CHAPTER 17

2 1 0
                                    

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. Inaantok pa ako. Pero kailangan ko nang bumangon,maligo at mag ayos dahil unang araw ngayon ng pasokan. Wala man akong gana,pero pinilit ko ang sarili kong mag ayos. Hindi paman nagsisimula yong klase pero nakakawalang gana na. Hindi gaya noon sa probinsya, excited na excited akong pumasok lalo na't kaklase ko lang si Jane. Hay na ho-homesick na talaga ako.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos,bumaba na ako para mag agahan. Pagdating ko sa kusina nakahanda na ang agahan ko, may kanin,bacon,hotdog at itlog. May sandwich din saka.. gatas? Ayoko nang gatas! gusto ko kape!
Magtitimpla na sana ako ng kape nang pinigilan ako ni manang Lisa.

"ma'am para kay sir Richard po ba yang tinitimpla nyo? naku ma'am nakaalis na po si sir eh." Nakaalis na si kuya?hindi nya ako ihahatid sa school.!

"ah hindi po manang,para sakin po ito."

"pero ma'am may nakatimpla na pong gatas. si sir Richard pa nga po mismo ang nagtimpla nyan para sa inyu."

"talaga po ba?" si kuya talaga bini-baby ako. "Pero hindi po kasi ako umiinom ng gatas eh." biglang tumunog yong phone ko. Si kuya Richard nag text.

"morning bunso, magbreakfast kana. at simula ngayon,gatas na ang iinumin mo. wag kanang magkape! nakakabitter yan." si kuya talaga! hindi paman ako nakakareply nag text ulit sya.

"Wag matigas ang ulo,Maxine! inumin mo yang gatas, yong pinakapogi mong kuya ang nagtimpla nyan."

"Oo na po! iinumin na po. pero kuya mas gusto ko talaga ang kape eh." reply ko sa kanya

"wag matigas ang ulo,Maxine!"

"hmp!sige na nga lang."

"bilisan mo na dyan,maya-maya andyan na yong maghahatid sayo." text niya

"ha?sinong maghahatid sakin kuya?"

"basta! sige na,andito na ako sa office ko." hmp. hindi nalang ako nag reply at nagsimula nang kumain. Pero yong sandwich lang yong kinain ko tsaka paunti unting ininom ang gatas. Nasa kalagitnaan ako ng pag inom ng biglang may nag door bell. Binuksan naman agad ni manang Lisa.

"hooowow naman umiinom kana ng gatas ngayon,bunso?" masiglang sambit nya,

"Kuyaaaaaaa!!" tumayo ako at agad na niyakap sya. Pagkatapos ginulo nya ang buhok ko na parang bata.

"bakit ngayon ka lang nagpakita sakin ha?" sabi ko sa kanya tsaka nag pout.

"sorry na. Alam mo namang napaka busy ng pogi mong kuya eh." sabi nya at ginulo ulit ang buhok ko. "uyy nag gagatas na pala ngayon ang baby namin.." panunudyo nya

"Ang aga-aga nang aasar ka na naman! Eh si kuya Richard kasi eh. pinagtimpla ako ng gatas." tumawa lang si kuya Russel.

"so tapos kana bang kumain? handa kanang pumasok sa bago mong mundo? este sa bagong university?" nakangiting tanong nya.

"As if naman may choice pa ako." bigla naman akong nalungkot. Naalala ko silang lahat sa probinsya.

"no bayan! ang aga-aga sadgurl ka na. Wag ka nang malungkot, ihahatid ka naman ng pinakapogi mong kuya eh. arat na?"

Natawa naman ako sa sinabi ni kuya Russel. "Nahawa ka na rin pala kay kuya Richard." tumawa lang sya saka lumabas na kami ng bahay at sumakay sa kotse nya.Hindi na ako nagpaalam kay ate Grace kasi tulog pa sya.

"Thank you kuya. Sana bukas ikaw parin yong maghatid sakin ha." ngumiti lang sya saka nagsalita

"susubukan ni kuya." bumaba na kami ng sasakyan at hinatid nya ako hanggang gate. Hindi naman nakaligtas sa mga mata ko ang mga babaeng estudyanteng titig na titig kay kuya.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon