga lalaki. Nalaman kong pinaglinis sila dito. Buti nga sa kanila!

"Sinabi mo pa! ni hindi ko man lang nakitaan ng takot!akala ko nagbibiro lang sya." segunda ni Alex.

"Hoooh! sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakapaglinis, at sa cr pa talaga! kakadiri! parang ayoko nang kumain buong araw!" sabi Rommel.

"Ano, Ace kaya pa?" tanong ni Jasper

"As if naman may choice pa ako!" sagot nya.

"Alam mo, napapansin kong parang mas ikaw pa yong takot kay Maxine." sabi ni Jasper

"Oo,nga pare!" sabay na sabi nina Alex at Rommel.

"ba't naman ako matatakot sa babaeng yon. Nagtatapang-tapangan lang naman yon!pero ang totoo,iyakin yon!" sabi ni Ace.

"kung magsalita ka jan,parang kilala mo na talaga yang Maxine na yan ah." saad ni Alex.

"bilisan na nga lang natin para matapos na tayo dito. Diring diri na ako." sabi ni Ace

Paano naman nasabi ni Ace na iyakin ako! Manghuhula ba sya?
Umalis na ako sa lugar na yon bago pa nila ako makita. Sana magtanda na sila nang wala na silang mabubully pa! Akala ko sa high school lang may mga bully, meron din pala sa college. Mga kulang sa aruga!!

Naisipan kong pumunta sa likod ng school, hindi pa naman ako nagugutom kaya mamaya nalang ako kakain. Gusto ko munang mapag isa. Dinadalaw na naman kasi ako ng lungkot.
Mabuti nalang walang tao dito. Lumapit ako sa may malaking puno na may bench, umupo ako at ninamnam ang hangin kahit hindi katulad ng hangin sa probinsya na nakakapagpagaan ng loob, okay na rin ito. Subrang na ho-homesick na talaga ako. Hindi na rin kami masyadong nag uusap ni Jane kasi busy na rin sya sa school.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon