"Kuya! tumayo ka nga dyan!" pilit kong tinatayo si kuya sa pagkakahiga nya sa sahig. Nandito ako ngayon sa isang bar. Sinundo ko si kuya Russel pagkatapos akong tawagan ng waiter kanina gamit ang cellphone ni kuya, kagabe pa raw si kuya naglalasing dito
"hin di! a lak pa! gus to ko pang u mi nom!"
"umuwi na tayo kuya! tama na yan!"
Pero nagpupumilit parin syang ubusin ang isang bote ng alak. Napakarami na nang naubos ni kuya, nagkalat na ang mga bote sa sahig.
Mabuti nalang tinulungan ako nong waiter, inalalayan namin si kuya palabas ng bar at papasok sa kotse."Salamat po." sabi ko don sa waiter, tumango lang sya saka ngumite
"Isusumbong talaga kita kina papa at kuya Richard!" sabi ko kay kuya habang nagdadrive ako. Nilingon ko sya, tulog na pala ang tukmol!
Sa kanilang tatlo ni kuya Richard, kuya Russel at kuya Iuhence, si kuya Russel ang hindi mahilig sa mga babae o sa pakikipagrelasyon. Kaya subrang naninibago ako ngayon kay kuya Russel. Ibang klase din pala ma inlove ang tukmol na to. Pero I feel you kuya Russel.
Yong feeling na minsan ka na nga lang magkagusto, mabibigo ka pa.
Ilang maling tao pa ba ang kailangan, bago mapunta sa tamang tao? Hirap mo ring espelingin tadhana eh noh!"Kuya! hoy kuya! gising na!"
sabi ko habang niyuyogyog ko sya."hmm, bakit?" sabi nya habang nakapikit parin
"anong bakit? kuya mag aalas tres na!hindi ka pa nakapag agahan, hindi kapa nakapagtanghalian! ano buong araw ka nalang ba dyan magmumokmok?" sermon ko sa kanya pero hindi man lang sya umimik.
"kuya naman! magkakasakit ka nyan eh! kumain ka muna!"
"wala akong gana. sige na pumunta ka na nang hospital, si Ace ang bantayan mo dahil yon ang may sakit, hindi ako!"
"Sa tingin mo maaatim kong iwan ka dito ng mag isa? sa ganyang kalagayan? kuya naman! babae lang yan! wag mong gawing miserable ang buhay mo! Ang dami dami pang iba dyan oh!"
"Marami ngang iba, pero hindi sya basta babae lang, Max. iba si Jessa!" sabi nya saka bumangon at umupo sa kama niya.
lumapit ako sa kanya at umupo rin."kuya..I've been there! alam mo yon. Pero diba nalagpasan ko, hindi talaga madali sa umpisa, subrang hirap, subrang sakit. Pero kuya, hindi pwedeng tumigil ang buhay natin dahil lang sa isang tao. Kuya, cheer up! malakas ka diba? si Russel lang ang malakas!" tiningnan ako ni kuya saka bahagyang ngumite tapos ginulo ang buhok ko
"the best ka talaga, bunso." sabi niya saka nagbuntong hininga
"Pero ang sakit lang kasi talaga. Si Jessa ang kauna unahang babae na minahal ko, kaya ang hirap tanggapin na pinagpalit nya lang ako sa iba.""Naalala ko yong sinabi ni Fr. Ricky sakin dati, Ang totoong nagmamahal, nagpaparaya. Alam ko kung gano kahirap ang magparaya, pero kailangan! Mahirap gawin, pero kailangang tanggapin! Hindi lang para sa taong mahal mo, kundi para narin sa sarili mo. Kuya, kailangan mong maging matatag. May mas magandang plano ang Dios para sayo." sabi ko saka ngumite.
"Ikaw na talaga, bunso. ikaw na talaga ang love guro." sabi ni kuya saka ginulo ulit ang buhok ko
Hindi ko inexpect na maipapayo ko rin pala ang ipinayo nila sa akin dati. Ngayon ko lang na realize, ang dami ko palang natutunan sa nangyari samin noon ni Alvis.
Speaking of. Naalala ko si Ace, tatlong araw na akong hindi nakakadalaw sa kanya sa hospital dahil hindi ko maiwan si kuya Russel sa condo niya. Wala kasing ibang mag aasikaso sa kanya dahil nasa probinsya parin sina kuya Richard.
Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Alvis, pero nagulat ako ng makita kong naka 6 missed calls na pala sya, tapos may 1 message, binasa ko yung text niya"Rhian. pumunta ka na ng hospital gising na si Ace! Tsaka, babalik na din ako ngayon ng Seminaryo. Subrang saya ko dahil nagising na ang kapatid ko. Masaya din akong naibalik na natin ang dati nating pagkakaibigan. Rhian, mahalin mo si Ace higit pa sa pagmamahal mo sakin dati. palagi ko kayong ipagdadasal. Ipagdasal mo rin ako, ha. Mahal kita Rhian. Mahal ko kayong dalawa ni Ace."
Hindi ko napigilang maiyak, hindi ko lang talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Gising na ang lalaking mahal ko at babalik na din ng seminaryo ang lalaking minsan ko nang minahal. Subrang saya ko! Unti-unti ko nang nakikita ang magandang plano ng Dios para sa amin.Dali-dali kong kinuha ang susi ng kotse saka pumunta sa kwarto ni kuya Russel para magpaalam. Pero laking gulat ko nalang nang nakita ko si kuya na nakahandusay sa sahig at walang malay.
"Kuya! k-kuya! kuya gumising ka!" mangiyakyak na ako habang niyuyogyog siya. Lumabas ako para humingi ng tulong
"tulonggg!!" sigaw ko. Nilapitan agad ako ng guard. Mabilis naman na sumunod sakin yong guard pabalik sa kwarto ni kuya.Mabilis naming naitakbo si kuya Russel sa pinakamalapit na hospital. Mabuti nalang tinulungan ako nong guard. Sabi nong doctor stable na daw ang kondisyon ni kuya. Kailangan lang ng sapat na pahinga at pagkain.
Naging pabaya kasi si kuya sa sarili niya nitong mga nakaraang linggo."Ok Maxine, ngayon din babalik na kami dyan." sabi ni kuya Richard sa kabilang linya. Pagkatapos kong tawagan si kuya Richard, tinawagan ko naman si Alvis, pero cannot be reach na sya. Nasa seminaryo na siguro siya. Sinubukan ko namang tawagan ang number ni Ace, pero hindi ko rin makontak.
Gustong gusto ko nang puntahan si Ace, pero hindi ko pa pwedeng iwan si kuya Russel hanggat wala pa sina kuya Richard.
Speaking of. biglang tumunog ang phone ko si kuya Richard tumatawag."Kuya? nasa airport na ba kayo?" tanong ko
"Oo Maxine, pero bukas pa ang flight namin, fully booked na kasi ang mga flights ngayon."
Pag minamalas ka nga naman!
No choice talaga ako. Hindi ko mapupuntahan si Ace ngayon.Ihahanda ko nalang ang sarili ko sa pagkikita namin ni Ace bukas. Kailangan ko nang sabihin kay Ace ang nararamdaman ko.
Sana hindi pa huli ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/255921186-288-k747693.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined to be
Ficção GeralMinsan, mali tayo sa napili nating mahalin. Nasaktan sa maling pagmamahal. Umiyak sa maling dahilan. Pero minsan kailangan din nating magkamali, para makita natin yong tamang tao para sa atin. What happened between Maxine and Alvis is just a proof t...