CHAPTER 27

5 1 0
                                        

Nakatitig parin kami ni Alvis sa isa't isa. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko syang yakapin.
Lumipat ang tingin niya sa kamay ni Ace na nakahawak sa bewang ko, bigla akong na guilty. Pakiramdam ko pinagtataksilan ko si Alvis, kahit wala na kami. Siguro nga hindi ko pa talaga tuluyang napalaya ang puso ko mula sa nakaraan namin.

"oh sige na maupo na kayo." sabi ni tito Arnaldo

"Ah, syanga pala bro, si Maxine. Pasensya na hindi ko sya na ikwento sayo kanina, sya ang babaeng mahal ko." nakangite lang si Ace habang pinapakilala ako kay Alvis, tapos tumingin sya sakin "kasu.. hindi nya pa ako sinasagot hanggang ngayon. Pero okay lang willing to wait naman ako eh." sabi niya sabay kindat sakin

"Max, sya si Alvis. kapatid ko." sabi ni Ace. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang gusto ko nalang maglaho bigla sa kinauupoan ko. Hindi pa ngayon ang tamang oras para malaman ni Ace ang lahat. Hindi sa ganitong okasyon at lalong hindi sa harap ni tito Arnaldo! Anong gagawin ko!

"Hi, Maxine." biglang nagsalita si Alvis saka ngumite. God! I really missed his voice and his smile!

"H-hi." bati ko sa kanya pabalik at ngumite ng bahagya. This time hindi ako makatingin sa kanya ng diritso.

"bagay silang dalawa, di ba anak?" nakangiteng sabi ni tito Arnaldo kay Alvis. Ngumite din si Alvis tapos tiningnan kaming dalawa ni Ace.

"Opo, bagay nga sila."

"Alam na namin yon, hindi nyo na kailangang sabihin." nakangising saad ni Ace.

Pagkatapos magdasal ni tito Arnaldo, kumain na kami. No'ng una tahimik lang kaming kumakain, pero nabasag ang katahimikang yon nang magtanong si Ace kay Alvis.

"So, bro kamusta naman ang buhay sa Seminaryo? hindi ba mahirap?"

"Mahirap. Pero kailangang kayanin dahil nandon ang pangarap namin."

"Ito bro, curious lang ako ha, hindi ka ba talaga nagka girlfriend nong nasa Seminaryo ka pa?" bigla akong nabilaokan sa tanong ni Ace kay Alvis, hindi ko napigilang maubo. Binigyan naman agad ako ni Ace ng tubig saka hinagod ang likod ko.

"Okay ka lang?" tanong ni Ace sakin. Tumango lang ako. Hindi agad nakasagot si Alvis sa tanong ni Ace kaya si tito Arnaldo ang sumagot

"Ano kaba naman Ace, tinatanong pa ba yan? bawal sa mga seminarista ang magka girlfriend! di ba anak? May kasabihan nga na Kapag nasa katwiran, ipaglaban mo. Pero kapag nasa seminaryo na, iwasan mo!" sabi ni tito Arnaldo sabay tawa. Ngumite lang si Alvis

"Alam ko naman yon pa, pero syempre lalaki parin naman sila. Hindi naman siguro maiiwasan na magkagusto parin sila. Tama ba ako, bro?" sabi ni Ace. Ngumite lang si Alvis saka nagsalita

"Naranasan ko ding magka girlfriend kahit nasa loob ako ng seminaryo." Hindi ko inaasahan ang sagot ni Alvis, akala ko magde-deny sya. Halatang nagulat sina tito Arnaldo at Ace sa sinabi niya.

"Talaga, anak? nagka girlfriend ka kahit nasa loob ka ng seminaryo?" tanong ni tito Arnaldo. Tumango si Alvis, at mas hindi ko inasahan ang sunod nyang sinabi

"Nagkaroon ako ng girlfriend, matagal din ang naging relasyon namin. Umabot ng 3 years kahit na paminsan-minsan lang kami nagkikita at nag uusap."

"woah talaga bro, 3 years? grabi ang strong nyu naman. Mahal na mahal nyo talaga siguro ang isa't isa anoh?" sabi ni Ace. Nakayuko lang ako habang nag uusap sila.

"Mahal namin ang isa't isa, kaya lang umabot sa point na kailangan ko nang mamili. Between her and my vocation. At mas pinili ko ang pangarap ko, ang bokasyon ko na pagpapari." sabi ni Alvis. Bigla akong napatingin sa kanya, ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makita kong nakatitig na pala sya sakin. Nagtama ang paningin namin, pero mabilis akong umiwas ng tingin, hindi pwedeng makahalata si Ace.

"Ang sakit naman non,bro. Ang hirap siguro ng pinagdaanan mo, kasi kailangan mong iwan yong babaeng mahal mo, para sa pangarap mo." sabi ni Ace

"Mahirap. Masakit. Pero mahal ko rin yong pangarap ko. At alam ko na sa aming dalawa mas nasaktan sya ng subra." sabi ni Alvis. Nakayuko parin ako habang hawak ang kutsara't tinedor ko, hindi ko na kayang galawin ang pagkain, pakiramdam ko, sasabog na ako!

"Pero di ba lumabas ka na ng seminaryo?Paano bro, kapag nagkita kayo ulit nong ex mo, may pag asa pa bang magkabalikan kayo?" Hindi ko inaasahan ang tanong ni Ace. Pero gusto kong marinig ang sasabihin ni Alvis. Ilang minuto ring natahimik si Alvis bago nagsalita

"Hindi ko alam. Pero sa tingin ko. Kung magkita man ulit kami, hindi na nya ako mahal gaya nang dati. At malamang may ibang lalaki nang nagmamay-ari ng puso niya. Nasaktan ko na sya ng subra kaya hindi na nya deserve ang tulad ko." Napatingin ako kay Alvis. Nakayuko lang sya habang nagsasalita.

"Ang lungkot naman ng love story ninyu." sambit ni Ace.

"Ano ba yan. Iba nalang ang pag usapan ninyu wag na yang mga malulungkot na bagay. Unang dinner pa naman natin to na magkasama, kaya dapat masaya lang tayo." sabi ni tito Arnaldo.  Ngumite lang sina Ace at Alvis. Pagkatapos bumaling si Ace sakin

"Okay ka lang ba Max? kanina kapa walang kibo ah." tanong ni Ace. Tumango lang ako saka ngumite sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, nag aya si Ace na mag karaoke, pero tumanggi na ako.

"Ace, pwede bang ihatid mo nalang ako sa bahay, parang biglang sumama ang pakiramdam ko eh."

"May lagnat ka ba? ayos ka lang ba?" tanong niya saka hinawakan ang noo ko, nakita ko ang pag aalala ni Ace

"Hindi, wala akong lagnat, pero parang gusto ko nang magpahinga, dala na rin siguro to ng stress dahil sa exam kaninang umaga."

"Ganon ba, sige ihahatid na kita, magpaalam muna tayo kina papa at Alvis." saad niya saka lumapit kami kina Alvis at tito Arnaldo

"Pa, bro, ihahatid ko lang muna si Maxine."

"Oh uuwi ka na hija? maaga pa naman ah." sabi ni tito Arnaldo

"Hindi kasi maganda ang pakiramdam ni Maxine pa, kailangan na nyang magpahinga." sabi ni Ace

"Ganon ba, oh sige, mag iingat kayo ha." sabi ni tito Arnaldo, pagkatapos bumaling si Ace kay Alvis

"bro, hatid ko lang muna ang prinsesa ko, pagbalik ko inuman tayo." sabi ni Ace saka ngumite.

"Sige bro. mag iingat kayo." sabi nya pagkatapos bumaling sya sakin
"It's nice meeting you Ms.Maxine." Sabi ni Alvis at ngumite.

"nice meeting you too... Alvis."

Mariin ko pinikit ang mga mata ko saka sumandal sa upuan. Parang hindi parin nag si-sink in lahat sa utak ko ang nangyari sa gabing to. Pagkatapos ng isang taon, nagkita ulit kami ni Alvis at sa hindi inaasahang pagkakataon pa talaga.
Naramdaman ko ang palad ni Ace sa noo ko, kaya dinilat ko ang mga mata ko. Nakafocus lang sya sa pagda-drive habang ang isang kamay niya nasa noo ko. Kinuha ko ang kamay nya saka kinulong sa mga palad ko.

"Wala akong lagnat, napagod lang talaga ako." sabi ko sa kanya ng malumanay

"Nag aalala lang talaga ako, kanina pa kasi kita napapansin eh, sana kanina mo pa sinabi na masama ang pakiramdam mo, edi sana naihatid kita ng mas maaga."

"okay lang." sambit ko saka ngumite

"Sayang. sabay sana tayong magbobonding kasama si Alvis."

"May next time pa naman eh. Saka moment nyu nang pamilya mo ang gabing to, kaya hindi na dapat ako kasali." sabi ko sa kanya para gumaan naman ang pakiramdam niya. Pero may next time pa nga ba! Parang hindi ko na kayang magpanggap eh.

"Ano ka ba, magiging parte ka rin naman ng pamilya namin. Balang araw." sabi niya saka lumingon sakin tapos kumindat. Napangite nalang din ako sa ginawa niya. Pilyo ka talaga Ace!

"Kailan lang ba dumating dito ang kapatid mo?" Hindi ko na napigilang magtanong

"Kaninang umaga lang, pag uwi ko galing sa eskwela nasa bahay na sya, naabutan ko nalang silang umiiyak habang nagyayakapan ni papa. Subrang saya ko Max, dahil sa wakas nagkita narin ulit kami ng kapatid ko after 7 years. At maayos narin sila ni papa, napatawad na ni Alvis si papa. Pati na nga rin si mama Lilian, pinatawad na ni Alvis, kaya lang mapride si mama. Pero okay lang, ang importante sakin ay yong magkasama na ulit kaming tatlo ni papa at Alvis, sayang nga lang wala na si Mama Marian."
Ngumite ako saka hinawakan ang kamay niya.

"Masaya ako na masaya ka." sambit ko at ngumite sa kanya.

Destined to beTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon